Hindi ako makatulog buong gabi. Habang nakahiga si Watt sa tabi ko, himbing na himbing, ako naman ay tulalang nakatitig sa kisame. Sa dibdib ko, para akong sinasakal ng bigat ng nalalapit na araw. Bukas na ang grand opening ng restaurant. "Miranda's." Pangalan pa lang, binigyan na niya ng buong dangal ang pamilya ko. Hindi ko na nga kailangang tanungin. Alam kong ginawa niya ‘to para sa akin. Sa amin. Sa pangarap ko. Pero bukas rin ang araw ng pagkawasak niya—kung susundin ko si Elian. Umikot ang paningin ko sa sobrang pagod at pressure. Anong sasabihin ko bukas? Paano ko sisirain ang taong ito na ni minsan, hindi ako pinabayaan? Kahit sa gitna ng panganib, kahit may bugbog siya, kahit pinipigil niya ang sarili niyang galit… inuna pa rin niya ako. Huminga ako nang malalim, pinilit pum

