“Do you mean it baby? Bakit parang ayaw mo na?” kusang nawala ang ngiti sa labi ni Sevan. “No, I mean it. Tara labas.” nakangiting aya ko sakaya. Just 3 days, pagkatapos non, papakawalan na kita, pangako ’yon. Para hindi kana mahirapan. Dinala ko siya sa parke na malapit sa kumpanya ko, pinuntahan namin ang tindera sa may gilid na lagi kong bibilhan ng turon at banana que. “Hi nay! Magandang hapon po, bilhin ko na po lahat ng tinda niyo.” nakangiting sambit ko pagkarating namin sa tindahan niya. “Naku hija! Ikaw lamang talaga ang hinihintay ko, hindi talaga ako umuuwing luhaan kapag ikaw na bumibili sa'kin.” nakangiting sambit nito kaya natawa ako. “450 lahat hija.” sambit ni nanay at inabot sa'kin ang naka supot na turon at banana que. May tinidor na rin na kasama, dahil ’yon

