AVA’s POV Kinagabihan, nasa art studio ulit kami ni Blaze. Buong maghapon halos hindi kami nag-uusap. Hindi ko alam kung ano ang iisipin at gagawin ko. Walang salitang lumabas sa bibig ko. I was quiet the whole time, pero ramdam kong napapansin niya. “What happened?” tanong niya sa wakas, pagkalipas ng ilang sandali. “You’ve been quiet since class.” Nagpigil ako ng buntong-hininga, pero hindi ko na rin kinaya. Umiwas ako ng tingin bago nagsalita. “Someone’s spreading rumors about me. About us.” Napakunot ang noo niya. “Us?” Tumango ako. Iyong parang nilalakumos na ang dibdib ko sa inis. Gusto ko na sugurin ang taong nagkakalat ng fake news. “They said I’m using you for my scholarship. That I—” Hindi ko naituloy. Parang nakakahiya pa rin kahit wala siyang kasalanan. And I am not using

