CHAPTER 40 – TAWAG NG PANTUBOS Tahimik ang buong mansion. Pero sa katahimikang iyon Parang may sumisigaw. Galit. Takot. Pagsisisi. At desperasyon. Nakatayo si Gino sa gitna ng sala, hawak ang cellphone niya. Nanginginig ang kamay niya habang paulit-ulit niyang sinusubukang tawagan si Lia. Pero gaya ng nakaraang tatlong araw Walang sumasagot. Ngayon, mas masakit. Dahil alam niyang hindi na simpleng hindi siya pinapansin. Kundi— May mas malala nang nangyari. “Sir…” mahina ngunit nag-aalalang tawag ni Yaya Net. “Pasensya na po… hindi ko po sila naprotektahan…” Umiling si Gino. Hindi siya galit kay Yaya Net. Galit siya sa sarili niya. Kung hindi siya nagkamali… Kung hindi niya sinaktan si Lia… Kung hindi siya nagpabaya… Hindi sana umabot sa ganito. “Hindi mo kasalanan ‘to,

