Chapter 99

1043 Words

Magaan ang gising ni Althea. Hindi iyon dahil mahaba ang tulog niya—sa totoo lang, maaga siyang nagising. Pero iyon ang klase ng umagang hindi mo kailangang pilitin ang sarili mong bumangon. Iyong klase ng umagang kahit hindi ka pa bumubuka ng mata, alam mong may dahilan para ngumiti. Tahimik ang bahay. May liwanag na pumapasok sa bintana, banayad, hindi nagmamadali. Huminga siya nang malalim, nakahiga pa rin, pinakikinggan ang sarili niyang dibdib. Payapa. Sa unang pagkakataon matapos ang ilang linggo, wala siyang bigat na dala paggising. Hindi na niya kailangang magtago sa loob ng sariling bahay. Hindi na niya kailangang i-filter ang bawat galaw, bawat ngiti. Alam na ng pamilya niya. At tinanggap siya. Naalala niya ang mga salita ng ama niya kagabi—hindi mahaba, hindi dramatic,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD