Chapter 2 - The invitation

2054 Words
Ysabella "Ang kapal din naman talaga ng mukha niya." Nanggigigil na sabi ni Rezanie at napatingin ako rito. Kasalukuyan na gumagawa ako ng chart para sa mga event namin for this year. Masaya ang lahat nang ibalita namin ang mga naka line up na schedules namin sa buong taon. Nakaka-tuwa na makita ang excitement sa mga mata ng lahat. Nabanggit din namin ni Rezanie na pagkatapos ng taon na ito bilang pasasalamat ay sama-sama kami na magbabakasyon at tuwang tuwa ang lahat. Lahat naman kasi ng mga empleyado namin ay maasahan at talagang dedicated sa trabaho nila kaya lubos kaming nagpapasalamat. "Sino naman ang kaaway mo?" natatawang tanong ko habang nakatingin sa screen ng laptop ko. Hindi ito sumagot kaya napatingin ako rito para alamin kung bakit nabago bigla ang mood nito. Tiningnan ako nito at halata na nagdadalawang isip ito kung sasagutin ba ang tanong ko. Magsasalita pa sana ako nang lumapit ito sa akin. "Ewan ko na lang kung hindi rin sumama ang mood mo." Sabi nito sabay abot sa akin ng envelope. Nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa hawak nito. Walang nakasulat sa labas ng envelope pero obvious na isang invitation 'yon. Binuksan ko 'yon, kinuha ko ang card na nasa loob at natigilan ako nang makita ko kung ano ang nilalaman. Napatingin muna ako kay Rezanie saka huminga nang malalim. "Hindi ko alam kung saan humuhugot ng kapal ng mukha 'yang si Christopher. Grabe, pagkatapos ng mga ginawa nila sa 'yo nagawa pa talaga nilang magpadala ng wedding invitation. Kung makaasta sila para bang walang nangyari na lokohan. Ganoon na ba talaga siya kasama para maging insensitive sa feeling mo? Pero sa bagay hindi na ako magtataka kung si Sandra ang nag-insist na ipadala 'yan." Nanggigigil na sabi ni Rezanie habang tahimik lang ako na nakatingin sa invitation. Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ba ang nararamdaman ko sa oras na 'yon. Ilang taon na ang lumipasn at buong akala ko wala na pero kahit paano ay nakaramdam pa rin ako ng sakit. Ngayon lang ulit sumagi sa isip ko ang dalawa dahil sa loob ng mahigit isang taon ay hindi nag-cross ang landas namin. Magsasalita pa sana si Rezanie pero kumatok ang secretary nito na si Monica para ipaalam na nasa kabilang room na ang clients nito. "Okay lang ako." Sabi ko nang makita ko ang pagaalala nito at tumango ito bago lumabas. Pinagmasdan kong mabuti ang hawak kong invitation. Natawa ako dahil mula sa layout and motif ng kasal ay mula sa mga plano namin ni Christopher noon. Naalala ko bigla 'yong panahon na pinaplano pa lang namin ang magiging kasal namin. Matutuloy naman ang lahat ang pinagkaiba nga lang ay hindi ako ang bride niya. "Sana man lang binago nila." Naiiling na sabi ko. Hindi ko napigilan na maalala ang mga panahon na masaya kami ni Christopher. Si Christopher ang unang lalaki na nagparamdam sa akin ng pagpapahalaga at pagmamahal bukod kay Lola at sa mga kaibigan ko. Tinulungan ako ni Christopher na bumangon at ayusin ang buhay ko sa mga panahon na nagiging malabo na ang lahat. Nagkaroon ng direksyon ang buhay ko dahil sa kanya at hindi niya ako iniwan lalo na sa mga panahon na kailangan ko nang karamay. Ilang taon din kaming nagsama at sa mga panahon na 'yon ay naging masaya kami. "Talagang pinaghahandaan mo ang anniversary ninyo, bakla. Baka naman ikaw pa ang mag-propose sa kanya," biro ni Aileen sa akin habang pumipili kami ng bulaklak. Ika-limang taon na namin kaya kailangan ay maging unusual ang araw na 'yon. Sobrang excited na ako para bukas at planado na rin ang lahat. Habang nagaayos ako ng mga gamit ni Christopher noong isang araw ay may nakita akong maliit na red box sa gamit nito. Ganoon na lang ang tuwa ko nang makita ko ang singsing sa loob ng kahon. Noon ko na appreciate kung bakit lagi itong nag-o-overtime sa mga makalipas na buwan kaya naisipan ko na supresahin ito. Handang handa na ako sa susunod na chapter ng buhay namin at hindi na ako makapag-hintay. "Bakit ko naman 'yon gagawin kung alam ko naman na mangyayari na 'yon." Pigil ang ngiti na tugon ko at nanlaki ang mga mata nito. "Akala ko ba on the way na si Rez?" tanong nito at nagkibit balikat lang ako habang pinagmamasdan ang bulaklak na napili ko. "Tawagan mo na si Rez sabihin mo sumunod na lang siya sa mall." Sabi ko at tumango ito. Pagkatapos namin sa flower shop ay dumiretso na kami sa Mall para naman maghanap ng susuotin ko para bukas. Sa isang fast food kami tumambay ni Aileen habang naghihintay kay Rezanie dahil malapit na ito. "Sigurado na ba ang dating ni Chris bukas?" tanong ni Aileen at tumango ako. "Oo tinawagan na niya ako kagabi at sinabi niya na sure na makaka-uwi siya bukas. At saka alam naman niya na anniversary namin bukas. Ang hindi lang niya alam ay may surprise ako para sa kanya," tugon ko at tumango lang ito. "Hindi ba si Sandra 'yon, Ysa?" tanong ni Aileen at itinuro ang tinutukoy nito na pumasok sa Mall. Si Sandra ay anak ng kinakasama ni Dad ngayon. Matagal ng hiwalay ang mga magulang ko at solo nila akong anak. Sa pag tagal ng panahon ay natutunan ko ng tanggapin ang mga nangyari at naging malapit na rin ito sa akin. Mas matanda ako rito ng ilang taon kaya naman nakakatanda na kapatid na ang turing nito sa akin. "Oo nga noh pero ang sabi niya sasamahan niya si Dad sa Cavite," nagtatakang sabi ko. "Baka naman hindi sila natuloy at nagkayayaan silang na mamasyal dito," sabi ni Aileen. Patayo na ako para sana lapitan ito dahil mukhang may hinihintay ito. Natigilan ako nang makita kong papasok ng Mall si Christopher. Agad kong tiningnan ang phone ko para I-check kung tumawag o nag-message ba ito pero wala naman akong nakita. Biglang pumasok sa isip ko na magpapatulong ito kay Sandra para sa Anniversary namin. "Mukhang may plano rin si Lover boy para bukas," natatawang sabi ni Aileen at napangiti ako. "Hindi naman siguro masama kung susundan natin sila 'di ba?" tanong ko na pilit itinatago ang ngiti ko at naiiling na napatawa si Aileen. Ngayon lang ako masu-suprise ni Christopher dahil sa tuwing Anniversary namin ay kumakain lang kami sa Restaurant or mag-out of town. Sobrang saya ko at walang mapaglagyan ang excitement na nararamdaman ko. Nakita namin na sumakay ng escalator ang dalawa kaya naman sumunod din kami pero sinigurado namin na hindi kami mapapansin. Pumasok ang dalawa sa isang gift store at paglabas ay may bitbit si Sandra na malaking Teddy bear. Nagkatinginan kami ni Aileen at napakagat labi ako dahil kinikilig ako. Nakita namin na pumasok naman ang dalawa sa isang jewelry store at nagtaka ako dahil nakita ko na ang singsing kaya bakit bibili pa ito ng alahas. "Bakla, totoo nga bumibili na siya ng singsing." Excited na sabi ni Aileen at napangiti lang ako. Hindi ko naman kasi binanggit kahit kanino ang tungkol sa box na nakita ko sa bahay noong nakaraan. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Noon ko lang din napansin na iba 'yong closeness ng dalawa at iba ang mga ngiti. Paglabas ng dalawa mula sa jewelry store ay wala naman bitbit na paper bag ang dalawa. "Mukhang tapos na sila mamili," sabi ni Aileen pero iba ang tumatakbo sa isip ko ng mga oras na 'yon. "Susundan pa rin ba natin sila?" tanong nito habang naglalakad sila. "Nag-text na si Rez nasa parking na raw siya," sabi nito habang sinusundan namin ang dalawa. "Tawagan mo siya, sabihin mo na huwag ng umalis sa parking lot at papunta na tayo." Sabi ko at nagtataka na tumingin ito sa akin pero ginawa rin naman ang sinabi ko. Hindi ko maipaliwanag pero may kakaiba akong nararamdaman. Gusto kong tanggalin ang pagdududa na nararamdaman ko kaya gusto ko silang makita hanggang sa huli. Pinapanalangin ko na mali sana ang iniisip ko. "Seryoso? Susunod talaga natin sila, Ysa?" nagtatakang tanong nito habang kasabay kong naglalakad. Pagdating namin sa parking lot ay nagtago kami sa may sasakyan malapit sa