Chapter 37 - Huwag Ibigay

1094 Words
Napasigaw ang mga ito nang higpitan lalo ni Barthram ang pagkakatali sa mga katawan nito. Kung wala siyang gagawin ngayon, mamatay ang mga ito na hati ang katawan. Tangina! Tangina talaga! Dapat niya munang talunin si Barthram kung gano’n bago ang Krigari. Muli siyang gumawa ng panibagong enerhiya. Mas malaki sa unang ginawa niya kanina pero hindi magawang bitawan ang enerhiyang iyon dahil napasigaw sa sakit ang mga kasamahan niya. Nagdurugo rin ang mga katawan ng mga ito. “Mamili ka, bata. Buhay nila o ang efuanti!” “H-huwag kang makinig sa kaniya, Per-percival! Huwag m-mo ibigay ang e-efuanti!” Si Reedrick na hirap na hirap magsalita. Huminga siya ng malalim. Ano ba ang gagawin niya? Nanganganib ang buhay ng mga ito pero nanganganib din ang buhay nga mga nakatira rito sa Asticus. Paano ang mundong Asticus? Paano sila makakalabas na buhay kung hindi niya ibabalik ang efuanti sa Krigari? Hindi. Hindi niya hahayaan ang dark lord na ito na magwagi! Pero may iba siyang plano. Muli, humiyaw ang Krigari at sinugod sila nito pero iyon ang kaniyang hinihintay na sandali. Eksaktong pagsugod ng Krigari ay ang pagtalon niya sa likuran nito at sumakay roon. Napasigaw sa sobrang galit si Barthram. Binato siya nito nang binato ng kapangyarihan pero ang sumasali ay ang Krigari. Ginawa niya itong shield niya. Napapasigaw ang Krigari sa sakit at ang ibang ulo nito ay inaatake siya habang ang ibang ulo ay hinarap si Barthram. Nang makakita siya ng tsantsa, kaagad siyang tumalon sa dibdib ng Krigari na nasa harapan lang nito at mabilis na pinasok ang efuanti sa bilog kung saan alam niyang ito ang pusod ng Asticus! “Hindi!!!!!!!” Napatakip siya ng teynga sa lakas ng sigaw ni Barthram! Nayanig ang buong paligid at bumagsak sila Athena, Magnus, Reedrick at Eulalia. Hindi niya nasalo ang mga ito kahit gustuhin niya sana. Napaatras siya nang makitang naging agresibo ang Krigari at ang efuanti ay dahan-dahan nilamon ng katawan nito. Umilaw ang katawan nito at nagliwanag na sobrang sakit sa mata! Halos mabulag ang kaniyang mata sa liwanag na nagmula sa Krigari. Tangina! Anong nangyayari? Sandali niyang nakalimutan ang mga kasamahan niya at si Barthram. Na-focus ang kaniyang tingin sa Krigari na humihiyaw at dahan-dahan naging isa ang katawan. Gusto niyang tanungin ang sarili kung ano ang nangyayari pero walang sasagot sa kaniyang tanong kundi siya lang din. Nagpatuloy siya sa pagmasid sa Krigari nang hindi niya mapansin ang paglapit ni Barthram sa kaniyang likuran para saksakin ang kaniyang ulo sa itim na kapangyarihan nitong naging punyal. “Percival!!!” Nagulat siya nang sumigaw si Reedrick. Huli na para malaman ni Percival na nasa likuran niya si Barthram habang nakasaksak ang punyal nito sa dibdib ni Reedrick. Hindi! Puta!!! “R-reed?!” Mabilis niyang dinaluhan ang lalaki. Nataranta siya. Tangina! Bakit ngayon pa, oo! “Reed tangina mo!” Niyugyog niya ang balikat nito pero walang tigil sa paglabas ang dugo nito sa dibdib nito. Napaatras naman si Barthram nang makitang si Reedrick ang natamaan nito at hindi si Percival. Galit na galit itong napatingin sa kaniya. Nagdurugo ang mata nito ng kulay itim. “Papatayin kita bata!” Akmang sasaksakin siya nito ulit ng panibagong patalim pero hindi na ito makagalaw sa kinatatayuan. “A-anong nangyayari?! H-hindi. Hindi