Pagbaba ko sa kotse, dumiretso na ako sa floor ng condo, nakita ko si Sevan na nasa harapan ng condo ko paikot ikot, hindi mapakali. “Hey, anong ginagawa mo rito?” nagtatakhang tanong ko sakanya, mabilis siyang pumihit paharap sa'kin at niyakap ako. “I’m sorry baby kung nag walk out ako sa'yo, galit ka ba sa'kin?” kinakabahang tanong niya sa'kin. “What? No, hindi ako galit ano ka ba.” natatawang sambit ko at binuksan ang condo ko. “Are you sure?” tanong niya sa'kin. “Yes, tara pasok. Kumain kana ba?” tanong ko sakanya. “No, hinihintay kita makauwi, bumalik ako sa office mo, wala ka. Tinawagan ko si Cat at Xey pero hindi ka rin nila alam, nag aalala ako.” sambit niya at umupo sa sofa. “Anong oras ka nag punta rito? Sana tinawagan mo ako.” sambit ko at kinuha ang pagkain na nil

