Ram
“Babe ready kana ba? Ma le late tayo sa kasal ng best friend ko” Yaya ko kay Maggie. “ yes babe I’m ready” mabilis itong lumabas ng walk in closet niya ng marinig ang pag tawag ko. “ why so handsome Ram?” Malandi nitong tanong saakin habang naka kalawit ang mga kamay sa leeg ko. “ and why so gorgeous babe?” Tanong ko dito sabay halik ko sa labi nito. “Let’s go babe baka saan pa mapunta itong halikan natin” pilyo kong Sambit dito. Mabait si Maggie maalaga Hindi mahirAp mahalin lalo na at botong boto dito si Mommy. Sinusubukan ko naman tumbasan ang pag mamahal nito saakin kaya nga Hindi na ako tumitikim ng ibang babae at sineryoso ko na si Maggie pero itong puso ko ewan ko kailan seseryosohin si Maggie. Dumating kami sa venue ng kasal ni Isabel Hindi masyadong marami ang bisita purong malalapit lang na kaibigan at kamag anak ang bisita. “Babe CR Lang ako” paalam ko kay Maggie while waiting for the wedding ceremony to start. I was looking at my phone habang naglalakad ako patungo sa CR ng May mabanga ako. “Ouuuchh” angil nito. “ I’m sorry miss nasaktan kaba?” Pag aalala ko. Nang Humarap ito ay nakataas ang kilay at halatang Inis na Inis pero parehong napalitan ng lungkot ang aming mga mata ng makita namin ang isat isa. “Arabella?” Mahina kong Sambit kitang kita ko ang umbok ng tiyan nito kaya nakaramdam ako ng kirot sa puso ko knowing si Sandoval ang ama at kasal na sila. Pero Bakit parang gusto kong hawakan ang tiyan nito at yakapin siya. Umiwas ito at nag lakad pA layo saakin. “Bella I hope you’re happy” pahabol ko dito habang pinipigilan ko ang maiyak. Napa Hinto ito sa pag lalakad at liningon ako. “ I’m sorry Miguel sana dumating ang panahon na mapatawad mo ako” naiiyak na Sambit nito. Natapos ang kasal ngunit Hindi ko na nakita si Arabella kahit sa reception Wala na ito marahil umuwi na sila ni Sandoval para iwasan ako. “Ok ka lang babe? Kanina kapa walang kibo ha?” Tanong ni Maggie. Simula ng makita ko si Arabella parang bumalik lahat ng sakit sa puso ko. Tang ina kahit iniwan at pinag palit ako nito siya parin laman ng puso ko. “ yeah I’m ok pagod Lang siguro” Kaila ko. “Don’t worry pag dating natin sa bahay I will give you massage” Sambit nito. Naaawa ako minsan kay Maggie dahil napaka understanding at sweet nito kahit na alam niyang Hindi ko kayang tumbasan ang pagmamahal niya saakin. “Thanks babe you’re the best” Sagot ko.
Arabella
“Bella samahan mo ako sa wedding ng anak ng Malapit kong kaibigan si Tito Ferdi mo May business meeting si Kevin naman alam mo na Hindi pwede ayokong umalis ng walang kasama”yaya saakin ni mommy Helen. “Opo mommy sasamahan ko po kayo” nakangiti kong Sagot. Gusto ko din naman lumabas ng bahay nakaka buro na yung bahay ospital. Nang makarating sa venue sinalubong kami ng nanay ng groom. “ hi Sol you look so beautiful pA din walang kupas” puri ni Mommy Helen dito. “ ikaw din naman helen wala pA ding kupas” Sagot naman nito kay mommy Helen. “Ahh.. siya nga pala Sol si Bella my daughter in law she’s pregnant too katulad ng daughter in law mo.. Bella si Tita Sol mo bestie kami niyan kulang pa nga kami Wala pa si Stella” sabay tawa nilang dalawa. “Hi po Tita Sol” bati ko. “Hi iha ang ganda mong buntis ilang buwan na yan?” Tanong ni Tita Sol. “Mag 6 months na po Tita” nakangiti kong sagot habang himas himas ko ang tiyan ko. “Ah Tita sol mommy Helen CR Lang po ako” paalam ko. Nagmamadali akong pumunta sa CR dahil pakiramdam ko Maiihi na ako sa panty ko. “Haayyy Bakit ba ganito ang buntis laging naiihi”reklamo ko. Nagulat ako ng may nakabanga ako at buti nalang balikat ko