Elle’s POV ILANG araw pa ang lumipas ng tuluyan nanumbalik ang lakas ni Mav. Ngayong araw ay kakaiba ang liwanag, dahil sa wakas pinayagan na kami ng Doktor na lumabas. Life is about perfect timing. My mga araw na gloomy ang panahon parang buhay ng tao. May mga araw na windy at araw na maaliwalas Yung klase ng sikat ng araw na parang may ipinapangakong bagong simula, hindi na masakit sa mata, kundi banayad, malinis, parang simula ulit ng nabagong buhay. Kasama ng taong mahal mo. Nasa gilid ako ng kama ni Maverick habang tinatanggal ng nurse ang mga dextrose sa braso niya. Tahimik lang siya, pero halata sa mga mata niya ang pananabik at excitement. Kahit sino naman siguro, even me. I am so excited. “Finally,” mahina niyang sabi, “I’ll get to breathe real air again. No more alcohol an

