Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata nang nang marinig ang kumakatok sa pinto ko na si papa. Hindi ko namalayan na napasarap ang tulog ko. Pagtingin sa orasan na nakasabit sa dingding ng kwarto, alas dos na rin pala. Direkta na akong napatayo nang marinig ko na ang boses ni papa na tila nag-aalala na. "Alyssa. Bumangon kana riyan at kumain kana rito. Ano bang nangyayari sa iyo?" nag-aalalang tanong ni Papa. Tatayo na sana ako upang buksan ang pinto, ngunit napabalik ako sa kama at napaupo nang maramdaman ang hilo. Nilalamig din ako, kahit nakapatay naman ang aircon sa kwarto. Paghawak ko sa leeg ko, alam ko ng nilalagnat ako. "Pa, wait lang..." sagot ko, kaya naman tumigil na siya sa pagkatok. Kinalma ko muna ang sarili ko at saka muling tumayo, kahit umiikot ang paningin ko.