ang nasagi nito Hindi ang tiyan ko. “ ouuchhh!!” Angil ko “I’m sorry miss nasaktan ka ba?” Humarap ako dito na bakas na bakas saaking muka ang Inis ngunit ng makita ko ang nakabanga ko parang gusto kong mag Laho sa kina tatayuan ko. Halo halo ang emosyon ko gusto ko itong halikan yakapin at sabihin mahal na mahal ko pA din siya. Pero pinigilan ko ang sarili ko. Tumalikod ako at naglakad palayo. Narinig ko itong tinawag ang pangalan ko. “Bella.. I hope you’re happy” Sambit nito. Liningon ko si Miguel at nakita ko ang lungkot sa mga mata nito kaya Hindi ko mapigilan maiyak. “ im sorry Miguel sana dumating ang panahon mapa tawad mo din ako” sabay takbo ko palayo. I told mommy Helen na nandito si Miguel kaya pina hatid na niya ako sa Driver pauwi ng bahay. “Pasensiya kana baby ha kung pinag kakait ko sainyo ng daddy mo ang makilala niyo ang isat isa” umiiyak akong haplos ang tiyan ko habang pauwi ng bahay. Pinuntahan ko agad si Choy sa kwarto niya para I check. He still sleeping kaya tinabihan ko ito. “ you’re here already?” Taka nitong tanong. “Yeah medyo sumama pakiramdam ko kaya nauna na ako umuwi.. how are you?” Tanong ko kay Choy habang haplos ko ang buhok nito at nakadantay ang ulo niya sa aking dibdib. “I’m feeling better today than yesterday” Maiksi nitong sagot. “That’s good gusto mo bang kumain or lumabas sa garden para mag pahangin” tanong ko dito. “ no dito muna ako I love your hugs it’s very comforting” lambing nito. Dumating ang araw ng aking panganganak. Naka schedule ako for cesarean section dahil sa kondisyon kong placenta previa kaya Hindi ako pwedeng manganak ng normal. Kahit naka wheel chair si Choy sumama pa din ito sa delivery room. Hawak hawak nito ang kamay ko while I’m going through the procedure for CS. Masayang masaya ako na nandito si Choy sa tabi ko habang nanganganak ako. “ excited ka na bang maging Daddy Choy?” Haplos ko ang pisngi nito habang Hinahalikan ako ni Choy sa noo . “Yes super excited ako Bella” naka ngiting sagot nito. Maya maya Lang narinig nanamin ang iyak ng baby. “Congratulations!! It’s a boy Mr. And Mrs Sandoval” saad ng Doctor. Masayang masaya kami ni Choy at healthy ang baby namin. “Ang chubby ng baby boy natin Bella gusto ko Choy din nick name niya” Sambit ni Kevin. “ oo naman.. ahh Choy pwede ko din bang gamitin yung second name mo gusto ko siyang pangalanang Oliver Miguel Sandoval if that’s ok?” Alanganin Kong tanong. Gusto kong gamitin ang second name ng Dalawang lalaki sa buhay ko na mahal na mahal ko. “Yes Bella I like our son’s name” nakangiti nitong sagot. Kahit mahina na si Kevin gusto ko ma experience niya ang pA giging ama. “Ewww!! Choy ano ba yan!! Hindi Ganyan ang pag palit ng diaper look nag kalat na ang poo poo ni baby” natatawa Kong Sambit dito. Bigla nitong hinagis saakin yung baby wipes na Pinunas sa pwet ni baby Choy. “Acchhhkkk!! Ka diri ka talaga Choy!!” Na puno ng tawanan ang kwarto namin kahit si baby Choy nakikitawa. Ang saya Lang namin kaya sana gumaling na si Choy dahil deserve niyang ma buhay ng mahaba at maranasan ang mag mahal at mahalin din siya ng buo at siyempre mag karoon ng sariling pamilya. After few months pinabinyagan namin si Baby Choy kami kami Lang din pamilya ang dumalo and ofcourse si Gabby. Matapos ang binyag dinalA ko sa garden si Choy nag set up ako ng picnic para maka langhap ng sariwang hangin ang mag ama habang ang pamilya namin ay nasa loob ng bahay. “ Bella I think I’m ready” mahinang Sambit ni Choy habang nakahiga ito saaking hita at nag lalaro naman si baby Choy sa grass. “ anong ibig mong sabihin you’re