Kinabukasan ay maaga akong pumasok at naghintay kay Thea upang kausapin sana ito at tanungin kung ano ba ang nangyari kagabi, pero hindi siya pumasok. Nagulat naman ako kasi hindi siya pumasok. Usually naman kasi ay nakakapasok pa rin siya kahit na sobrang lasing siya sa bar. Pero ngayon lang nangyari na hindi siya nakapasok. “Bakit kaya?” naitanong ko tuloy sa sarili ko habang nasa may tapat ako ng office niya. “Hindi kaya mayt nangyaring hindi maganda?” Actually, three consecutive days na nga siyang hindi pumapasok eh dahil may sakit daw siya. Gusto ko s’yang puntahan kaya lang wala naman daw s’ya sa condo niya. Nandoon daw siya sa Tita niya. Okay lang naman sa akin kaya lang nagwo-worry rin ako sa kanya, kasi nga ay hindi ko siya nakakausap nang maayo

