Hindi agad natapos ang meeting. Pero malinaw sa lahat ng nasa loob ng silid ng HR na may nagbago na. Hindi dahil may verdict na. Hindi dahil may pinal na desisyon. Kundi dahil may linya nang hindi pwedeng tawirin. At iyon ay malinaw na iginuhit ni Sebastian Castillo. Tahimik ang mga HR executives matapos magsalita si Sebastian. May nag-ayos ng papel, may umubo, may umiwas ng tingin. Ang kaninang parang interogasyon ay biglang naging isang meeting na puno ng pag-iingat—parang lahat ay biglang naalala kung sino ang nakaupo sa mesa. “Given the statements made,” maingat na sabi ng Head of HR, “we will suspend further questioning for today.” Tumango si Dylan agad. “That would be advisable.” “An internal investigation will be conducted,” dugtong ng HR. “Particularly regarding the leak