ready?” Taka Kong tanong. “ ready nakong I let go ka.. Hindi na ako Takot mamatay dahil lahat na ng pangarap ko sa buhay natupad na” Sagot ni Kevin. “Choy Pwede ba tigilan mo yan!! sinabi ko ng ayokong marinig yan eh” reklamo ko dito. “Bella.. salamat sa lahat lahat pinakasalan mo ako kahit na Hindi ako ang nilalaman ng puso mo.. hinayaan mo akong maranasan maging daddy kahit ang kapalit ay ang ipag kait mo kay baby Choy na makasama niya ang tunay niyang ama” Kalmado ito at nakangiti habang nagsasalita. “Choy kahit paulit ulit pa tayong Malagay sa sitwasyon nating ito Paulit ulit pa din kitang pakakasalan at sasamahan” naiiyak kong Sagot. Tumingala ito at Ngumiti. “I know Bella dahil mabuti ang puso mo.. sabi mo I deserve to be happy pero ang Totoo ikaw ang malaki ang sinakripisyo para saakin ikaw ang deserve maging masaya at makasama ang totoo mong mahal” Sambit nito. “Bakit mahal naman kita ah Hindi mo ba nararamdaman yun? Masaya naman ako sa piling mo eh kaya Huwag mo kaming iiwan ni baby Choy” Ngumiti ito “ mahal na mahal kita Bella salamat sa lahat lahat sa magagandang alaala that I will cherish kahit sa kabilang buhay” sambit ni Kevin habang unti unti nitong pinikit ang kanyang mga mata.. tuluyan na ngang naglandasan ang mga luha ko. Niyakap ko ito ng mahigpit at hinalikan ang mga labi niya. “Mahal din kita Choy”
Ram
Dalawang taon na ang nakakaraan ng iwan ako ni Arabella at mahigit isang taon na din kami ni Maggie. I feel like Kung Meron akong pakakasalan at pwedeng pumalit kay Bella sa puso ko ay si Maggie yun. Kaya isang napa laking desisyon ang aking gagawin at Wala ng atrasan ito. Pumunta muna ako sa lugar Kung saan lagi kaming na punta ni Arabella yung tanaw mo ang city lights. “ Arabella.. I’m letting you go just like how you let me go.. mahal na mahal pa din kita pero sa tingin ko kailangan ko ng tanggapin na Hindi tayo para sa isat isa.” Kausap ko sarili ko habang nakatanaw sa city lights matapos ay tinungo ko na ang lugar Kung saan nag aantay si Maggie saakin.
“Babe kanina pa kita inaantay” salubong nito saakin sa isang Greek restaurant. “Sorry babe na traffic Lang. “No it’s ok importante nandito kana.. pero Mukang sarado itong restaurant babe” malungkot nitong saad. “No it’s not close.. ipinasara ko talaga para saatin dalawa” nakangiti kong Sagot Napakunot ang noo nito at nagtataka. Niyaya ko na si Maggie sa loob Kung saan naka set up ang restaurant for table for two only at puro red roses sa loob ng restaurant. After we ate our main course inilabas na ang dessert. “Here’s your “kaimaki dondurma” babe”. Abot ko Kay Maggie. Nang abutin nito ang ice ceam niya ay napa Takip ito ng bibig dahil May nakasulat na will you marry me lumuhod ako sa harap nito at nilabas ang red velvet box. Binuksan ko ito at tumambad kay Maggie ang Princess cut diamond ring.
“ Margarette Dianne Sanchez will you marry me?” Tanong ko dito. “ YES!! YES!! I love you Ram so much” tuwang tuwa nitong sagot. Sinuot ko ang sing sing kay Maggie at hinalikan ko ang mga labi nito ang just like that we’re engaged.
Arabella
“Oh my god!!! After two years welcome back self sa Philippines!!! Shocks ang init kayanin kaya ni baby Choy ang Klima dito” kausap ko sarili ko. Sinundo kami ni Tita Carla sa AirPort. Tuwang tuwa ito ng makita kami ni Baby Choy. Kinalong agad ni Tita Carla si baby Choy at niyakap ako. “Ready kana ba Bella sa iyong pag babalik sa Pilipinas?” Tanong ni Tita Carla. Tumango ako at Ngumiti. “Ready na nga ba ako magsimula ng panibagong kabanata ng buhay ko?” Tanong ko sa sarili ko habang papalabas kami ng AirPort.