ako p-pwede mawala sa m-mundong ito! K-kailangan ako ng Asticus! Hindi! Hindi ako papayag! S-sasakupin ko pa ang m-mundong ito at ang m-mundo ng tao—” Hanggang sa dahan-dahan itong tinupok ng sariling kapangyarihan. Habang si Percival ay napapaiyak sa nakitang naghihingalo ang kaibigan si Reedrick. Tangina naman, oo! Mabilis niyang nilagay ang kamay sa dibdib nito kung saan may saksak ito. Baka pwede pa na mabuhay ang lalaki. Malayo na sila! Naibalik niya na ang efuanti. Naibalik niya sa katawan ng Krigari kaya baka pwede pa ma-revive ang nakilala niya pinsan sa katauhan ni Reedrick. “Reed, kapit ka lang.” Mas lalo niyang pinagpursige ang paglabas ng enerhiya sa kaniyang kamay pero wala, walang reaksyon sa katawan ng lalaki. Mas lalong humina ang pulsuhan nito. “Tangina mo, Reedrick! Tangina mo huwag kang mamatay sa `kin. Gago ka! Babalik pa tayo sa mundo natin. Naghihintay pa sa atin ang Mama ko. Gago ka, ah! Hindi ka pwedeng mamatay, alam mo ba iyon gago ka?” Niyugyog niya na ito para magmulat ng mata pero wala, walang tugon kay Reedrick. Napatingin siya kay Athena, nakahandusay pa rin ito pati si Magnus pero alam niyang buhay ang mga ito. Nararamdaman niya pati si Eulalia. Tangina! Paano niya maexplain kay Athena na patay na ang bebeloves nito at nauna ng pumunta sa langit? “Reed?” Inulit niya pa ang pagtawag sa pangalan nito at kinapa ang pulsuhan nito pero wala. Wala na talaga itong buhay. Napaluha siya. Pinigilan niyang huwag maiyak pero hindi niya kayang pigilan ang luha lalo na at close silang dalawa. Dahan-dahan din naglaho ang katawan ni Reedrick sa hangin at ang tanging naiwan ay ang suot nitong salamin. Masakit ang pusong dinampot niya ito at nilagay sa kaniyang bag iyon. Tiyak na hahanapin sa kaniya ni Perlita ang lalaki at magtataka ito kung bakit hindi niya kasama si Reedrick pero ipapaliwanag niya na lang sa paraan na maiintindihan nito. magpapaliwanag siya oras na makalabas na sila ngayon tapos na ang kanilang misyon ngayon. Nang maalala niya ang efuanti, mabilis siyang napatingin doon. Nawala na ang Krigari pero may nakita siyang malaking itim na kristal na kasinglaki ng kaniyang ulo. Nagdalawang isip siya nung una na lapitan ito hanggang sa makapagpasya siyang lapitan iyon at dinampot ang malaking kristal. Doon niya naisip na ito ang efuanti. Ang efuanti ay pinangalagaan ng Krigari. Nanginginig ang kaniyang kamay habang pinagmamasdan ang efuanti sa kaniyang kamay. Sa sobrang kinang nito, nakikita niya ang kaniyang repleksyon sa bato. Napatingin siya sa paligid, wala siyang makitang lagayan kung saan niya ito dapat ilagay. Muli, napatingin siya sa efuanti at nakita niya sa repleskyon niya roon si Eulalia na nasa kaniyang tabi nakatayo. Mabilis siyang napalingon at nakita niya ang seryusong mukha ni Eulalia. Walang kangiti-ngiti ito na nakatingin sa efuanti na hawak niya. Out of instinct ay inabot niya rito ang efuanti at tinanggap ito ni Eulalia. Saka pa lang ito ngumiti sa kaniya kasabay ng pagbagsak ng luha sa mata nito… Parang sinaksak ang puso ni Percival. May nagtulak sa kaniya na yakapin ito at iyon nga ang kaniyang ginawa. Alam niyang nalulungkot at nasaktan ito sa pagkawala ni Reedrick. Ano ba ang pwede niyang gawin para mawala ang sakit na nakikita niya sa magagandang mata nito ngayon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD