bc

Husband Series 4: Dear Husband, Hanggang Kailan?

book_age18+
13.0K
FOLLOW
73.3K
READ
arrogant
drama
heavy
serious
straight
evil
demon
male lead
school
weak to strong
like
intro-logo
Blurb

A collaboration Series with Lake_Gad, Cutiecane, Kataneia El

Hindi inaasahan ni Brix Matthew na dahil sa isang pustahan ay mabubuntis niya si Alyssa Torres. Walang magawa ang binata kung hindi ang pakasalan niya ang dalaga, dahil nakasalalay sa kanya ang reputasyon ng pamilya.

Simula nang magsama sila ni Alyssa sa iisang bubong ay hindi niya mapigilang magdilim ang paningin. Sa tuwing nakikita niya ang asawa, iniisip niya na parang bangungot daw ito ng nakaraan na hindi maalis sa kasalukuyan.

Alyssa 'Aly' Torres isang mapagmahal na anak at asawa kay Brix, ngunit sa kabila ng pagmamalasakit niya sa binata ay lalo pa siyang napasama. Dumating sa puntong nalaglag ang anak niyang matagal na inaalagaan sa sinapupunan, dahil sa kapabayaan ng kanyang asawa. Akala ni Aly ay sukdulan na ang sakit na kanyang nararamdaman ngunit hindi pa pala.

Hanggang saan nga ba aabot ang pagtitiis ni Alyssa sa kamay ni Brix? Hanggang kailan nga ba matatamasa ni Aly ang matagal nang pinapangarap na pag-ibig kay Brix?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Alyssa POV "Brix, gising ka na pa—" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang biglang gawaran ako ng malakas na sampal ni Brix, dahilan para mabitawan ang hawak kong sandok. Kaagad kong niyapos ang pisngi ko, dahil ramdam ko pa rin ang mala-bakal niyang palad rito. Sa sobrang sakit, pakiramdam ko ay hihiwalay na ang pisngi sa aking ulo. "B-Bakit?" pautal kong tanong sa kanya. Dahan-dahan akong tumingin sa kanyang mata. Kung nakakamatay lang ang matalim niyang titig ay matagal na akong nakabaon sa lupa. "Bakit?!" singhal niya sabay hinablot niya ang buhok ko. Naging dahilan iyon para mapangiwi na naman ako sa sakit. "Pinairal mo na naman ang katangahan mo, Alyssa!" malutong niyang sabi. Sa kabila ng sakit na nararamdaman ko, nag-salubong ang kilay ko. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong ideya kung ano na naman ang kinakagalit niya. Sa pagkasabunot niya sa akin, natamaan ang sugat ko sa ulo kaya bigla akong napasigaw. "T-Tama na! Ang sakit, Brix!" pagmamakaawa ko, ngunit mas lalo niya pa itong diniinan. "Nagrereklamo ka na ngayon, ha? Halika! Sumama ka sa akin!” Pagkasabi niyang iyon ay bigla niya akong kinaladkad paakyat ng hagdan. Hindi ako makapiglas dahil sobra ang kapit niya sa buhok ko. Dagdag pa na sinasalo ko rin ang tiyan ko, baka kasi kung ano na namang mangyari sa amin ng anak ko. "Teka, Brix. Dahan-daha— Aray ko!" Hindi ko na magawang magreklamo, dahil habang umaakyat kami sa hagdan ay pabigat nang pabigat ang kamay niyang nasa ulo ko. Alam ko na sinasadya niya ang lahat ng ito upang matamaan ang bata na nasa sinapupunan ko. Maigi kong hinawakan ang aking tiyan, habang ramdam ko namang humihiwalay ang buhok sa ulo ko. "May naamoy ka ba?!" galit na sabi niya nang makarating kami sa tapat ng kanyang kwarto. "May naamoy ka ba!" Bigla niyang binitawan ang pagkakasabunot sa akin kaya tumilapon ako. Mabuti na lang at naitukod ang kamay ko sa pader. Halos manlaki ang mata ko nang naalala 'yung damit ni Brix na pinaplantsa ko kanina. Nakalimutan ko 'yon, dahil inuna ko ang pagluluto ng almusal niya. Kahit hindi pa ako nakaka-recover sa ginawa niya sa akin ay tumakbo ako papasok ng kwarto at naabutan doon ang damit ni Brix na nasusunog na ang kwelyo. Kaagad kong tinanggal sa saksakan ang plantsa, saka nakayukong humarap kay Brix. Sa totoo lang, hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Nanginginig na rin ang tuhod ko sa takot, habang palapit nang palait sa akin si Brix dala ang nagngingitngit na ngipin at salubong niyang kilay. "P-Pasensya ka na. Hindi ko na uulitin," nanginginig kong sabi nang tumabi na sa akin si Brix. Hindi ako makatingin ng direkta sa kanya, dahil para na niya akong pinapatay sa mga titig niya. "Talagang hindi mo na uulitin," bulong niya sa akin, sabay may kinuha siya sa likuran namin. Napapikit na lamang ako habang nagdarasal na sana... sana hindi niya gawin sa akin ang naiisip ko. Ngunit mas nangilabot ako at lalong nanginig ang tuhod ko nang maramdaman ang init ng plantsa sa tabi ng mukha ko. Para akong estatwa sa tabi niya na hindi makagalaw. Ramdam na ramdam ko ang pressure ng plantsa kaya panigurado, isang kilos ko lang ay matutusta ang mukha ko. "B-Brix, bitawan mo 'yan. Hindi na magandang biro 'yan.” Kahit takot na takot ako ay naglakas loob pa rin akong kausapin siya. Ilang segundo lang ay bahagyang nawala ang mainit na temperatura sa tabi ng pisngi ko, kaya alam ko inilayo niya ito sa akin. Bigla naman niyang itinabi ang kanyang bibig sa tainga ko kaya ramdam ko ang bigat ng kanyang paghinga. "Pasakit ka talaga sa buhay ko, Alyssa. Siguro kahit ilang beses pa kitang pasuin ng plantsa, kung hindi ka mamamatay, hindi ka mawawala sa buhay ko," bulong niya dahilan para lalo akong matakot. Sa sobrang taranta ko ay hindi na ako nakapag-isip nang maayos. Biglang gumalaw ang paa ko papunta sa p*********i niya at buong lakas ko iyong sinipa. Biglang napangiwi sa sakit si Brix at saka siya napaupo sa sahig. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto ko siyang tulungan, ngunit gusto ko na ring tulungan ang sarili at anak ko sa kamay niya. "Walanghiya ka talagang babae ka!" sigaw niya habang namimilipit pa rin sa sakit. Sa sobrang taranta ko ay napatingin na lamang ako sa pinto at mabilis na tumakbo palabas. Hindi ko na inintindi ang galit na mukha ni Brix, basta ang nasa isip ko na lamang ngayon ay mailigtas ang anak ko. Ang anak namin, sa kamay ng kanyang mapang-abusong ama. "Bumalik ka rito!" rinig ko pang sigaw ni Brix habang pababa na ako ng hagdan. Tiningnan ko siya mula sa kwarto. Pilit siyang tumatayo, habang hawak ang p*********i niya. Wala na akong sinayang pang pagkakataon at binuhos ko na ang buong lakas ko para lamang makababa, ngunit bigla na lamang akong napatigil nang marinig kong humalakhak si Brix. "Ano, 'yan lang ba ang kaya mo? 'Yan lang ba ang magagawa mo sa pagpapahirap ko sa'yo? Hindi mo matatakasan ang impyernong bahay na ito!" Mabilis na humakbang si Brix patungo sa kinaroroonan ko. Tumingin din ako sa hagdan at malapit na akong makababa, ngunit bakit ganito? Hindi ko maigalaw ang paa ko. Napako ang mata ko sa kanyang mukha na galit na galit. Nang maabutan niya ako ay walang sabi-sabing hinablot niya muli ang buhok ko at inuntog sa railings. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Para na akong hihimatayin dito. Hinawakan ko na lang ang tiyan ko at pinakiramdaman ang bata. Hindi ko alam kung ilang beses niya inuntog ang ulo ko, basta ang alam ko lang ay noong napagod siya ay tumigil din siya. Hindi ko rin alam kung dumugo ba ang noo ko sa pagkakauntog niyang 'yon, basta nang iharap niya ako sa kanya ay nagsisimula nang magdilim ang paningin ko, ngunit minabuti ko pa ring ngumiti ng mapait sa harapan niya. "P-Pasensya ka na, Brix. Kung 'yan lang ang makakapagpatigil sa'yo, sige gawin mo ulit sa akin. Tatanggapin ko," nanlalambot ang boses kong sabi sa kanya. "Sa tingin mo ba, sa simpleng paghampas ko sa ulo mo rito, mababawasan na ang sama ng loob ko sa'yo?" Bigla siyang tumingin sa tiyan ko kaya mabilis kong hinawakan sa kaliwang kamay ang tiyan ko at mahigpit akong humawak sa railings. "H-Hindi, Brix. Hindi mo ito gagawin sa anak natin," pailing-iling kong sabi, kahit ramdam kong ilang segundo na lamang ay tutumba na ako. "Hindi..." Pagpupumiglas ko, ngunit masyadong mapwersa si Brix. Diniin niya ang pagkakawakan sa braso ko, kaya sinubukan kong magpumiglas. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, nagkamali ako ng tapak sa hagdan, dahilan para dumausdos ako. Muli ko pang hinawakan ang tiyan ko bago ako tuluyang mawalan ng malay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.6K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.7K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook