James Matthew Hindi madali para sa akin na tingnan si Ysabella na makipag-usap sa ibang lalaki. Mula ng sinundo ko siya kanina hanggang sa mga oras na ito kung saan ay kasama niya ang mga kaibigan niya ay hindi ako mapakali. Nang makita ko ang suot niya na damit ay alam kong mahihirapan ako na kontrolin ang sarili ko. Nagsisisi ako kung bakit hindi ko tiningnan ang laman ng box bago ko iyon binigay sa dalaga. Kanina ay hindi ito umalis sa tabi ko pero ayaw ko naman isipin ng mga kaibigan niya na pinipilit ko si Ysabella kaya iniwan ko siya sa piling ng mga kaibigan niya. Alam ko naman na hindi ko dapat sinama si Ysabella kung saan ako pumunta pero iyon lang ang naisip ko na paraan para bantayan ko siya. "I can't hold this anymore," sabi ko sa sarili ko habang may kausap si Ysabella na

