Ysabella "Tuloy ba ang punta mo rito next week?" tanong ni Mom pagsagot ko sa video call nito. Itinigil ko na muna ang ginagawa ko na pag-type sa laptop ko. "Yes Mom, Bakit po?" nagtataka na tanong ko rito dahil hindi naman ito normally nagtatanong kung kailan ako bibisita rito. Tinatawagan ko na lang ito the night before my flight at kapag nasa Airport na ako para masundo ako nito. After maghiwalay ng parents ko ay pinagpatuloy ni Mom ang pangarap nito na makapag-perform sa theater. May natanggap ito na offer sa Singapore bilang Stage Actress sa isang play at the same time ay nagturo rin ito sa isang private school. Laging sinasabi ni Lola na mataas ang pangarap ni Mom pero isinuko nito iyon para kay Dad. Galit na galit si Lola kay Mom at ang kapatid na panganay ni Mam na si Tita Zen

