Brix Matthew POV
I was so devastated when I was about to swipe my card in the ATM machine. Wala ni pisong laman ito, kaya sa inis ay sinipa ko ang machine. Balak ko pa namang magpakalunod sa alak ngayong araw, dahil sa sinabi ni Mrs. Trinidad na bagsak ako sa tatlong major subject.
Eh, paanong hindi ako babagsak doon? Nakakatamad kayang magturo ang mga professor sa Augustine. Isa pa, mayroon kaming practice sa varsity. Hindi ba niya ako maintindihan?
Isa pa 'tong si Dad. Napakayaman niya pero hindi niya kayang bayaran ang mga teachers doon para sa anak niya. Anong klase siyang ama?
Biglang nag-vibrate ang cellphone ko, kaya kunot-noo ko itong kinapa sa likurang bulsa. Pagkasagot ng tawag ay bigla kong inilayo ang cellphone sa tainga ko.
"Ano ba?!" inis kong sabi kay Damon na ngayon ay siguradong nasa bar na naman kasama ang tropa.
"Woah! Easy bro! Where are you?" tanong niya.
Nagpalinga-linga ako ng tingin. "Here, at Villas. Why?"
"Come here, sa dating tambayan. Let's celebrate!" masayang sabi niya, ngunit dahil sa maingay na background music ay kaagad na sinapawan ang boses niya.
"Bro! We'll wait for you!" rinig ko namang sigaw ni Uno na mukhang lasing na.
"K, fine." Saka ko pinatay ang cellphone. Naglakad naman ako pabalik sa kotse na nasa harapan lamang at padabog kong binuksan ang pinto. Naiinis pa rin ako sa mga oras na 'to. Ano nang gagawin ko? Hindi pa naman ako sanay na walang pera.
"Kainis!" Hampas ko sa steel wheel at nagsimula nang magmaneho.
Ilang minuto rin ang byahe papunta sa bar na lagi naming pinagtatambayan. Hindi ako excited ngayon dahil first time kong pumunta roon na walang kalaman-laman ang wallet. For pete's sake! Ngayon pa talaga? Kung kailan maga-aniversary na kami ni Jessy at balak kong bonggahan ang regalo sa kanya?! Damn this life!
Pagkaparada ng sasakyan sa parking area ng bar, kaagad akong lumabas ng sasakyan kaya bumungad sa akin ang kabilaang ingay. Sanay na sanay na akong nakakarinig ng ganito. Ikaw ba naman sa araw-araw mong pagpunta, hindi pa ba masasanay ang eardrums mo sa lakas ng music at hiyawan ng mga tao.
Pagtapak ko sa entrance ng bar, inabot ko lang sa bouncer ang ID ko. Kilala naman niya ako, kaya wala nang problema doon.
Dito pa lang sa entrada ng bar, may mga naghahalikan na, paano pa kaya sa loob na mas wild ang mga tao.
Biglang nag-iba ang mood ko nang may makita akong chix. Nakasuot ang babaeng iyon ng white na tube habang naka-skirt na kulang na lang ay ipakita ang p********e niya. Napalingon siya sa akin habang isinasayaw siya ng isang baduy na lalaki. Nginitian ko lamang siya at umalis na.
"Slut," bulong ko sa sarili. Hindi na bago ang paningin ko sa mga gano'ng babae. Sa dami ng babaeng kinama ko, siguro ang babaeng iyon na ang pinakamababang klase.
"Bro!" rinig kong tawag ng isang lalaki sa gilid kaya mabilis akong napatingin. Si Jake pala.
"What's up? Anong meron?" Nakipagkamay muna ako sa kanila at umupo sa tabi ni Damon.
"Etong si pareng Uno kasi, nag-aya na mag-celebrate dahil daw pasado siya sa lahat ng subjects. Plus, kabilang pa siya sa mga deans. Tingnan mo na naman!" pagmamalaki ni Jake.
Napatango lang ako at kinuha ang isang bote ng alak saka ko ito nilagok. Hindi ko na pinansin ang sunod pang sinabi ni Jake, nang dumako ang atensyon ko sa dancefloor kung saan nagsisimula nang magsayaw ang mga bayaring babae.
"Ikaw ba, Brix? Kumusta ang grades mo?" seryosong tanong ni Uno, kaya napalingon ako sa kanya.
Nang una nahihiya pa ako at nag-aalangan kung sasabihin ko ba sa kanila na hi-nold ni Daddy ang pera ko, pero dahil kaibigan ko naman sila, why not?
"Si Daddy kasi!" Napabuntong hininga na lang ako nang maalala ang ATM ko na walang kalaman-laman.
"What happened? Ano na namang ginawa sa'yo ni Tito Louie?" nag-aalalang tanong ni Damon.
Nilagok ko muna panandalian ang alak. Kahit hirap na hirap ko itong lunukin ay pinilit ko. “Siguro nalaman niya na may bagsak akong tatlong major subjects," nahihiya kong sabi sa kanila.
"Ano?! Three major subjects?!" sigaw nilang tatlo na wari mo'y hindi pa makapaniwala.
Tinaasan ko naman sila ng kilay kaya umayos sila ng upo.
