CHAPTER THREE

2143 Words
DALI-DALI akong nag-asikaso ng aking susuotin. Pinili kong damit iyong medyo seductive na badboy, para pagkakita pa lang sa akin ni Alyssa ay mai-inlove na siya kaagad. Effortless. Hindi ko na problema iyon. Sa gwapo kong ito? Lamok na lang ang hindi kikiligin. Kinuha ko sa cabinet ang isang white shirt at black na leather jacket ko. Sinuot ko rin 'yung fitted black kong pantalon, saka pinanligo ang mamahalin na pabangong niregalo sa akin ni mom noon. Ang Bvlgari. "Hays! I can smell the vibe!" masaya kong sabi sa sarili nang ma-satisfied na ako sa itsura ko. Kaunting gel lang din ang nilagay ko sa buhok para magmukha naman akong disente sa paningin ni Alyssa. Syempre, kahit pustahan lang ito, kailangan ko pa ring magpakitang gilas sa kanya. Palabas na ako ng condo nang biglang mag-ring ang phone ko na nakapatong sa kama. Mabilis kong kinuha iyon at sinagot. "Brix, where the fvck are you? Kanina pa kita hinihintay dito," galit na sabi ni Damon. "Wait lang bro, pababa na ako ng condo. Nagagalit ka kaagad e," natatawang sabi ko. "Kanina pa kita hinihintay dito! Nandito si Aly... dude! She's damn sexy!" pababa nang pababa ang boses ni Damon. Tinawanan ko lang siya. Kahit gaano pa naman ka-sexy ang isang Alyssa Torres, mawawala rin naman ang korte niyan kapag nadevirgized ko na siya. "Yeah. Just wait me there— Oh f**k!" Mabilis akong bumalik ng condo, dahil muntik ko nang malimutan ang wallet ko. Mabilis ko itong dinakot saka pinatay na ang tawag. Pagkalagay ko ng phone sa shoulder bag, sinilip ko naman ang wallet ko. Mabuti na lang bago umalis si Jessy iniwanan niya ako ng five thousand. Sa ngayon hindi ko muna kailangan ang ego ko. Mas maganda na ito, sinusuportahan niya ako habang hindi pa rin binibigay ni dad ang pera ko. I hurriedly drove my convertible car into the resto kung saan kanina pa naghihintay ang isa ko pang demonyong kaibigan. Pag-park ko ng sasakyan sa parking area na tapat ng resto, kaagad kong hinanap si Aly kung saan siya banda nakaupo. Pumasok ako sa resto at sa bandang dulo ng left side siya nakaupo kasama ang dalawang babae nitong kaibigan. Didiretso na sana ako sa pwesto nila, pero may humila ng kamay ko. "Dude, you're so fast huh?" tatawa-tawang sabi sa akin ni Damon. Oo nga pala, nakalimutan ko na popormahan ko pa lang si Aly at hindi ko pa siya girlfriend. Si Damon nga pala ang pinunta ko rito. Umupo ako sa tapat ni Damon, dahil single table lang ang kanyang kinuha. Nag-order na rin si Damon ng dalawang capuccino, para habang hinihintay namin silang matapos ay may paglaabalahan kami. "Ano dude, seryoso ka na ba talaga sa balak mo?" tanong ni Damon. Tumingin muna ako sa pwesto nina Aly. Sakto naman ang upuan ni Aly ay nakatapat sa akin, kaya pagtingin ko sa kanya, nagtama ang mata namin. Nginitian ko siya kaagad, ngunit siya naman ay inismidan lang ako. "Oo, dude. I need money. Nahihiya na rin ako kay Jessy e, para ko siyang nanay. Siya lagi ang nagbibigay ng allowance ko," sagot ko sa kanya. "Sabagay," singhal ni Damon. Bigla namang dumating ang crew, dala ang isang tray na naglalaman ng inorder namin—este inorder ni Damon. Wala pa akong kapera-pera ngayon, kaya sila muna ang sasagot sa akin. Pagkaalis ng crew, kaagad kong kinuha at saka ko sinimsim. Kailangan ko ng lakas ngayon, lalo na nasa harapan ko ang target ko. "Sayang din 'yung inaalok ni Uno sa'yo. Grabe, iba talagang magalit ang lalaking 'yun. Siniseryoso ang lahat ng bagay," ani Damon. Nakakalahati pa lang namin ang kape, bigla naman kaming nagulo nang tumayo ang grupo nina Alyssa. "What time ang next class mo, Alyssa?" tanong ng isang babae na naka-ponytail ng kulay pula. "Mamaya pa namang mga 10:00,"rinig kong sagot ni Alyssa. Kaya mabilis kong tiningnan sa wrist watch ko kung anong oras na. Eight-thirty pa lang. Bakit ang bilis yata nilang umalis? Mabilis kong inubos ang kape ko saka tiningnan muli si Alyssa. Dumaan pa sila sa amin harapan, kaya muntik ko nang maibuga ang iniinom ko. Grabe! Napakabango niya. Ang kanyang suot na white uniform at black