CHAPTER 46 – PAMILYA AT PAGBABALIK-LOOb Limang buwan ang lumipas mula sa gabing iyon. Ang bahay ng mga Montefalco ay puno ng buhay at tawanan. Si Camille ay tumatakbo sa sala, bitbit ang paborito niyang manika, habang si Lia ay nakaupo sa sofa, nakangiti sa bawat galaw ng anak. Si Gino ay nasa kusina, nagluluto ng simpleng hapunan, ngunit punong-puno ng pagmamahal at pasensya. “Daddy! Daddy! Tingnan mo!” sigaw ni Camille habang ipinapakita ang bagong laro niya. Tumango si Gino, pinagmamasdan ang anak, at napangiti. “Ikaw talaga, baby. Ang ingay mo,” sabay hagkan ang noo ng bata. Si Lia ay tiningnan ang asawa at anak, napangiti at napaluha ng bahagya. “Gino… salamat sa lahat,” mahina niyang sabi, hawak ang kamay ng asawa. “Salamat din sa’yo, Lia,” sagot ni Gino, nakangiti. “Sa pag

