Bigla niyang natakip ang kamay sa teynga nang humiyaw ng malakas ang Krigari. Putang ina naman, oo! Napakahirap pala nitong pinagawa ng Lolo niya. Ano ba ang dapat gawin niya ngayon? Nanghiram lang siya saglit ng oras para makapag-isip ng kung anong gagawin niyang kasunod.
Sandali niyang pinikit ang kaniyang mata at inalala ang matandang aguelo. Naalala niyang kinwento ito ng kaniyang aguelo noon bago ito namatay noon. Kinalma niya ang sarili. Iisipin niya ang nakaraan...
“Lolo may tanong ako ulit! Lolo! Lolo!” Hyper na tanong ni Percival sa aguelo. Nasa hapag-kainan sila habang nagluluto ang kaniyang Ina ng pagkain sa kusina. Naghihintay sila ng pagkain na ihahain sa mesa.
“Ano ba iyon Percival at hindi ka makapaghintay na kumain muna tayo, ha, apo?”
Ang laki naman ng kaniyang ngiti. Mahal na mahal niya talaga ang Lolo niya at mas mahal niya yata ito keysa sa kaniyang Mama at Papa. “Lolo, nasabi mo sa akin kagabi bago ako nakatulog na nagpunta silang magkakaibigan sa pusoy ng Aso—”
“Pusod ng Asticus.” Pagtatama ng kaniyang aguelo sabay tawa. Ginulo ang kaniyang buhok at nilabas nito ang itim na kristal. “Nagpunta sila sa pusod ng Asticus para ibalik ang efuanti.”
“Efuanti? Ano po iyon, Lolo?” Nanlalaking mata na tanong niya. Hawak-hawak niya ang kutsara at tinidor sa magkabilang kamay. naghihintay sa kasunod na sasabihin nito. paminsan-minsan lang kasi nagkikwentuhan ng aguelo niya kapag naiisip niya lang o kapag gusto niya magpakwento rito ng kung anu-ano.
“Ito ang efuanti, apo. Balang-araw ay ibibigay ko rin ito sa iyo para ikaw ang mangalaga nito at magdala pabalik sa mundo ng Asticus.”
Kumislap naman ang kaniyang mata. Dahil na rin sa bata siya at napaniwala siya ng kaniyang aguelo na totoo ang sinabi nitong efuanti. “May kapangyarihan ba iyan `Lo?”
“Mayroon pero hindi pwede mo ito gamitin sa kahit anong klaseng okasyon. Ang efuanti ay magsisilbing gabay at balanse lang sa Asitucus.”
Napakamot siya sa kaniyang ulo. Hindi niya makuha kung ano ang pinagsasabi ng matanda. Basta ang gusto lang niya ay matapos ang kwento nito bago sila kumain.
“Pero Lolo, magkwento ka na po. Magkwento ka na Lolo at gusto ko makinig. Anong ginawa nila `Lo? Naibalik ba nila ang efuanti?”
Ngumiti ang matanda at tumango. “Oo, apo. Naibalik nila ito sa pusod ng Asticus. Natalo nila si Barthram at nakabalik sila sa mundo ng tao matapos nilang maibalik sa tamang lagayan ang efuanti.”
“Wow!” manghang sabi niya. Ang galing-galing talaga magkwento ng Lolo niya kaya idol na idol niya ito. “Tapos ‘Lo, anong kasunod niyon po?”
“Hay ikaw talagang bata ka. Pinapakwento mo na naman ang Lolo mo.” Natatawang saad ng kaniyang Ina nang pumasok ito at may dalang nilutong ulam na paborito niya! Adobo at sinigang!
“Wow!”
“Paborito mo ito anak, actually paborito niyo ng Lolo mo.” nakangiting saad ng kaniyang Ina.
Ang laki ng kaniyang ngiti at panay chant ng adobo at sinigang. Hindi na siya makapaghintay na kumain at ubusin lahat iyon habang ang kaniyang aguelo ay natatawa na lamang na nakatingin sa kaniya.
