Chapter 2

1315 Words
May biglang tumapik sa'kin kaya pilit kung minulat ang mga mata ko. Pakiramdam ko nilalagnat ako dahil ang ginaw-ginaw ,hindi din naman imposible dahil nga naulanan ako at basang basa ako kagabi wala din naman akong pamalit na damit. "Bata mukhang may lagnat ka." Isang may edad na babae ang gumising sa'kin.Medyo madami na din ang tao pero hindi pa naman sumisikat ang araw. Hindi ako nagsalita dahil sa sobrang ginaw na naramdaman ko. Ilang sandaling pagsusuri ay may tinawag siyang lalaki ,hindi ko alam pero iba ang kutob ko mas lalo lang akong nanginig ng bigla ay binuhat ako noong lalaki. Bumalik sa isipan ko ang ginawa ni Tito Arnel kagabi ,muntikan na niya akong magahasa. Naiiyak na ako sa takot lahat ng naramdaman ko kagabi ay bumalik mas grabi pa ngayon dahil may lagnat ako.Hindi ako makasigaw dahil napangungunahan ako ng sobrang takot walang lumalabas sa bibig ko iyak lang ako ng iyak . Isinakay ako ng dalawa sa isang itim na Van doon ay napansin nila na umiiyak na pala ako. "Huwag kang umiyak hindi ka namin sasaktan." Sabi lang ng lalaki pero natatakot pa din ako bigla naman ay sumakit ang ulo ko dahilan kung bakit nawalan ako ng malay. "Kath halika na," Bulong ni Tito Arnel sa aking tenga kaya mabilis akong lumayo sa kaniya .Unti unti siyang lumalapit ako naman ay nilalayuan siya. "Tito huwag po !Maawa po kayo sa'kin!" Sigaw ko sa kaniya.Tumakbo ako at pumunta sa kusina kinuha ko ang matulis na kutsilyo . "Sige lumapit ka at papatayin kita!" Ngumisi lang siya kaya nanginig ako ,hindi siya natatakot sa dala kong kutsilyo nilapitan pa din niya ako kaya sinaksak ko siya pero patuloy pa din siya sa pagtawa. "Hahahaha hahahaha ." "Huwag!" "Bata ayos ka lang?" Tanong ng babae . "Huwag po! " Niyakap ko ang sarili ko ,sobrang kinabahan ako dahil akala ko totoo.Umagos ulit ang masagana kong luha. "Hoy,bata ano bang nangyari sa'yo." Hindi ako nagsalita hanggang ngayon takot na takot pa din ako . "Bata pepe kaba?Hindi ka makapagsalita?Ha?" Walang lumalabas sa bibig ko dala ng trauma sa nangyari. "Alam mo bang isang araw kang natulog at ako lang naman ang nag alaga sa'yo kaya umayos ka.Pasalamat ka hindi kita pwedeng saktan kundi pinatikim ko na sa'yo itong kamao ko." Bigla ay nag iba ang awra ng babae ,bigla na lamang siyang nagalit sa'kin at akmang susuntukin ako mas lalo lang akong naiyak at nadagdagan pa ang kaba at takot na naramdaman ko. "Kumain ka nalang muna ,pagaling ka kaagad .Aalis muna ako baka masaktan pa kita." Itinuro niya ang pagkain sa lamesa na nasa gilid ng hinihigaan kong kama. Umalis na siya kaya nakaramdam ako ng konting ginhawa ,medyo maayos na ang pakiramdam ko kaya bumangon na ako.Hindi ko pa alam kung nasaan ako ,hindi ko sila kilala kaya hindi ako ligtas dito.Nakita ko ang bintana kaya tumingin ako doon. Nakita ko sa labas na may dalawang babae at isang lalaki dala ang dalawang sa tingin ko ay mas bata pa sa'kin.Isinakay nila ito sa isang Van hindi ko alam kung saan sila dadalhin pero nakita kong umiiyak at nagwawala ang mga ito. Saan kaya nila dadalhin ang dalawang bata ,kailangan kung malaman pero biglang kumulo ang tiyan ko at naramdaman ko na ang gutom.Sabi nang babae isang araw akong natulog kaya siguro gutom na gutom ako.Tumingin ako sa nakahandang pagkain at tamang tama pritong bangos ang ulam isa sa paborito ko. Pagkatapos kong kumain ay lalabas sana ako sa kwarto pero naka lock ito.Paano ako lalabas dito ,iba ang kutob ko kailangan makatakas ako dito. Nag isip ako ng plano kung paano ako tatakas dito.Paano nga ba ako makakatakas? Narinig ko ang mga yapak ng paa papunta sa kwarto ko kaya dali dali akong humiga ulit sa kama. Bumukas ang pintuan at pumasok ulit ang babae kanina.Lumapit siya sa'kin at hinawakan ang noo ko chinicheck ata kung ok na ako. "Wala