Nasa NAIA na kami at naghihintay ng taxi. Kanina pa kami nandito an hour ago. Hinihintay kasi namin si Hade kaso hindi naman pala kami masusundo dahil may appointment pala siyang iba. Medyo nainis pa nga si Nina dahil hindi raw nagsabi si Hade sa kanya. “Nakakainis naman talaga itong si Hade oh,” naiinis na sambit ni Nina habang nag-aabang kami ng sasakyan sa may airport. “Ano ka ba, Ateng, okay lang iyon. Hindi pa naman late eh,” sabi ko naman dito. “Oo nga naman, Nina, okay lang iyon,” dagdag naman ni Thea sa sinabi ko. “Hmp! Nakakainis pa rin! Dapat itinawag niya muna sa akin nang mas maaga para hindi ako nag-e-expect ‘no,” medyo nagagalit na sambit nito. Napailing naman ako sa sinabi niya. “Nina, narinig mo naman siguro ang sinabi ni Hade, hindi ba? Em

