Pagpasok pa lang namin ni Watt sa Triple B, ramdam ko na agad ang bigat ng hangin. Hindi dahil sa mga tao o sa ambiance, kundi dahil kay Watt mismo. Tahimik siya buong biyahe, malayo ang tingin, at parang may bitbit na buong mundo sa balikat niya. At kahit suot pa rin niya ang kanyang signature sunglasses, hindi iyon sapat para itago sa akin ang pagod sa mga mata niya. I know, kahit na nag surprised siya sa akin ng flowers and kisses, ramdam kong may iniinda pa rin siya. I know it's not about the wounds he sustain from that attack the other day, it's more deeper. Pagkadaan namin sa lobby, sunod-sunod ang bumati sa kanya—mga empleyado, managers, pati security. Pero hindi niya halos pinansin. Tumango lang siya ng bahagya at dumiretso sa elevator. At ako, gaya ng nakagawian, tahimik na sumu

