Ysabella Pagkatapos ko maligo ay si Matthew naman ang pumasok sa loob ng banyo. Naghugas muna ito ng pinagkainan namin nang maligo ako. Habang naliligo naman ito ay nagbihis na ako dahil ayoko na abutan pa ako nito na hubad dahil baka imbes na makaalis kami ng bahay ay magkulong na lang kami sa kwarto. Pagkatapos ko magbihis ay lumabas na ako ng kwarto at doon hintayin ang binata. Umupo ako sa sala at nireplyan ko si Rezanie sa message nito. Tinanong kasi nito kung pupunta ako at kung kasama ko ba ang binata. Isasama kasi nito si Jacob kaya gusto nito malaman. "Ready Babe?" tanong ni Matthew mula sa likuran ko at lumingon ako rito saka tumango. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko at magkahawak kamay kami na lumabas ng bahay. Napapikit ako nang maamoy ko ang sarili ko sa binata pagpas

