Nagulat si Lia nang paglabas niya ng kwarto ay nadatnan niya sa sala sina Gino at Roy. May bitbit na paper bags si Roy at mukhang puno iyon ng pagkain. “Anong ginagawa niyo dito?” gulat niyang tanong. Ngumiti si Gino, tila ba natural lang ang biglaang pagdating nila. “Nagdala kami ng pagkain. Para sabay-sabay tayong kumain.” “Kasama ako, Boss?” takang tanong ni Roy habang nakakamot sa ulo. “Syempre naman, Roy. Sabay-sabay tayong tatlo,” sagot ni Gino. “Ay tara na! Kanina pa ako gutom, Boss!” masayang sabi ni Roy at agad nagtungo sa dining area. Napailing si Lia ngunit may bahagyang ngiti sa labi. Kumuha siya ng mga plato at inayos ang pagkain sa mesa. May chopsuey, roasted chicken, chocolate cake, at mainit na kanin. Hindi kasi nila sinabi na pupunta sila kaya wala siyang naihanda.