“Percival!!!”
Biglang nagmulat ng mata si Percival nang marinig niya ang malakas na tumawag sa kaniyang pangalan. Eksaktong pagmulat niya ng mata ay ang pagtama ng malaking apoy sa kaniya. Mabuti na lang at mabilis ang reflex ng kaniyang katawan kaya mabilis siyang nakailag at nakatalon.
Ang lakas ng t***k ng kaniyang dibdib. Ang Krigari ang may gawa niyon at napansin niyang sa kaniya nakatingin ang isang ulo. Nanlilisik ang mata nito at mas lalo itong naging agresibo para patayin siya nung nakailag siya.
“Mag-iingat ka Percival! Oras na matamaan ka ng apoy ng Krigari, buto mo na lang ang matitira.” Puno ng pag-alalang saad ni Eulalia. Hirap na hirap ito sa kinalalagyan pero nagsumikap pa rin itong magsalita at magbigay ng warning sa kaniya. Walang silbi ang kapangyarihan nitong tubig para takasan ang itim na kapangyarihan ni Barthram.
“Okay ka lang ba Eulalia?”
“Huwag mo na akong pansinin Percival! Ang Krigari ang bigyan mo ng pansin. Kailangan mo mailagay sa pusod ng Asticus ang efuanti.”
Tumango siya. tatapusin niya ang misyon na ito at tatalunin si Barthram. Dalawa na ang kailangan niyang asikasuhin ngayon at ang pinakamahirap pa ay parehong malalakas ang mga kaaway niya.
“Puta!” Napailag siya ulit nang muli siyang bugahan ng apoy nung dragon. Ang napansin lang ni Percival sa kaniyang sarili ay mabilis ang reflex ng kaniyang katawan at mabilis din siyang tumalon.
Napansin niyang parang nagsisilabasan ang ugat sa kaniyang kamay. ito na ba ang kapangyarihan na sinasabi ng kaniyang aguelo?
“Percival sa kanan mo!”
Mabilis siyang nakaiwas nang may bumugang apoy sa kaniya mula sa kanan. Tanginang mga dragon na ito! “Eulalia, pwede ko bang putulin ang ulo ng mga ito?”
“Kahit paulit-ulit po pa itong putulin, Percival, wala rin saysay. Kusa itong tumutubo at kaya ito pinangalanang Krigari.”
Napangiwi siya sa narinig. So, nag-generate pala ang halimaw na ito? Ang buong akala niya, hindi talaga nag-exist sa totoong buhay ang mga dragon pero heto at sinampal siya ng Krigari. Wala naman kasing sinabi ang hinayupak na si Reedrick na ito, eh. Pati rin ang kaniyang baby Eulalia, wala rin sinabi. `Eh di sana madali na lang sana ito dahil sisikapin niya kung paano mapadali.
Para itong long quiz sa classroom nila. Impromtu at agaran long quiz agad sa isang one whole sheet at dapat isang oras lang ay tapos na siya dahil kung hindi, bagsak ang kaniyang grade. Tangina naman talaga, oo.
Napatingin siya kay Barthram. May lumabas na ibang plano sa kaniyang isip. Pwede niyang gamitin ang kapangyarihan nito panlaban sa Krigari.
“Barthram!”
Napatingin ito sa kaniya. Lumarawan ang galit sa mukha nito nang itaas niya ulit ang efuanti.
“Kunin mo ang efuanti na ito sa `kin!” Sa sinabing iyon, bigla siyang tumakbo pasugod sa Krigari habang sumunod sa kaniya si Barthram.
Gusto siya nitong huliin gamit ng kapangyarihan nito pero hindi nito magawa dahil ang ulo ng dragon ang natatamaan. Alam niyang sandwich ang magiging kinalabasan niya nito pero dahil naging maliksi na ang kaniyang galaw at mabilis na rin ang kilos niya, naiiwasan niya ang ulo ng dragon.