ka ng lagnat kaya pwede ka ng lumipat bukas." Katulad ba sa mga batang nakita ko kanina na isinakay ng mga kasama niya sa Van pero bakit sila umiiyak at nagwawala? "Maganda ka sana kaso pepe ka lang kaya hindi din sayang wala ka din namang pakinabang sa mundo." Hindi ko nakuha ang ibig niyang sabihin hindi ko maintindihan. Tumitig lang ako sa kaniya kinakabahan pa din ako .Sino ba sila at anong kailangan nila sa mga batang tulad ko? Naalala ko noon na may mga balitang nangunguha ng mga bata para ibenta ang lamang loob sa malaking halaga mas kinabahan pa ako sa naisip ko. "Sige pahinga kalang muna diyan." Kinuha niya ang pinagkainan ko at lumabas na sa kwarto. Kung totoo man ang kutob ko kailangan talagang mag isip ako ng plano para makatakas dito. Mabilis ang pagtakbo ng oras at wala akong sinayang nag isip ako ng pinaka maayos na plano kung paano ako makakawala sa kanila.Kinalma ko ang sarili ko para makapag focus ako ng maayos sa kung ano ang gagawin. "Bitawan niyo ako !" Sigaw ng isang batang babae habang umiiyak. "Sige na ipasok niyo na sila ." Utos ng isang babae . Kahit kinakabahan ay pilit kong kinakalma ang sarili ko .Naawa ako sa katabi ko iyak lang siya ng iyak.Binantaan din kami na kapag nanghingi kami ng tulong papatayin kami kaagad lalo pa at may dalang baril ang isang lalaki .Lima kami lahat dalawang lalaki at isang babae ang kasama namin.Ang isang lalaki ay katabi ko,katabi naman ng batang kasama ko ang babae at ang isang lalaki ay ang nagdadrive. One two three nagbilang ako hanggang tatlo tsaka ko ipinasok sa bibig ko ang isa kong daliri upang magsuka ako ,sakto din namang iyong lalaki ang katabi ko .Sumuka ako ng sumuko doon sa katabi ko sinadya ko talaga at tiniming ko din na doon sa may maraming tao. "Tangina!" Nanginig sa galit ang lalaking katabi ko dahil sinukahan ko siya.Nagmumura siya pero wala na akong pakialam.Tumawa lang ang nagdrive pati ang babae . "Pasalamat ka at bata ka!Pre hinto ka muna sandali doon sa tapat ng mall gusto kong magbihis.Tangina naman oh!Len pakihawak ng baril." Parang gusto niya akong kainin sa galit. Huminto ang sasakyan sa tapat ng mall buti nalang talaga at epektibo ang idea ko.Ngayon naman ang Plan B.Kunwari hindi ako makahinga nag praktis na ako kahapon kaya sigurado ako ng madadala ko sila sa arte ko. One two three "Hindi ako makahinga!" Nagsimula na ako sa pag akting,hinawakan ko ang dibdib ko at pati mata ko inensayo ko na parang naduduling samahan pa ng paglalaway . "Bata anong nangyayari sayo ?" Lumapit ang babae medyo nataranta . "Len buksan mo muna ang bintana!" Pati ang driver nadadala na din. "Bert paano 'to anong gagawin natin?" Naramdaman ko na nataranta na silang dalawa. "Hindi ko alam ,ilabas muna natin." Suggest ng driver . Dali dali ay kinuha ko ang baril sa bulsa ng babae at itinutok iyon sa ulo niya. "Pakawalan niyo kami kundi ipuputok ko 'to" Nagulat silang lahat sa ginawa ko. "Bata bitawan mo 'yan." "Isa huwag niyong paabutin ng tatlo kundi basag ang bungo mo!" Takot pa din ako pero kinokontrol ko na lang . "Dalawa..." "Bata bitawan mo sabi yan," "Tatlo." Ipinutok ko ang baril nanginig bigla ang kamay ko at lumihis doon sa paa niya .Nakadalawang baril ako sa kaniya. "Ahhhhhhhh" Naglikha iyon ng ingay kaya nagmadali sa pagmamaneho ang driver . Nanginginig na ang kamay ko naiiyak ako dapat kinontrol ko ang sarili ko.Akma ay kukunin ng babae ang baril kahit nasugatan ko ang paa niya may lakas pa din siya. "S-sige kunin mo ,ipuputok ko 'to sa ulo mo!" Patuloy lang sa pag drive ang lalaki at ilang sandali lang ay may naririnig na kaming wang wang ng pulis. Mabilis lahat ng nangyari hinarangan kami ng mga pulis at nadakip ang dalawa.Kami naman ng kasama kong bata ay dinala din ng mga pulis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD