Ysabella "Hoy! Ysabella Magnaye, okay ka lang ba?" halos pasigaw na tanong ni Aileen at napatingin ako rito. "Ha?" naguguluhan na tanong ko at nagkatinginan muna ang dalawa saka sabay na umiling. "Kanina ka pa kaya tulala at kanina pa rin kami daldal ng daldal dito na parang mga ewan. Ano ba kasi ang gumugulo sa iyo at ang lalim ng iniisip mo? Nag-away ba kayo ni Matthew?" tanong ni Rezanie at umiling naman agad ako. "Ano nga ang problema mo? Si Tito? Si Tita? Ang mga bata? Alin lang naman sa mga iyon ang pwedeng maging dahilan kung bakit ka nagkaganyan. Sino sa kanila?" tanong ni Aileen at huminga ako ng malalim. Ilang araw ko na iniisip ang tungkol sa nakita ko nang gabi na iyon. Sinabi ko kay Matthew at sa sarili ko na hinding-hindi ako makialam sa kanila dahil problema nila i

