Sophia "What's the occasion, Darling?" tanong ng kaibigan ko na make-up artist at pilipino rin. Ilang araw na mula nang nakabalik ako rito sa New York at kanina lang nagparamdam sa akin si Matthew. Sobrang saya ko at agad ako pumunta sa salon para magpaganda. Gusto nito na magkita kami mamayang gabi sa isang Restaurant. Hindi ko inexpect na sa wakas ay pumayag na ito na makipag-usap sa akin. Sisiguraduhin ko na magiging okay na ang lahat sa amin bago pa matapos ang araw na ito. Hindi na ako papayag na mawala pa ulit ito sa buhay ko. "Finally Matty decided to talk to me and I'm seeing him tonight. I need to look extra gorgeous and sexy tonight because I will get my man back," puno ng determinasyon na sagot ko. Gagawin ko ang lahat para bumalik si Matthew sa akin. Magbabago na ako a

