Tahimik ang gabi sa Antipolo. Ngunit sa katahimikang iyon May paparating na bagyo. Dahan-dahang huminto ang itim na sasakyan sa hindi kalayuan mula sa target na bahay. Nasa loob si Gino. Tahimik. Nakatitig sa madilim na direksyon ng bahay. Para bang sa isang iglap Kaya niyang lunukin ang buong lugar. “Sir, perimeter secured,” bulong ng isa sa mga tauhan sa earpiece niya. “May apat na armado sa labas… hindi pa kasama ang nasa loob.” Tumango si Gino. “Wait for my signal.” “Copy.” Kasama niya sa sasakyan si Don Ramon. Tahimik din. Pero ramdam ang tensyon. “Sigurado ka ba dito?” tanong ng matanda. Hindi agad sumagot si Gino. Ilang segundo. At pagkatapos— “Hindi ako pwedeng magkamali.” Tumingin siya sa relo. Malapit na ang oras ng usapan. “Papasok ako bilang negosyante,”

