Ysabella Nagising ako dahil sa mahigpit na pagyakap mula sa likuran ko. Dahan-dahan akong lumingon at bumungad sa akin ang mukha ni Matthew na mahimbing natutulog. Maingat na humarap ako rito para mas mapagmasdan ko ng mabuti ang mukha nito. Bumalik sa alaala ko ang mga nangyari kagabi kaya napangiti ako. Hindi ko makakalimutan ang mga sinabi nito habang sumasayaw kami. Hindi ko inaasahan na tatanungin ako nito pero masaya ako dahil sa wakas ay official na ang relasyon namin. Kahit na ayaw ko pa sana bumangon dahil antok pa ako at dahil na rin sa pagod ay kailangan dahil magluluto pa ako ng almusal namin. Hindi lang kasi isa kung hindi dalawang beses na may nangyari sa amin. Buong ingat na bumangon ako para hindi ko ito magising. Dinampot ko agad ang panty ko nang makita ko iyon sa sah