Ang dapat niya lang gawin ay makalapit sa gitna ng katawan nito kung saan nakikita niya ang isang bilog na kulay pula at buhay na buhay ito. minsan nga ay kumikinang pa sa sobrang pula.
“Puta!” napamura siya sa sakit nang mahagip ni Barthram ang kaniyang paa nung tumalon siya. Dahilan para mawalan siya ng balanse at bumagsak siya sa sahig. Doon niya lang rin tuluyan naisip na wala ng alagad si Barthram.
Ang naiwan na lamang ay siya, at ito kaharap ang Krigari ngayon. hindi siya nag-alala sa mga kaibigan niya dahil secured ang kinalalagyan ng mga ito at ngayon ay nakamasid ang mga ito ngayon sa kaniya.
“Akala mo makakalayo ka?” tumatawang saad ni Barthram at lumapit ito sa kaniya.
Napatanga naman si Percival nang makitang sinasagga ni Barthram ang bawat tira ng mga Krigari habang sa kaniya nakatingin ito. Hinaharangan ng itim na kapangyarihan nito ang bawat atake na ginawa ng dragon.
Mas lalong nagwala ang Krigari nang makitang hindi nito napapatay si Barthram. Tangina talaga! Mali yata ang kaniyang plano. Pero hindi, hindi siya dito papayag na makuha nito agad ang efuanti lalo na nung nakita niyang nagsilabasan ang itim na ugat sa kaniyang mga kamay.
Eksaktong pagbangon niya ay nasa harapan niya na si Barhtram at itinaas siya nito sa ere gamit lang ang kapangyarihan nito pero imbes na masaktan, napangisi lang siya dahil nung akmang kukunin ng kapangyarihan nito ang kwentas na suot niya, pinigilan ito ng kaniyang kamay.
Lahat nagulat sa kaniyang ginawa pati rin siya ay nagulat na nakaya niyang pigilan ang kapangyarihan nito. kung ang kapangyarihan ng dark lord na kaharap niya, sa kaniya ay pula!
Cool!
Nabitawan siya nito at walang kahirap-hirap na tumalon siya sa ibaba. Napapa-wow siya ng tingnan niya ang kaniyang kamay na may pulang enerhiya roon na nakapalibot.
“Papaano?!” gulat na tanong ni Barthram sa kaniya. Ginamit nito ulit ang kapangyarihan sa kaniya pero hindi ito gumana dahil parang may invisible barrier na nakapalibot sa kaniya.
Samantalang si Reedrick ay hindi makapaniwala sa nakita pero sa kabilang bahahi ng kaniyang isip ay masaya siya na tuluyang lumabas ang kapangyarihan ng lalaki. Hindi nga nagkamali si Atmoran na kay Percival hinabilin nito ang efuanti. Alam nito na kaya nitong protektahan ang efuanti kahit anong mangyari.
Aaminin ni Reedrick na mas malakas ang kapangyarihan ni Percival keysa sa kanila ni Eulalia. Dahil ang totoo, kaya nitong tawagin ang apoy, tubig, kidlat at hangin. Kaya nitong kontrolin ang kapangyarihan na iyon sa iisang gamitan lang kapag alam na nito paano gamitin ang gano’n kapangyarihan.
Kaya nitong talunin si Barthram at ang Krigari basta tamang gamit lang sa kapangyarihan na pinagkaloob ng langit dito. Ang nakikita niya kasi kay Percival ay kayabangan minsan na siyang maglalagay nito sa panganib.
Pero alam niyang matatalo ito ng kaibigan. Dahil kung hindi, handa siyang isakrapisyo ang buhay niya para sa lalaki. ganito niya ito kamahal bilang isang kaibigan na kahit pagmamahal niya kay Athena kaya niyang isakrapisyo para sa kay Percival/