Isang mahigpit na yakap ang kaniyang binigay kay Eulalia. Parang yakap ng pamamaalam kahit ayaw niyang magpaalam pero ito ang kaniyang nararamdaman nung maglapat ang katawan nila sa isa’t isa. “S-salamat Percival, salamat sa inyo ng mga kaibigan mo.” Tumango lang siya at binitawan ang babae. Tumingin siya sa mata nito. Napansin din niyang nag-iba ang kulay ng mata nito. Mula sa kulay ginto nitong mata ay naging itim na itim ito tulad ng sa efuanti. Ang buhok nitong kulay niyebe ay dahan-dahan din naging itim na parang gabi at aaminin ni Percival, mas bagay rito ngayon ang nakikita niya. Mas bagay kay Eulalia ang itim na buhok at mata. Para tuloy siyang nakakita ng isang diyosa ng kagandahan ngayon. “Ngayon nasa akin na ang buong efuanti, maibabalik ko na ang balanse ng mundong ito. Ma

