Pagkatapos ng lunch, nagpaalam na siya saglit para magpahinga raw, pero ang totoo, napapikit na lang ako sa isang sulok ng opisina, pinipigilan ang pagsabog ng dibdib ko. Lahat ng sinabi ni Watt—lahat ng ginawa niya—masyado nang mabigat para sa isang pusong puno ng kasinungalingan. And then the rain came. Malakas. Mapangahas. Yung tipong hindi basta ambon lang kundi buhos—parang galit na galit ang langit. Napalunok ako habang pinagmamasdan ang ulan sa bintana ng hallway. Pasado alas tres na ng hapon. Dapat ay nagsusulat ako ng memo, nagpe-prepare ng report. Pero ang totoo, napapikit lang ako sa loob ng elevator, yakap-yakap ang sarili ko. Dito ko siya hinintay. Hindi ko alam kung bakit dito. Maybe because elevators are confined. Silent. A perfect space for someone who wants to feel sm