naka-park na sasakyan ni Christopher. Medyo madilim sa parte na 'yon pero maaninag pa rin namin silang dalawa. Kinuha ni Christopher ang Teddy bear mula kay Sandra at pinasok sa sasakyan. Nakahinga na ako ng maluwag dahil mukhang paranoid lang ako kaya naisipan kong sundan sila. "Tara na." Aya ko kay Aileen saka tumalikod na ako at naglakad pabalik sa Mall. Napalingon ako nang makita ko na hindi na kasunod sa akin si Aileen kaya bumalik ako. Ganoon na lang ang panlulumo ko nang makita ko na naghahalikan ang Boyfriend ko at ang Stepsister ko. Para akong nalumpo dahil nanlambot bigla ang mga tuhod ko at napaluhod ako habang nakatingin sa ginagawa ng dalawa. Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Aileen at pagpunas nito sa pisngi ko dahil walang tigil ang pag-agos ng luha. "Kaya pala." Bulong ko habang niyayakap ako ni Aileen. "Tara na, Ysa." Bulong ni Aileen pagkalipas ng ilang minuto at inalalayan akong makatayo. Naglakad kami papalayo at hindi ko napigilan ang sarili ko na lumingon. Nakuyom ko ang mga kamay ko dahil nakita kong naghahalikan pa rin ang dalawa. Maraming tanong ang pumasok sa isip ko sa mga oras na 'yon. "Anong nangyari? Saan ba kayo galing at bakit ganyan ang itsura ninyo?" nagaalala na tanong ni Rezanie at napakayap ako rito saka humagulgol. Wala akong narinig mula sa kay Aileen na humihimas sa braso ko at kay Rezanie na umaalo sa akin. Gusto ko silang balikan pero na isip ko para pa saan. Mukhang hindi naman sila pinilit in fact halata na gustong gusto nila ang ginagawa nilang dalawa. Huminga ako ng malalim bago kumalas sa pagkakayakap kay Rezanie. "Pahiram ng susi." Sabi ko kay Rezanie at nagtatakang nakatingin ito sa akin. Tumingin muna si Rezanie kay Aileen bago kinuha ang susi sa bag nito. Hindi naman ganoon kalayo ang pagkaka-park ng sasakyan nito sa sasakyan ni Christopher. Pagka-pasok ko sa sasakyan ay walang imik na pumasok din ang dalawa. Maya-maya lang ay dumaan na sa harapan namin ang sasakyan ni Christopher at agad kong pina-start ang sasakyan. "Ysa, I don't think this is a good idea." Sabi ni Aileen pero hindi ako sumagot dahil naka-focus ang tingin ko sa sasakyan na sinusundan namin. "Ano ba talaga ang nangyari, Ai?" tanong ni Rezanie. Tumingin muna sa akin si Aileen at nang tumango ako saka nito kinuwento ang lahat kay Rezanie. Napahigpit ang hawak ko sa manibela nang maalala ko ang nakita ko sa parking lot kanina. Narinig kong ilang beses na nagmura si Rezanie habang nag-uusap ang dalawa. "So, anong gusto mong patunayan ngayon?" galit na tanong ni Rezanie. Hindi ako sumagot dahil hindi ko rin alam kung bakit. Nahigit ko ang hininga ko nang makita ko ang malaking poster ng isang kilalang motel. Ilang sandali lang at pumasok doon ang sasakyan ni Christopher. Itinigil ko ang sasakyan sa gilid ng kalsada dahil pakiramdam ko ay kina-kapos ako ng hininga. "Paano nila nagawa sa akin ito? Kailan pa nila ako niloloko? Bakit?" umiiyak na sabi ko. "Bakit hindi mo ipasok para malaman natin ang sagot sa tanong mo? Kung gusto mo na lalong masaktan, sige komprontahin mo sila at baka sakali may matino silang isasagot sa 'yo," kalmado pero halatang galit na sabi ni Rezanie. Hindi ko naman masisisi si Rezanie kasi noon pa naman ay hindi na nito gusto ni Sandra. Binalaan na ako nito noon pero hindi ako nakinig dahil malaki ang tiwala ko kay Christopher. "Walang problema sa 'yo Ysa. Sila ang may problema dahil sinira nila ang tiwala mo. Huwag mong sayangin ang mga luha mo sa mga walang kwenta na tao." Sabi ni Rezanie habang hinihimas ang likod ko. "There's no use knowing why they did it. I don't think this is the first time they've been together like this. Now, it's either you move forward or forget and forgive them." Sabi ni Aileen at umiling ako. "I will walk forward, forget them but I won't forgive them." Matigas na sabi ko habang pinupunasan ang mga luha ko sa pisngi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD