Maurice Miranda’s POV Pagbukas ng elevator sa Triple B lobby, hindi ko inaasahan ang tagpong iyon. “W-Watt?” bulong ko, nanlalaki ang mata habang papalapit siya, halos hindi makalakad ng diretso. Nakangiti siya, pero kita sa bawat galaw ng labi niya ang kirot. Sa puti ng polo niya, lumitaw ang bugbog sa tagiliran. May hiwa sa gilid ng kanyang labi, at ang kaliwang mata niya, bahagyang namamaga. Tumakbo ako papalapit. “Anong nangyari sayo?!” Hindi siya sumagot agad. Hinawakan lang niya ang balikat ko, parang sinasabing "okay lang ako," pero hindi ako tanga. May dugo sa manggas niya. May lalim ang mga sugat na iyon—at hindi ‘to ordinaryong aksidente. Dinala ko siya agad sa clinic sa Triple B, pero wala pang nurse sa oras na iyon. Kaya ako na ang gumawa. “Umupo ka diyan,” utos ko, medy

