Dinala ako sa bahay ampunan kasama ko ang ibang mga bata na narescue din nila.Wala akong kibo at inaakala pa nila na pepe ako.Marami silang tinanong sa'kin pero hindi ko sila sinasagot.Ayaw ko nang maalala ang mga nangyari gusto ko na kalimutan lahat.
"Bata ako nga pala si Kian." Mag-isa ako sa gilid ng may biglang lumapit na batang lalaki sa'kin. Tiningnan ko lang ang kamay niya na gustong makipag shakehands pero hindi ko iyon tinanggap.
Ngumiti si Kian at tumabi sa inuupuan ko.Nakatingin lang ako sa mga batang naglalaro.
"Anong pangalan mo?Pwede mo akong maging kaibigan." Hindi ko nalang siya pinansin kasi hindi ko naman kailangan ng kaibigan .
"Pepe ka ba talaga hindi ka marunong magsalita?Huwag kang mag-alala simula ngayon magkaibigan na tayo." Patuloy lang ako sa panunuod sa mga naglalaro .
"Gusto mo bang maglaro?" Ang kulit naman nito ,hindi ba halata na ayaw ko ng may kausap?
Tumayo ako at umalis na doon sa play ground.Gusto ko lang na mapag-isa kaya pumunta ako sa library dahil mas tahimik doon at walang mang iistorbo sa'kin.Magbabasa nalang muna ako ng mga libro.
Isang linggo na ako dito sa bahay ampunan at maayos naman ang buhay ko dito.Every morning kami ay nagwawalis sa labas.Monday to friday naman tinuturuan nila kami sa pagbabasa at pagsusulat kahit marunong naman na ako sa pagbabasa at pagsusulat kaya lang ang ibang mga batang kasama ko hindi.
Kinuha ko ang libro na may nakasulat na "English Reading" ,hindi naman talaga ako mahilig sa pagbabasa pero wala naman akong ginagawa.
"Pwede tumabi?" Umusog lang ako sa inuupuan ko.
"Gusto mo ako na magbasa?" Napatingin ako sa katabi ko at hindi nga ako nagkamali si Kian na naman.Bakit ba ang kulit kulit niya.
"Marunong akong magbasa." Ibinaling ko sa hawak kong libro ang aking paningin pero kitang kita ko sa sulok ng aking mata ang pagkabigla niya sa biglaan kong pagsasalita.
"Nakakapagsalita ka?!" Hindi ko nalang ulit siya pinansin.Bigla nalang siyang tumayo at tumakbo.Anong nangyari sa kaniya?
Napailing nalang ako.Ilang sandali lamang ay bumalik na si Kian at kasama pa niya si Mother Niña.
"Mother hindi po siya pepe nakakapagsalita po siya." Nilapitan ako ng madre at tinanong.
"Totoo bang nakakapagsalita ka?" Hinaplos niya pa ang itim at mahaba kong buhok.
"Opo," Ngumiti si Mother Niña sa pagsagot ko.
Dinala ako ni Mother Niña sa kanilang office at tinanong niya ako tungkol sa'kin.Sinabi ko lang sa kaniya ang pangalan ko at wala na akong mga magulang.Hindi ko sinabi na may kamag-anak ako dito sa Maynila natatakot ako na ibalik kina Tita.
Naging maayos ang buhay ko sa bahay ampunan naging magkaibigan na kami ni Kian.Hinahayaan ko nalang siya sa pagiging makulit niya.
Isang araw nilapitan ako nila Ella kasama niya ang dalawa niya pang kaibigan na sina Lyka at Inna.Nagwawalis ako sa likod ng library.
"Hoy pepe!" Pepe ang nakasanayan nilang tawag sa'kin kasi hindi pa ako nagsasalita noon.
Binalingan ko sila ng tingin.Ano kayang kailangan nila sa'kin.
"Kath.Kath ang pangalan ko." Malumanay lang naman ang pagkakasabi ko pero hinila niya bigla ang buhok ko.
"Aray!" Napadaing ako sa sakit.
"Anong paki ko kung Kath ang pangalan mo,mas bagay sa'yo ang tawaging pepe." Binitawan ko ang hawak kong walis para masabunutan ko din siya.Pero pinagtulungan ako ng tatlo.
Hinawakan ni Lyka at Inna ang dalawa kong kamay habang si Ella naman ay sinampal ako,naka apat na sampal siya sa pisngi ko at ang lakas pa.Nalasahan ko ang dugo sa malakas na sampal niya.
"Ano bang ginawa ko sa inyo ha?" Hinila niya ang buhok ko.
"Wala naman naiinis lang ako kapag nakikita ka,tandaan mo ako lang ang prinsesa dito at mas maganda ako sa'yo." Binitawan niya ako at umalis na sila.
Nanghina ako sa ginawa sa'kin ni Ella nanlabo ang paningin ko at bigla ay natumba nalang ako at nawalan ng malay.
Nagising ako sa clinic.Nakita ko si Kian sa gilid nakaupo agad niya akong nilapitan nang makita na nagising ako.
"Kath kumusta ang pakiramdam mo?" May bahid ng pag-aalala ang ekspresyon niya.
"Medyo masakit pa ang ulo ko." Wala pa akong lakas na bumangon .
"Teka lang tawagin ko lang sina Mother Tes ." Tumango lang ako.
Pagdating ni Mother Tes ay may kasama siyang magandang babae at isang batang babae na parang pamilyar sa'kin.Lumapit sila sa akin.
"Hija ayos ka lang ba?" Tanong sa'kin ng magandang babae.Ang kaniyang buhok ay hanggang balikat lamang pero tuwid na tuwid ito.Maamo ang kaniyang mukha ,may matangos na ilong,kulay blue ang kaniyang mga mata at napaka puti niya.
May suot siyang mga hikaw at magarbo ang suot na damit.Ang mga ganitong hitsura ay mayaman.
Hindi naman maipagkakaila na anak niya ang batang kasama dahil magkapareho ang kanilang ilong at labi.
"Masakit pa daw po ang ulo niya," Sabi ni Kian.
"Ganun ba," Hinaplos ng babae ang aking buhok.
"May gusto kabang kainin hija?" Tinitigan ko lang ang babae.Hindi ko naman siya kilala pero bakit nag-aalala siya sa'kin?
"Sino po kayo?" Tanong ko sa kaniya.
"Tawagin mo nalang akong Tita Dena ,ako ang mommy ni Entice." Lumapit naman ang batang babae at nagpakilala.
"Hello ,ako nga pala si Entice .Naalala mo pa ba ako ang kasama mo noong nakidnapped tayo." Kaya pala pamilyar siya para sa'kin.Siya pala ang batang 'yon ?
"Excuse po nandito na po ang mga pinabili niyong prutas."
"Sige dalhin mo nalang iyan dito." Utos ni Mother Tes.
Pumasok ang lalaki at inilagay sa lamesa ang dala niyang mga prutas.
"Gusto mo balatan kita ng orange?" Tanong ni Entice .Tumango ako kasi isa sa paborito kong prutas ang orange.
Lumapit naman si Mother Tes sa'kin.
"Kath ano ba ang nangyari?"
Naalala ko na naghahanap sila ng mag-aampon sa'kin mukhang mabait naman itong si Tita Dena baka kaawaan niya ako at ampunin.
Umiyak ako,sa lahat ng napagdaanan ko parang naging bato na ang puso ko.Ang pag-iyak ko ngayon ay isang pagkukunwari lamang.Nagbabakasakali na maawa sa'kin si Tita Dena.
"Mother k-kasi bigla nalang akong sinugod nina Ella .Wala naman po akong ginawang masama sa kanila.Sinabunutan at sinampal po nila ako." Umiyak ako ng umiyak.
"Pinagtulungan po nila ako ,Mother natatakot na po ako sa kanila.Aray!Ang sakit ng ulo ko!" Medyo masakit lang ang ulo ko pero para mas madala si Tita Dena nagkunwari pa akong sobrang sakit ng ulo ko.
"Hija are you okay? Mother baka kailangang ilipat na'tin siya sa hospital."
"Kath," Sambit ni Kian pero pinagpatuloy ko lang ang acting ko.