na skirt ay talagang kumorte sa malaki niyang pwet at tamang size ng kanyang boobs. Napakaamo rin ng kanyang mukha, maputi. Mukha rin siyang mabait, kaya sa tingin ko hindi ako mahihirapan sa kanya. "Dude? Dude!" sigaw na ni Damon nang hindi ko na siya mapansin. "Malulusaw ang pwet ni Aly...hoy!" mahinang bulong niya, kaya mabilis akong napatingin kay Damon at sinaaman siya ng tingin. "Bibig mo!" inis na sabi ko, saka lang siya tumawa. Pag-alis nina Aly, mabilis na rin kaming lumabas ng resto at sumakay ng kotse. Nasundan pa namin ang kotse nilang kulay red na papunta ng school. Habang tahimik naming sinusundan sila Aly, kinuha ni Damon ang isang balot niya ng sigarilyo saka niya ito sinindihan. Tiningan ko lang siya ng masama sa rear view mirror, kaya kaagad din siyang kumuha ng isa pang stick at binigay sa akin. "Dude, sa tingin mo, aabot pa ng three months 'yang pagpapa-cute mo kay Aly? Mukhang mas mailap pa siya sa ibong adarna e," ani Damon. Natawa naman ako at saka hinipan ang usok na nasa bibig ko. "Patience is a virtue, dude. Just wait. Parang hindi mo naman alam kapag tayo na ang gumawa ng action, diba?" pagyayabang ko. "Wow!" The word ‘Patience’ huh? Mukhang wala ka no’n e.” anito It only took five minutes when we arrived at the university. Pagbaba naming ng kotse, sumalubong sa amin ang ibang babae na nagpapa-cute sa amin. Minsan gusto ko na lang silang bulyawin at paalisin sa university na ito e. halos araw-araw ganito ang sumasalubong sa amin. Eh kung kasama si aly sa mga nagkakandarapa sa akin at naghihintay sa gate pa lamang ng university, edi sana abot hanggang tenga ang ngiti ko ngayon. Kaso hindi e, mga mukhang bakulaw ang mga sumasalubong sa amin. Hindi ko na tuloy napansin ang pagbaba ni alysa sinasakyan nilang kotse dahil sa mga babaeng nakaharang sa amin. “Dude, mauuna na ako ha? Meron akong nakitang chikababes e. Ipagtanong mo na lang sa mga babae mong mukhang mga ipis kung anong year at anong section ni Alyssa.” Pero dude!” sigaw ko, saka bumaba si Damon. Kaagad namang may inakbayan siyang babae paglabas ng kotse. Napabuntong hininga na lang ako, habang inaayos ko ang pagkaka-park ng kotse parking area. Pagbaba ko, tinanggal ko na rin ang suot kong sunglasses saka sinabit sa t-shirt. Nang pagtingin ko sa harapan, nagulat naman ako nang may dalawang babae na mukhang nerd ang sumalubong na akin. Ang ngiti nila nakakakilabot. Mga ngiting aso na parang nakakita sila ng lamang loob na anytime pwede nilang dakmain. “Ah…ehh, Brix?” Nahihiya pang sabi ng babae na nasa left side at may hawak na libro, habang hinahawi ang kanyabng magaspang na buhok. “Eww…” bulong ko na lamang sa sarili. Ngmuti naman ang isa na parang may tinatagong pagnanasa sa akin, kaya bumaling ang tingin ko sa kanya. “Ah, Brix? Busy ka ba?” mahinhing sabi nito. Kumunot ang nook o. “Bakit? may klase pa kasi kami mamayang…” natigilan ako nang maalala ko si aly. Oo nga pala, 10:00 din pala ang pasok niyua. kailangan kong magmadali! Pero paano? Napatinginako sa dalawang babae na nasa harapan ko. Sa tingin ko, sila na ang makakasagot sa tanong ko. Inayos ko muna ang sarili ko. baka makuha pa ang mg auto-u***g ito sa pagngiti ko. “ Siya nga pala, anong pangalan ninyo? Tanong ko muna. Nagpapaunahan pa sila, pero nauna iyong may suot ng reading glass na may makapal pang bangs. “Ako nga pala si Valerie,” anito “Ako naman si Clariss,” wika ng isa pang Manang Napatango naman ako at pinilit na ngumiti. “Kaya pala ang gaganda ninyo. Ang gaganda din ng mga pangalan niyo,” pagkukunwari ko kahit gusto ko ng magsuka ngayon. Namula naman ang dalawa. Napatingin ako muli sa wristwatch ko at nine-thirty na. Hindi na muna ako papasok sa subject kong General Math ngayon, tutal naman, puro cellphone lang inaatupag ng prof namin doon. Humugot ako nang malalim na hinibnga saka ngumiti sa kanila. Tuwang-tuwa naman ang dalawa, dahil sa tingin ko, nakita nila ang dimple ko na lalong nakakapagpagwapo sa akin. “Pwede bang magtanong, Clariss at Valerie?” malambing kong sabi sa kanila Mabis naman silang tumango. “Basta ba…Pa-picture kami mamaya sa’yo?” nahihiyang sabi ni Valerie. “Oo ba!’ Mabilis kong sagot. “Tanong ko lang, may kilala ba kayong Al…Alyssa Torres?” Kumunot ang noo ni Clariss. Sigurado akong alam nito ang tinutukoy ko. “Iyong Education Student ba?” pagbabalik niya ng tanong sa akin. “Educ?” usad ko. So education student pala ang course ng babaeng iyon. Áh oo. Diba kaklase natin siya sa practice teaching? Kaso masyadong mahiyain naman ‘yon,” pagdadaldal ni Valerie. Ahh..mahiyain pala ha? makikita natin, Alyssa. “Sa tingin niyo, saang building kaya siya ngayon?” tanong ko. Napaisip muna ang dalawa. “ Nasa building 2 yata, second floor,” sagot ni Valeire, kaya napangiti ako at mabilis na tumakbo. “Brix! Teka!” sigaw pa ng dalawa, ngunit hibndi ko na sila pinag-aksayahan ng panahong tingnan. “Andyan na ang sisira ng buhay mo, Alyssa Torres!” demonyo kong bulong. Kahit may nakakasalubong na akong mga profs a hallway, nagpatuloy pa rin ako sa pagtakbo. Gusto ko kasing mauna sa room na iyon at magkunwaring naligaw lang kapag nandon na ako. Siguro naman hindi nila ako papaalisin doon. Ang isang Brix Matthew paaalisin lang? Tiningnan ko muli ang wristwatch ko at nakita kong 9:50 na. Kailangan kong maabutan si Alyssqa doon. bahala na kung marami akong masasagasaang subject! BAsta gusto ko siyang makita. nasa first floor nako ng second building, nang biglang tumunong ang cellphone ko na nasa bag. kahit hindi ko tinitingnan ay kinuha ko iyon at sinagot kung sino man ang hampaslupang tumatawag. “Ano ba! Mamaya ka nalang tumawag! inis na sabi ko sa kabilang linya. nang makita na si Damon iyon “Okay, Mr. Salvador. Magpunta ka nalang mamaya sa office!” galit na sabi ng isang matanda sa kabilangblinya at mabilis na piñata ang tawag. napatigil ako sa pagtakbo at natameme. Si Mrs. Fernandez pala iyon, ‘Yung prof naming sa general math. “Patay.” Napakamot ako sa aking ulo nang makita ang oras. saktong 10:00 na pala. “Bahala na nga,” inis kong sabi sa sarili, saka dumiretso sa pangalawang room, kung saan nagkaklase si Alyssa. Kahit naman kasi pumasoj pa ako sa subjet ng Mrs. Fernandez na iyon, ipapatawag pa rin niya si daddy. Tsaka kinuha na ni daddy ang mga pera ko, wala na akong dapat ikabahala. Ngayon pa ba? Na mapapasakamay ko na si Aly pati na ang pera? Mabilis kong tinulak ang kulay green na pinto. Sigurado ako, ditto nga nagkaklase ang mga education student. Pagbukas ko, kaagad kong hinanap si aly, ngunit natahjimik ako at nakaramdam ng hiya nang mapatingin sa akin ang lahat ng mga estudyante. Kahit pa sabihing magkakaprehas lang kami ng year level, nakaramdam pa rin ako ng hiya at panginginig sa tuhod. “Mr. Salvador,” wika ng isang matandang prof na lalaki na nasa harapan. “Dahan-dahan akong napatingin rito. Si Mr. Vasquez pala ito. Jusko! Kung hindi ko lang talaga kailangan ng pera, hindi ko ipapahiya at ilulubog ang isa kong paa sa putik. “Ah..eh, sorry Sir. Nagkamali po yata ako ng…” Bumalik ang tingin ko sa mga estudyante at sa wakas! Nakit ko na rin si Alyssa na nasa pangatlong row ng upuan na nagsusulat. Napangiti ako. Parang sa mga oras na ito ay nawala lahat ng hiya ko sa katawan. Ngunit bumalik ako sa ulirat ng marinig ko ang pangalan kong tinatawag ni Mr. Vasques. “Don’t you have any classes, Mr. Salvador?” tanong nito. “No…” Nakatingin pa rin ako kay Alyssa, ngunit nang mapatingin na rin sila sa dako ng tinitingnan ko, bumalik ang tingin ko kay Mr. Vasquez at lumunok ng ilang ulit. “I…Im so sorry Sir. Pero naligaw lang po ako,” pagpapalusot ko. “Okay. Pwede bang bumalik ka na sa room mo? Nakakaistorbo ka kasi e,” anito. Ngumiti naman ako at muling napatingin kay Alyssa. “Yes, Sir,” sagot ko, ngunit bago ako lumabas ng room, sa wakas aya napatingin din sa akin si Aly na taking-taka. “Mr. Salvador! sigaw na ni Mr. Vasquez, kaya dali-dali na akong lumabas. Sinilip ko pa sa binatana si Alyssa at nagulat ako nang nakatingin din siya sa akin. hindi ko tuloy mapigilang kumaway sa kanya habang ngingit-ngiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD