James Matthew "So how's the situation there, Matt? Kumusta sina Ysabella?" nag-aalala na tanong ni mom nang tawagan ko ito para sabihin dito ang nangyari. "Sinilip ulit po namin ni Mang Pido pero mataas pa rin po ang tubig kaya hindi pa rin makita ang mismong tulay po. Okay naman po sila Mom nasa taas po sila at nagpapahinga," sagot ko habang nakasilip sa bintana. "Good thing anak naisipan agad ninyo na puntahan ang ilog kasi kung nagkataon na doon pa sila inabutan ay mas delikado. Mag-stay na muna kayo riyan until safe na tumawid. Just give my regards to Ysabella and tell her I'm sorry for the inconvenience," sabi ni Mom. Kanina nang dumaan kami sa tulay ay napansin ko na medyo mataas ang tubig. Sinabi sa akin ni Mang Pido na walang tigil ang ulan nitong mga nakaraan na araw kaya

