Elle’s POV BAHAGYA akong ngumiti, pakiramdam ko ito na ang aking simula. “Good. Kasi limang taon na akong nabubuhay sa kasinungalingan. Panahon na siguro para bumawi.” Mahinang bulong ko. Huminga ako ng malalim. Napatingin ako sa seradura bago ko bumukas ang pinto ng interrogation room. Sa loob, nakita ko si Sydney maputla, marumi, halos walang sigla. Ang dating babaeng puno ng pride, ngayon ay parang ibang tao na siya na tila iniwan ng sarili niyang katinuan. “Elle,” mahinang sambit niya sa pangalan ko, halos paos na iyon, “you won.” Umiling ako. “No, Sydney. Nobody wins in this. We both lost, but at least, ako, may natutunan.” Tumingin siya sa akin, walang tigil ang pagtulo ng masaganang luha sa mga mata niya. “And what’s that?” “That forgiveness doesn’t mean forgetting,” seryoso