"Bro, what the f**k? Anong ginagawa mo? Nag-aaral ka ba talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ni Damon.
Bigla ko naman siyang binatukan kaya napangisi siya. "Gago ka ba? Ikaw ang nag-aaya sa akin magbulakbol, tapos tatanungin mo 'yan?" inis kong sabi, sabay nagtawanan naman sila.
Hindi ko magawang makipagsabayan ngayon sa kanila, dahil until now, mainit pa rin ang ulo ko sa ginawa ni daddy.
"Paano niyan? Three months pa bago ang second semester. Anong gagawin mo?" tanong ni Jake, kaya muli akong napaisip.
Napatingin ako sa mga babaeng nagsasayaw sa dancefloor. Naalala ko 'yung sikat na adonis bar. Bigla akong kinilabutan kaya pailing-iling akong umayos ng upo.
"I don't know. Baka pwede niyo naman akong pahiramin diyan kahit 100k na lang. Ambag ambag muna," suhestiyon ko, ngunit biglang umalma si Damon.
"Bro, alam kong ako ang pinakamahirap sa grupo, 'diba?" pagsisinungaling niya, kahit alam naming lahat na ang pamilya ni Damon ang may-ari ng sikat na pagawan ng wine sa Madrid.
"You're lying!" singhal ko sabay tumingin kay Jake.
"Woah! Dude, alam mong madamot akong tao. Hindi ako basta-basta nagpapahiram hanggat walang kapalit," aniya.
Huminga muna ako ng malalim bago ko tingnan ang huling alas ko. Si Uno. Alam naming lahat na kahit napaka-misteryoso ni Uno ay may ibubuga rin naman ito pagdating sa pera.
"Fine," sabi niya nang tingnan ko siya.
Biglang nagkislapan ang mata ko at parang nagkaroon ako ng pag-asa para mabuhay. Sabi ko na at maasahan talaga 'tong si Uno kahit sa anong bagay.
"Pero may kapalit," dugtong pa niya, kaya biglang nawala ang ngiti sa labi ko.
"Kapalit? Dude, don't tell me..." Huwag naman sana ang iniisip ko ngayon.
"Huwag mo akong tingnan ng ganyan, Brix. Hindi 'yan ang tinutukoy ko," inis na sabi niya.
"Ano pala?"
Bigla kaming nagtipon-tipon nang sumenyas si Uno. Sa aming limang magkakaibigan, si Uno lang ang bukod tanging nakakapagpasunod sa aming lahat. Hindi ko alam kung anong ginamit niya sa amin e, pero isang tingin lang niya, nangangatog na ang binti ko.
"Do you remember the girl who smirked at me, last time?" tanong niya.
Bigla akong napaisip sa sinabi niya.
"The girl with the red ponytail?" tanong ni Jake.
"The girl who always handed a book?" dagdag pa ni Damon, kaya bigla kong naalala 'yung babae na bigla-biglang sinamaan ng tingin si Uno.
"Si Ms. Torres ba?" confident kong sabi.
Simula kasi nang ginawa niya iyon kay Uno ay nag-background check na rin ako sa matapang na dalagang 'yon.
She's Alyssa Torres. Education student at graduating na next year. Mukha siyang masungit dahil tuwing nakikita ko siya palagi ay blangko lamang ang ekspresyon niya. Hindi rin siya palakausap sa mga co-students niya, pero ang sabi sa akin ay matalino raw siya at running for c*m Laude pa ng Augustine.
"Yes!" Mataman na sagot ni Uno, kaya lalong napakunot ang noo namin. Iniisip kung ano ang binabalak ni Uno sa babaeng 'yon.
"I just wanna play with her," wika niya.
"Play with her? You mean..." Hindi na natuloy ni Jake ang sasabihin niya nang paulit-ulit na umiling si Uno.
"No, no, no. I'm not the one who will do that." Ngumisi siya at tumingin sa akin.
"M-Me?" Pagdiin ko sa sarili ko.
"I will give you a hundred thousand. Hindi mo na babayaran 'yon, basta gawin mo ang pinapagawa ko."
"Hundred lang? No deal! Eh, sa mukha ng babaeng 'yon, mukhang mapapalaban ako," reklamo ko sa kanya.
Bigla namang naglabas ng pera sina Damon at Jake kaya nagulat ako sa ginawa nila.
"Game?" tanong ni Damon habang simumisilay na ang mala-demonyo niyang ngiti.
"It’s all or nothing, Brix. Kumpleto na ang perang hinahanap mo, desisyon mo na lang ang kailangan." Prenteng umupo si Uno habang silang lahat ay inaabangan ang sagot ko.
Wala na akong pinalampas pang pagkakataon. Kukuhanin ko na sana ang pera, ngunit biglang hinawi ni Damon ang kamay ko.
"Bibigay lang namin sa'yo ‘yan, kapag nagawa mo na ang pustahan."
"Bibigyan ka namin ng tatlong buwan. Tatlong buwan, para makuha ang virginity ni Alyssa," seryosong sabi ni Uno kaya nanlaki ang mata kong tumingin sa kanya.