Chapter 19 Daddy Miguel

1622 Words
Arabella POV “Ah Bella nagpunta po dito si sir Ram hinahanap po Kayo” salubong ni Ate Emma saakin. “Hah? Bakit daw?” Taka Kong tanong. “Hindi ko po alam.. sabi ko po nasa ibang branch kayo tapos biglang nag madaling umalis” Sagot nito na tila nagtataka din. “Kanina pa ba?” Ngayon ay kinakabahan na ako dahil May Kutob na ako Kung Bakit ako hinahanap nito. “Hindi po nagkasalisi Lang kayo kaalis lang” mabilis na Sagot ni Ate Emma. Sigurado ako na ang susunod na pupuntahan nito ay ang bahay namin kung ang Kutob ko ay tama kung Bakit niya ako hinahanap. Nag madali akong umuwi ng bahay at tama nga ako nandito si Miguel. Narinig kong tinatanong ni Miguel Kung anong pangalan ni Baby Choy. Kaya ako na ang sumagot. “Oliver Miguel ang pangalan niya” sabay silang napalingon ni Tita Carla saakin. “Ah Bella iwan ko muna kayo ni Miguel dalin ko muna si baby Choy sa kwarto niya” Sambit ni Tita Carla. Tumango Lang ako matapos ay naupo ako sa couch. “Oliver Miguel?” Taka nitong tanong. “Bakit May Mali ba sa pangalan ng anak ko?” Masungit kong tanong dito. “Anak mo? Oh anak natin?” Seryoso nitong tanong. Tumayo ako dahil halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon kahit alam ko naman dadating ang araw na ito pero Hindi ko inasahan na ganito kabilis hindi ako Handa. “At Bakit mo naisip na anak mo si baby Choy?” Nakatalikod kong tanong. Naramdaman kong tumayo din ito at lumapit saakin. Nagulat pA ako ng maramdaman ko ang labi nito sa aking tenga “ bulag ka ba Arabella? Wala kang nakuha sa anak natin kamukang kamuka siya.. alam mo ba nag ibig sabihin non?” Ng lingunin ko ito dahil nakikiliti na ako sa pagbulong nito ay nakita ko itong naka ngisi. “Hah?.. anong ibig sabihin pinag sasabi mo diyan!” Masungit kong Sambit dito. Nakita kong aliw na aliw na Ngumiti ito saaking reaksiyon sabay lapit muli saakin na halos mag dikit na ang aming mga muka. “Miguel ang lapit mo naman masyado?” Hawak hawak ko ang dibdib nito ngayon upang pigilan siya. “Ang sabi nila Bella pag kamuka daw ng daddy ang baby ibig sabihin mahal na mahal daw ng mommy yung daddy” halos pabulong nitong sambit habang nakangiti ất titig na titig saakin. “Shocks nag iinit ang katawang lupa ko sa mga titig ni Daddy Miguel” sigaw ng malandi kong utak. “Totoo ba yun Bella?” Pahabol pa ng loko sabay taas ng dalawang kilay. “Feeling ka eh noh!!” Sabay iwas ko dito dahil wala akong ma isagot totoo naman kasi mahal na mahal ko pa din siya. “Arabella please I want to hear from you anak ko ba si baby Miguel?” Bumalik ang seryosong boses nito. “ Oo Miguel anak mo siya” nakita ko Kung papano nanubig ang mga mata nito. “Bakit mo tinago saakin Bella.. f*ck mahigit isang taon ang nasayang na oras na makasama ko ang anak ko.. Bakit Bella!!?” Tumulo na ang luha nito kaya Hindi ko na rin napigilan umiyak. “Hindi ko alam na buntis ako ng samahan ko si Choy sa America doon ko na nalaman.. I can’t leave Choy malala siya at May taning na ang buhay” umiiyak Kông paliwanag. “Kaya pinag kait mo saamin ng anak ko na magka kilala kami at mag kasama?” Mariin nitong tanong. “Ikaw ba Miguel matitiis mo ba ang isang mabuting tao na mamamatay na.. dạhil ako Hindi!! Hindi kaya ng konsensiya ko yun” napasapo ako sa muka ko at naupo sa couch. “ hiniling ni Choy na magpakasal kami bago man lang siya mamatay at maranasan ang mag ka pamilya.. kaya pinag bigyan ko ito sana naman maintindihan mo ako Miguel” patuloy ko. “Sana din maintindihan mo ako Bakit ako nagagalit!!! Hindi mo lang ako iniwan Bella inilayo mo pA ako sa aking anak” umupo din ito sa couch at Pinunasan ang luha. “ Kung Hindi tayo nag kita sa shop May balak ka bang sabihin saakin?” Seryoso muling tanong nito. “ nung una oo.. pero ng malaman kong.. masaya ka na kay Maggie naisip ko mas maganda sigurong Hindi na kita guluhin” walang gana kong sagot dahil Hindi Lang ako nasasaktan para sa sarili ko pero para din kay Baby Choy. “I want to see him hug him kiss him spend time with him Bella” may pag susumamo sa boses nito. “Ofcourse Miguel Hindi kita pipigilan mag pa ka daddy Kung yan ang gusto mo” kinuha ko si Baby Choy sa kwarto namin. “Baby I want you to meet your Daddy Miguel” Sambit ko kay baby Choy. Ngumiti ang baby ko sa Daddy niya. “Dada” Sambit nito . Nakita kong tumulo muli ang luha ni Miguel kaya hindi ko na din napigilan umiyak. Binuhat ni Miguel si Baby Choy at yakap yakap niya ito ng mahigpit habang naiyak. “My baby.. oh god Bella thank you hindi mo alam gaano ako kasaya ngayon” Sambit nito. Nag stay pa si Miguel sa bahay at nakipag laro kay baby Choy hanggang sa na pagod at nakatulog ito. “Ako na mag Bubuhat sakanya Bella.. sa kwarto mo ba siya natutulog?” Tanong nito. “Hah.. ahh.. oo tabi kami” Naiilang kong Sagot. Nang makapasok sa kwarto ko ay marahan nitong ibinaba sa kama si Baby Choy. “Ayoko pa siyang iwan Bella” saad nito. “Miguel kahit araw araw pwede mo siya dalawin at makasama Pwede din tayong mag Plano kung kailan siya pwedeng matulog saiyo” Sambit ko dito. Nawala ang ngiti nito sa kanyang mata. “Kung Hindi mo ako iniwan Hindi na sana natin kailangan pang mag Plano.. sa iisang bahay sana tayo nakatira” May hinanakit sa boses nito. “Miguel for baby Choy please patawarin mo na ako At subukan nalang nating maging mabuting magulang sakanya” Pakiusap ko dito. “Isa pA yang baby Choy na yan ayoko yan gusto ko baby Miguel dahil ako ang daddy niya at kamukang kamuka ko siya” masungit nitong saad. “Ulit ulit Miguel.. oo na ikaw na ang kamuka!! Kahit ako nag hirap magbuntis at manganak!” Sagot ko dito. Nakita kong natawa ito. Aliw na aliw pa ang loko. “Ah Bella pwede ba Tabihan ko Saglit si Baby Miguel gusto ko pa siya mayakap” tanong nito. “Ah.. Ok sige.. mag Cr Lang ako” paalam ko. Ayoko kayang humiga din sa kama lalo na at ang katawan ko lagi akong pinag kakalulo. Pumasok ako sa bathroom at nagdala na ng pamalit na damit dahil naisipan kong mag shower na din. Ma tapos kong mag shower nakita ko si Miguel na nakatulog din sa tabi ni Baby at nakayakap.. para talaga silang pinag biyak na bunga kaya Napailing ako. Narinig kong nag vibrate ang cellphone ni Miguel sa side table. “Babe calling..” si Maggie siguro. “Miguel.. Miguel gising na may natawag saiyo” Gising ko kay Miguel. Naghihikab pa itong tumayo sabay ngiti ng pilyo ng makita akong bagong ligo dahil naka balot pa ang ulo ko. “Bango mo mommy ha” sabay Hagod sa katawan ko naka suot lang ako ng dolphin short at spaghetti straps shirt. “ hoy Daddy .. I mean Miguel tumatawag na yung babe mo hinahanap kana” masungit kong Sambit dito. “Selos ka?” Sabay inat nito. “ kapal mo Hindi no” kaila ko. Ngumiti ito ất inayos ang sarili. “ gusto kitang makausap Bella para ma Plano na yung pagdalaw ko kay Baby Miguel” Sambit ni Miguel. “Yeah I’m off week end ikaw na bahala what time ka Pwede” Sagot ko dito. “Week end pa? Tagal pa non Tuesday palang bukas” reklamo nito. “ Miguel pwede mo pa din naman dalawin si baby sa bahay Anytime until ma finalized natin ang schedule” Sagot kong muli. Hinalikan nito si Baby Miguel bago kami lumabas ng kwarto. Hinatid ko si Miguel sa labas ng bahay. “Ingat ka Miguel sa pag uwi” paalam ko. Nagulat ako ng yakapin ako nito. “ thank you Bella for coming back to my life I miss you” sabay halik sa noo ko. “ Miguel..” tanging Sambit ko . “I’m sorry Bella nadala lang ako.. don’t worry si Baby Miguel lang ang magiging dahilan ng pagkikita natin wala ng iba pa” saad nito.nakaramdam ako ng kirot saaking puso dahil ang lalaking mahal na mahal ko ay mày iba ng mahal at si baby Miguel na lang ang dahilan ng maging connection. Ram Hindi ako makapaniwala na May anak na ako at kay Bella pa. Sobrang saya ko . Nakita kong tumatawag muli si Maggie kaya nawala ang ngiti ko. “F*ck!! I forgot na engaged na nga pala ako” kAstigo ko sarili ko. Alam ko sa puso ko na mahal na mahal ko pa din si Bella pero it will be unfair for Maggie na iwan ko nalang ito dahil Lang nagbalik si Bella. “Hello babe?” Sagot ko. “Kanina pa kita tinatawagan Bakit ngayon ka Lang sumagot sabi ng secretary mo maaga ka umalis ng office mo” pag aalala nito. “Yeah May biglaang meeting lang babe sorry” kaila ko. Ayokong sabihin kay Maggie sa phone ang tungkol kay baby Miguel balak kong sabihin ng na nakaharap din si mommy daddy at kuya Zach para isahan nalang ang pag announce ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD