Arabella
“My gosh Bella walang nakuha saiyo si baby Choy kamukang kamuka ni Ram.. pag nakita ni Ram itong si baby Choy malamang lamang mabubuking ka agad na siya ang ama ất Hindi si kevin” Sambit ni Tita Carla habang kalong kalong si Baby Choy. Napakamot ako ng Ulo. Kasi totoo naman sinabi ni Tita Carla habang nalaki si baby Choy parang pinagbiyak na Bunga sila Ni Miguel. “Hindi Kaya.. ako kaya kamuka ng baby ko.. diba baby” Ngumiti naman ang aking baby. Mahigit isang taon na si Baby Choy. Marami na itong salitang alam pero ang lagi nitong sinasamabit ay.. “Dada” at yun na nga sinabi muli ni Baby Choy ang paboritong salita niya.. nagkatinginan kami ni Tita Carla. Naawa ako sa baby ko dahil masyadong napa lapit ito kay Kevin at ngayon hinahanap Hanap niya si Daddy Choy niya. “Bella wala ka bang balak na ipaalam kay Ram na anak niya si Baby Choy?” Tanong ni Tita Carla. “Hindi ko po alam Tita.. sa tingin niyo po ba kailangan pa ni Miguel malaman?” Sagot ko habang inaayos ko ang gamit namin ni Baby Choy sa kwarto ko. “Karapatan ni baby Choy na lumaking May ama at karapatan din ni Ram na malamang May kakambal siya” nakangiti nitong biro. “Kambal talaga Tita” napanguso ako kasi ako ang nag hirap mag buntis at manganak pero Bakit wala ni isa nakuha saakin. “Bahala na họ Tita.. basta ang importante eh mag kakasama na tayo ulit at kailangan ko ng kumayod ngayon dahil may binubuhay na akong baby na malakas kumain” pisil pisil ko ang pisngi ni Baby Choy. “Sige simula sa Monday ikaw na mag manage ng 5 flower shop ko para makapag concentrate ako sa jewelry shop ko” Saad ni Tita Carla. “ sige Tita magkano sweldo?” Biro ko dito . “Wala kang sweldo lahat ay mapupunta sa aking baby Choy” Sagot nito habang laro laro si Baby. “Alam mo baby kahit hindi na yata mag trabaho si mommy mo masarap ang buhay mo spoiled ka sa mga Sandoval pati kay Lola Carla mo tapos si Daddy Choy pA niya binigyan siya ng college fund” Tatawa tawa kong Sambit. “Eeeww!! Ayoko ng Lola Carla my gosh lakas maka tanda.. mamita tawag mo saakin baby ok?” Si baby Choy naman Ngumiti at nag salita. “Mi..ta..” Sambit ni baby Choy. “Acchhkk!! Galing galing mo baby Choy manang mana ka kay mamita very smart” tili ni Tita Carla. Na pailing na lang ako dahil na baliw na ito kay baby Choy.
Nang mag lunes ay sinamahan ako ni Tita Carla sa main branch niya ng flower shop sa Sandoval Mall para ipaalam sa mga empleyado niya na ako na ang Magma manage ng flower shop. Hindi lang itong main branch ang aking ima manage pati na rin ang branch nito sa ka lapit na siyudad. “Oh Bella igagala ko muna si baby Choy sa mall ha iwan ka nanamin.. say goodluck mommy sa first day mo” Sambit ni Tita Carla. “Thank you baby ko at Tita Carla.. ingat Kayo” paalam ko sa kanila. Naninibago ako na Wala si Baby Choy sa tabi ko.. sa mahigit isang taon ngayon Lang nawalay sa paningin ko si baby Choy. “Ate Emma paki abot naman saakin yung mga list ng order for today please.. I just want to make sure Wala tayong naka ligtaan” Utos ko Kay ate Emma isa sa matagal ng empleyado Tita Carla dito. “Yes po mam” mabilis na Sagot nito. “Naku ate Emma huwag mo akong tawaging mam nakakatanda Bella nalang po” nakangiti kong Sagot. Nang maiabot nito saakin ang listahan napa kunot ang noo ko ng makita ko ang last name ni Miguel. “Ah ate Emma itong one bouquet of red roses na order ni Mr. Montemayor Bakit ang daming date na nakalagay?” Taka Kong tanong. “Oh kasi po every other day red roses po ang order ni Mr. Montemayor yung ibang araw po white roses.. everyday po niya binibigyan ng bulaklak si Mam Maggie swerte nga po ni Mam gwapo na si sir super sweet pa?” Kinikilig na litanya ni Ate Emma. “Sino pong Montemayor ang may order ng mga bulaklak?” Kunyari ay walang gana kong tanong. “Si sir Ram po” Sagot nito. “Araayyy!! Sakit non self ha. Sila na pala ni Maggie. Bakit ako noon Hindi niya binibigyan ng bulaklak everyday” reklamo ng utak ko. Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso at pang hihinayang dahil hanggang ngạyon mahal na mahal ko pA din si Miguel. Pero ako naman May kasalanan ako nag tulak palayo sakanya. Siguro nga Hindi ko na đapat pang guluhin si Miguel mukang naka move on na ito at masaya na yun ang importante saakin. “Ate Emma mga anong oras po pini pick up ni Mr. Montemayor yung bulaklak?” Gusto ko kasing iwasan ito ayokong mag tagpo pa ang landas namin hanggat maari. “Ay naku Bella iba iba walang Permanenteng Oras minsan driver nalang niya ang nag pi pick up” Sagot ni Ate Emma. “Ahh.. ganoon po ba?” Sabay punta ko sa mini office ko. Napa buntung hininga ako habang naka upo at lumilipad ang utak. Nabaling ang atensiyon ko sa phone ko ng May nag text. Tita Carla sent a picture of baby Choy sa arcade at Tuwang tuwa na nag lalaro. “I love you baby Choy have fun miss you”reply ko. After lunch I went to the other branch pero Hindi naman ako nagtatagal sa ibang branch I only make sure na May enough supply sila at walang naka ligtaan na order tapos bumalik na ako sa main branch. “ ate Emma Nakita mo ba yung Susi ng main branch” kinakalkal ko ang bag ko habang papasok sa flower shop. “Ahh yes mam naiwan niyo po sa office niyo” mabilis na Sagot ni Ate Emma. “Ate Emma diba sabi ko saiyo Be-lla..” na tigil akong mag salita ng makita ko Kung sino ang nasa harap ko. “Arabella..” Sambit nito “Miguel.. I mean Ram..” nahihiya kong Sagot. “Mag kakakilala pala kayo ni sir Ram mam Bella?” Singit ni Ate Emma habang nakatitig kami ni Miguel sa isat isa. Ako ang unang bumitiw. “Ahh oo ate Emma school mate kami” kaila ko. Nakita kong napa ngiti si Miguel. “Shocks Bakit ang gwapo nito.. nakakainis!! Huwag kang Ngumiti Miguel bumabalik ako sa pag ka marupok” sigaw ng malandi kong utak. “School mate lang? Ex girlfriend ko po si Arabella” pagtama nito sabay ngiti saakin. “ ahh yung bulaklak ng present girlfriend mo Ram baka makalimutan mo sige nice seeing you again” nang akmang papasok na ako sa office ko ay siya namang dating ni Tita Carla at baby Choy. “Hi mommy we’re back” Sambit ni Tita Carla. “Anak ng baka naman galing din tumayming ni Tita Carla” bulong ko sa sarili ko. “ ay kambal tuko.. este Ram nandito ka pala” gulat na tanong ni Tita Carla Pero si Ram napako ang tingin kay baby Choy. Kinuha ko agad si baby Choy at pumasok na kami sa office. “ sorry Bella Hindi ko alam” nahingi ng tawad pero nakangiti. “Tita Hindi kaya nahalata ni Miguel na kamuka niya si baby Choy” pag aalala ko. “Well the way he looked at baby Choy parang napanasin niya na tulala eh” muli ay nakangiti nitong sagot. Napasapo ako sa ulo ko dahil Hindi ko expect na magkikita kita kaming tatlo agad. “Bella kung tadhana na Ang gumagawa ng paraan Wala ka ng magagawa pa hayaan mo ng mag ka kilala ang mag ama” seryosong Sambit ni Tita Carla.
Ram
After work dumaan muna ako sa flower shop to pick up the flowers I ordered for Maggie. Pero Hindi ko inaasahang makita ko ang babaeng minahal ko ng sobra. “Arabella” tanging Sambit ko ng makita ko siya. She didn’t change ang Ganda pa din niya at sexy Actually mas maganda siya ngayon dahil Wala itong masyadong make up at Hindi din Maiksi ang suot. “Miguel.. I mean Ram” nahihiya nitong sagot. “Sh*t Bakit ayokong Ram ang tawag niya saakin.. gusto ko yung Miguel” kausap ko sarili ko habang nakatitig ako sakanya. “Mag kakilala pala Kayo ni sir Ram mam Bella” tanong ni Ate Emma. “Ahh.. oo ate Emma school mate kami” napangiti ako sa Sagot nito. Iniwan at pinag palit na nga niya ako i dedeny pa niyang ex niya ako. “ school mate lang? Ex girlfriend ko po si Arebella” pagtama ko sabay Ngiti ko dito dahil namula ito. “ ah yung bulaklak ng present girlfriend mo Ram baka makalimutan mo.. sige nice seeing you again” ewan ko pero feeling ko May Inis sa boses nito. Nang akmang papasok na ito sa office niya pipigilan ko sana siya pero Sabay kaming napalingon ng marinig ko si Tita Carla at May buhat buhat na bata. “Hi mommy we’re back” nang makita ako ni Tita Carla ay nagulat din ito pero ang mga mata ko Napako sa bata na Kalong niya. Bakit parang nakaramdam ako ng tuwa sa puso ko ng makita kong Ngumiti ito saakin at ako Lang ba pero Bakit kamuka ko yata yung anak ni Bella. At Bakit nandito sila sa Pilipinas. Ang dami Kong tanong sa isip ko pero mabilis na Ipinasok ni Arabella ang baby niya sa loob ng opisina. Nakauwi na ako lahat lahat sa bahay pero ang muka ng anak ni Bella Hindi Maalis Alis sa isip ko. “ babe Gising kapa? And why you’re drinking May problema ba sa office” tanong ni Maggie ng makita ako sa mini bar ng condo ko. “ ah no babe nag papa antok Lang Sige na matulog kana susunod na ako” Utos ko dito. Nang makaalis si Maggie muli akong napa isip. Posible bằng anak ko yung anak ni Bella kaya kami magka muka. Marahil ay nalaman ni Sandoval kaya nag hiwalay sila at bumalik sila sa Pilipinas. Napahilamos ako sa muka ko dahil Kung ano ano iniisip ko. “Baliw kana Ram imposible ang iniisip mo” kastigo ko sa sarili ko. Kinabukasan Pagdating ko sa office Hindi pA din maalis sa isip ko ang baby ni bella I called my mom and ask to send me my one year old baby picture sa tantiya ko mahigit isang taon na ang anak ni Bella. When my mom sent me my picture nan laki ang mga mata ko. “Sh*t!! Parang ako yung anak ni Bella carbon copy” nakaramdam ako ng saya ewan ko Bakit. Mabilis kong Linisan ang aking opisina at tinungo ang flower shop pero Wala daw si Bella nasa ibang branch daw ito ng flower shop. Pumunta ako sa bahay ni Tita Carla. Nagulat pa ito ng pag buksan ako ng pintuan. “Ohh.. Ram na ligaw ka yata?” Tanong nito habang kalong kalong ang baby ni Bella. “Dada” dinig kong Sambit ng baby. Bakit biglang nanubig ang mga mata ko sa simpleng salita Lang pero tagos sa puso. “ anak po ba namin siya ni Arabella?” Mariin kong tanong. “Pumasok ka muna Ram antayin mo si Arabella at siya ang Tanungin mo” Sagot ni Tita Carla. Pumasok ako sa loob ng Bahay nila. “Ano pong pangalan niya?” Tanong ko habang pinapanood kong naglalaro ito ng bola pati ngiti ko kuhang kuha nito.
“Oliver Miguel ang pangalan niya” Sabay kaming napalingon ni Tita Carla ng marinig ang boses ni Arabella.