Kinabukasan, mas maagang nagising si Gino. Nakaligo na siya at maayos nang nakapagbihis. Habang nakatayo sa may bintana ng kwarto, may kausap siya sa telepono. Sa kabilang bahagi ng kama, unti-unting nagmulat ng mata si Lia. Nakatalikod si Gino habang abala sa tawag. “Yes, Ninong… thank you so much po. Sige po… okay po… thank you po. Bye.” Paglingon niya sa kama ay nakita niyang gising na si Lia. Ngumiti siya at agad lumapit. Marahan niya itong hinalikan sa noo. “Good morning, Mrs. Montefalco.” malambing na bati ni Gino. Napangiti si Lia. “Good morning, asawa ko.” Napangisi si Gino. “Sarap naman pakinggan.” Iniabot niya ang towel kay Lia. “Mag-prepare ka na. Mag-almusal na tayo.” Maya-maya ay sabay na silang nakaupo sa dining table kasama si Don Ramon. Tahimik muna silang kumaka

