Chapter 36 - Handa Ka Na?

1491 Words
Samantalang si Athena at Magnus ay napanganga naman sa nakita. Hindi nila akalain na may ibubuga rin naman pala ang kaibigan pero alam naman talaga nilang may ibubuga ito. Minsan lang talaga ay napupuno ng kayabangan ni Percival ang paligid pero ugali na talaga ito ng kaibigan nila at dito nila nagustuhan ang binatilyo. Mayabang ito pero lagi silang inuuna nito at maalalahanin ito sa kanila. Minsan nag-aaway sila pero pagkatapos niyon ay okay na sila agad, bati ulit at balik padyak ulit sa kung saan-saan At si Eulalia, nanghihina siya. Dahan-dahan hinihigop ng kapangyarihan ni Barthram ang natitirang lakas niya sa katawan. Napatingin din siya sa kalangitan, malapit na gumabi. Magiging halimaw na naman siya at paniguradong hindi niya makokontrol ang kaniyang katawan. Siya ang kokontrolin ngayon ni Barthram, nararamdaman niya ito. Sana nga hindi siya kokontrolin pero malabo dahil ang may hawak sa kaniyang halimaw na katawan ay si Barthram. Natatakot siyang baka masaktan niya si Percival lalo na at may hinaharap pa itong Krigari. Isa laban sa tatlo? Malabo na makakaligtas si Percvial `pag nagkataon lalo na at hindi na pwedeng gamitin ni Percival ang efuanti para kontrolin ang kaniyang halimaw na anyo. Lihim siyang nanalangin sa langit. Sana dinggin lang ng langit ang kaniyang hiling ngayon. Alam niyang mali ang ginawa niyang pagtugon sa halik nito at ang mahalin ito ay sobrang malaking pagkakamali. Masasaktan lang sila pareho. Isa itong malaking bawal para sa isang tulad niyang guardian ng efuanti. “Tangina! Muntikan ako ulit doon, ah.” Ang lakas ng tawa ni Percival. Paano ba naman kasi, hahatiin sana ng dark lord ang kaniyang katawan sa kapangyarihan na ginamit nito pero napigilan niya ang kamay nito. “Hindi ka normal na tao! Sino ka ba?” Ngumisi siya at tiningnan ito sa mata. Nakakatakot ang kulay ng mata nito pero hindi siya natatakot kay Barthram. Mas takot siya sa Krigari na ang daming ulo at laging nag generate kapag pinuputolan ng ulo. “Hindi mo ako kilala? Si Atmoran, kilala mo ba?” Nagulat ang mata nito sa kaniyang sinabi at napaatras. Nanatili pa rin ang malakas na kapangyarihan nito na hinaharangan ang Krigari para hindi makalapit sa kanila. Nakalarawan sa mata ni Barthram ang sobrang pagkagulat sa kaniyang sinabi. “Ibig mongg sabihin bata ay ikaw, ikaw ang anak niya?!” Naglinya ang kaniyang tingin. “Hindi ako anak niya, tanga! Apo niya ako. anak ako ng kaniyang anak at ang pangalan ng aking Ina ay si Perlita. Ang pangalan naman ng aguelo ko ay si Atmoran. Gulat ka ba?” Nanatili siya sa kaniyang kinatatayuan. Binabnatayan niya ang bawat kilos na gagawin ni Barthram. Alam niyang tuso ito at may gagawin na naman itong baka hindi niya mapaghandaan agad. Matagal siyang tiningnan ni Barthram at siya naman ang nagulat nang tumawa ito ng malakas. Halos masamid ito sa kakatawa na parang baliw. Hindi niya makuha kung ano ang ibig sabihin ng malakas na tawa nito kaya hinayaan niyang matapos ang dark lord na ito. “Kaya pala pamilyar ka sa akin, bata!” Ngumisi ito. “Nagmula ka sa angkan ni Atmoran na siyang ngayon ay wala ng buhay. Buhay nga naman! Mapagbiro talaga. Ngayon, ikaw naman ang nandito. Kung noon natakasan ako ni Atmoran, ngayon pinapangako kung ibabaon kita ng buhay.” Nagkibit siya ng balikat. Hindi siya natatakot sa sinasabi nito. Kung may natitira man takot sa kaniyang katawan ay iyon ang hindi niya maibalik na buhay sa mundo ng tao ang buhay ni Athena at Magnus. “Hindi ako natatakot sa iyo, Barthram kung iyan ang pinupunto mo. Lalabanan kita!” Hinanda niya ang kaniyang katawan para sa labanan na mangyayari. Oo, wala siyang kaalam-alam kung paano gamitin itong kapangyarihan niya at kung kakasa ba ito sa itim na kapangyarihan ni Barthram pero pipilitin niya na manalo ngayon araw. Hindi siya pwedeng sumuko ngayon! Tumawa ito at bigla siyang napatalon ulit nang batuhin siya nito ng isang klaseng kapangyarihan. Nakaiwas siya sa binato nito pero hindi niya naiwasan ang panibagong binato nito at natamaan siya sa gilid ng kaniyang tiyan. Puta! Gusto niyang magmura pero sobrang sakit niyon na halos hindi niya magawang ibuka ang bibig sa sobrang sakit. taena talaga! Napaubo siya ng dugo. Napaluhod din siya. Muli, umecho ang malakas na boses ni Barthram sa buong paligid. Ang lakas ng halakhak nito nang makitang nasasaktan siya. Mabilis naman niyang pinunasan ang kaniyang bibig na umubo lang naman ng dugo. Hindi naman masakit. Hindi naman masakit kaya siya napaubo. Gusto niya tuloy matawa sa sakit na natamo. Nag-ipon siya ng lakas para tumayo. Napahawak siya sa gilid ng kaniyang tiyan at nakita niya roon na dumugo iyon. Dinama niya ang tiyan niya at nakita ang dugong nagkalat sa kaniyang kamay. “Handa ka na ba mamatay sa kamay ko? lulubayan kita kung ibibigay mo sa akin iyang efuanti.” “Hindi ko ibibigay sa iyo ito kung iyan ang iniisip mo.” tumigas ang anyo niya. Kahit na pilitin pa siya nito, hinding-hindi niya ibibigay ang efuanti. Magkakamatayan muna silang dalawa bago nito makuha ang efuanti. “Kung gano’n, wala na akong magagawa kundi ang patayin ka!” “Opss!” Nasangga niya ang ginawa nitong pag-atake. Nasa harapan niya na ito at nasangga niya ang kamay nito na akmang sasaksak sa kaniyang tiyan. Mabilis niyang binali ang kamay nito at tinapon ito sa malayo! Ang lakas ng cheer ni Magnus sa kaniya kahit hirap na hirap ito sa kinalalagyan ngayon. Huminga siya ng malalim at mabilis na inipon ang enerhiya sa kaniyang kamay at gumanti kay Barthram! Pero nasangga nito ang enerhiyang tinapon niya. Pormang kidlat iyon pero nasangga nito. Ngumisi siya, inasahan niya ng sasanggain na nito iyon pero hindi nito inasahan ang pagbato niya ng panibagong kidlat at natamaan ito sa balikat. Huli na para masangga ng kapangyarihan nito iyon. Tumilapon ito ulit sa ibaba. Kung inaakala nito ay magpapatalo siya agad. Nagkakamali ito! “Ay puta!” Napasigaw siya nang muntikan kainin ng Krigari ang kaniyang ulo. Nasira ng krigari ang harang na nilagay ni Barthram at tulad kanina, agresibo itong patayin siya! Sumentro ang kaniyang tingin sa gitna ng Krigari, kailangan niyang mailagay ang efuanti sa gitna ng katawan nito at habang umiiwas siya ngayon sa bawat tira nito, palihim naman niyang pinag-aralan ang bawat galaw ng tira na ginawa ng Krigari. Doon niya lang napansin na may ritmo ang bawat tira ng halimaw sa kaniya. Una ay ang pang-apat at pang-anima na ulo sa pagbuga ng apoy. Pagkatapos niyon ay susunod ang unang ulo at pangatlo sa pagbuga ng bakal patama sa kaniya. kasunod niyon ay sabay-sabay na ang iba pang ulo sa pagtira sa kaniya para kainin siya. Sabay-sabay ang mga ito at aaminin ni Percival na mabilis ang kilos ng mga ito. Punterya ng mga ito ay ang kaniyang ulo! Pero dahil sa enerhiyang nanahay sa kaniyang katawan, nakaya niyang iwasan bawat tira ng mga ito. May mga chances lang na muntikan siyang natatamaan pero mabilis niyang naiilagan ang mga iyon. Kayabangan man sabihin pero napapansin niyang sobrang hina ng bawat galaw ng Krigari, sobrang slow ng bawat tira nito. Para itong naka-slow motion na sa sobrang slow, aantukin na yata siya. Puta! Natawa siya. Nakuha niya na kung paano ito talunin na hindi puputulin ang ulo nito at paano ibalik ang efuanti sa gitna ng katawan nito. Kuha niya na! Mabilis siyang tumalon papunta sa gitna ng katawan nito para ibalik ang efuanti pero mabilis siyang napigilan ni Barthram! Tumilapon siya sa isang tabi na dahilan para bumagsak siya ulit at nabitawan ang efuanti na hawak niya. Tumilapon ito sa malayo! Tangina! Mabilis siyang tumakbo para mapigilan si Barthram na kunin ang bato. Okay na sana eh, maibabalik niya na ang efuanti sa pusod ng Asticus kung hindi pakialamera itong si Barthram. “Hindi kita papayagan na maibalik sa pusod ng Asticus ang efuanti, bata! Kung inakala mong maibabalik mo ang efuanti sa lagayan nito at maibalik ang balanse sa mundo na ito, nagkakamali ka bata!” ngumisi na parang demonyo si Barthram at akmang pupulutin ang itim na kristal pero naunahan niya iyon. Mabilis niyang nakuha ang bato! Galit na napasigaw ito at sinakal siya nito pero napangisi lang siya. Kahit na sakalin pa siya nito nang sakalin, hindi niya ibibigay ang bato! Inipon niya ang lahat ng enerhiya sa kaniyang kamay. Mas malakas sa una na kaniyang binigay rito nung una. Tatlong enerhiya ang binigay niya rito. Apoy, kidlat at tubig! Napasigaw ito sa sakit at nabitawan siya. May bahagi ng katawan nito ang nasugatan at nagdurugo iyon! lihim siyang napangisi. Tatalunin niya muna si Barthram pero sa sitwasyon ng kaniyang mga kasamahan ngayon na naghihingalo na ay labis na nagpaalala sa puso ni Percival. Kailangan na kailangan niyang harapin muna ang Krigari dahil nakasalalay ang buhay ng mga kaibigan niya. Hindi niya hahayaan na mamatay ang mga ito lalo na si Eulalia na halos wala ng buhay ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD