Ysabella "Babe, okay lang ba kung sumunod na lang ako?" tanong ni Matthew nang sagutin ko ang tawag nito. Inimbitahan kasi sila ni Tita Christina na mag-dinner sa bahay ngayon dahil birthday nito. Walang nagawa si Dad ng mismong si Tita Christina ang tumawag kay Matthew para imbitahan ang binata. Ito na ang pagkakataon ko para makausap si Sandra dahil kababalik lang ng mga ito galing sa Cebu. Ilang linggo na lang at kasal na ng dalawa kaya kailangan masabi ko na agad kay Sandra ang nakita ko. "Okay lang naman Babe. Kung busy ka talaga Babe pwede ko naman sabihin na hindi ka na makakarating dahil may trabaho ka pa," sabi ko rito. "Nagkaroon kasi ng aberya rito sa warehouse kaya natagalan ako pero malapit na rin naman matapos ito. Makakarating naman ako Babe, mala-late lang siguro ak

