Ysabella Pagdating namin sa kubo ay nandoon na ang mga kasama ko na masayang kumakain. Bago pa may makapansin sa amin ay binawi ko na ang kamay ko sa binata. Napatingin ako sa lamesa na punong-puno ng iba't ibang putahe at hindi ko maiwasan na hindi matakam. Isdang sinaing na tulingan sa palayok, ginataang laing, tinolang manok at adobong baboy ang nakahain na ulam sa lamesa. "Sana ay magustuhan mo," nakangiti na sabi ni Mang Elsa. "Oo naman po Manang paborito ko po kaya iyang ginataang laing at isdang sinaing na tulingan po," nakangiti na sagot ko. Napatingin ako sa tatlo kong kasama na abala sa pagkain. Nag-thums up si Dea at Raymond nang makita ako ng mha ito na nakatingin. Nakangiti na napailing lang ako dahil wala talagang inuurungan ang dalawa pagdating sa pagkain. "Pwede p

