AVA’s POV Biyernes, araw ng hearing ko sa anonymous online email complaint against me. Nasa harap ako ng panel mga propesor, admin, at ang aming Dean. Kinakabahan ako, pero dala ko lahat ng ebidensya, mga raw files ng project namin, mga message logs, lahat. Wala akong nakaligtaan. Besides hindi naman ako takot hindi naman ako scholar. Hindi ko lang alam saan nakuha ni Queenie ang information na iyon. Magsusumbong lang mali-mali pa. Si Blaze, nagpupumilit pumasok kahit hindi siya dapat kasama sa hearing. Tahimik lang siya sa gilid nagmamasid at nakatingin lang sa akin then sa panel, pero ramdam ko ang presensya niya. Nang tinanong ako kung may gusto akong sabihin bago tapusin ang inquiry, tumingin ako sa kanila nang diretso. “I came here to study, to learn, and to build my dreams on m

