Chapter 34 - Mundo ng Tao

1574 Words
“Puta!” Ano ang dapat niyang gawin? Ang tumalikod at kalimutan ang lahat ng nakaraan? Charr puta! Kailangan niyang magseryuso ngayon. Nanganganib ang buhay ng kaniyang mga kasamahan ngayon lalo na nag buhay ng kaniyang babaeng mahal. “Ano, bata! Magdesisyon ka!” Huminga siya ng malalim. Mariin niyang kinuyom ang kaniyang kamay lalo na at napapasigaw sa sakit ang dalawa niyang kaibigan na si Magnus at Athena. Tangina! Tangina. Wala siyang panahon pa para mag-isip! “P-percival… H-huwag kang… Maniwala sa kaniya. Tu-tumakbo ka na Percival! Iligtas mo ang sarili at ang efuanti!” nahihirapan sigaw sa kaniya ni Reedrick. Ang lakas naman ng halakhak ni Barthram at nang mga alagad nitong hindi niya kayang pagmasdan ang mga mukha sa sobrang pangit. Siya lang talaga ang gwapo, hayss. “Hindi naman pwede na iwanan ko kayo rito kay Barthram! Nasa akin ang efuanti, at ito ang gusto niya ‘di ba?” Tinaas niya ang kwentas kung saan nakatago ang batong iyon sa isang tela. Nasa leeg niya pa rin ito, hindi niya ito tinanggal. Dahan-dahan din siyang humakbang paatras. Ilang hakbang na lang at nasa itaas na siya. May iba siyang plano! Kaya dapat mahulog ito sa kaniyang patibong din. Kung isa itong panginoon ng mga halimaw at demonyo, may ipapaharap din siya kay Barthram! Ang Krigari! “Ano bata! Ibigay mo na!” “Matuto kang maghintay, Barthram! Atat na atat ka ah. Nagmamadali ka bang gunawin ang mundong ito, tangina mo?” Asik niya rito pero patuloy siyang humahakbang paatras. Ang lakas naman ng halakhak nito habang ganoon din ang mga alagad nito. Tuwang-tuwa sa kaniyang tanong. May sayad nga talaga itong si Barthram, eh. “Bago ko ibigay sa `yo ang efuanti, sabihin mo muna sa `kin kung bakit atat na atat kang makuha ang itim na kristal na ito? Anong meron sa efuanti? Tutal, ibibigay ko rin naman sa iyo ito, magkwento ka muna. Ano ang meron at bakit?” Napangisi si Percival. Nahulog sa patibong niya si Barhtram. Nakita niya ang mata nitong kumislap na parang isang batang tinanong ng kalaro nito na maglaro at ito ang taya. Minsan, mabilis lang din dayain ang mga kaaway. Hahanapin lang ang kahinaan nito at doon aatakehin. Nang sa ganoon paraan, makakatakas sila. Makakatakas nga ba talaga sila? May barthram na hangad ay efuanti, at may Krigari pa na nagbabantay sa lagayan ng efuanti. Tangina naman oo! “Sige pagbibigyan kita bata dahil mukhang iyan na yata ang kahuli-hulihang mahihiling mo habang hawak mo pa ang efuanti na iyan.” Ngumisi rin ito. Tumango lang siya at nagkibit ng balikat. Lihim niyang dinasal na sana gumana itong nasa isip niya at ayaw niyang mamatay sila roon sa mundong ito. Gusto pa niyang balikan ang mundong nakagisnan at ang Inang si Perlita. Alam niya na kung bakit kailangan nito ang efuanti, naikwento na ito nung matanda at hindi naman siya tanga. Gusto niya lang magkwento si Barthram habang gumagana ang kaniyang plano. “Noon pa man, gusto ko ng maangkin ang efuanti. Ang itim na kristal na pinapangalagaan ng dalawang anghel na ito!” At biglang pinilipit nito si Eulalia at Reedrick. Napahinto naman siya at akmang susugod para lang maisip na wala siyang kapangyarihan para gawin iyon at isa pa, masisira ang kaniyang plano. Kapit lang muna Eulalia… Reedrick… “Kailangan ko ang efuanti dahil ito ang kahuli-hulihang sangkap para makompleto ko ang anim na kristal na hawak ko ngayon na siyang pinagmulan ng aking kapangyarihan. Kapag nasa akin na ang efuanti, mas lalo akong lalakas. Mas magagawa ko ng angkinin ang mundong ito ng walang kahirap-hirap at lahat ng mga natitirang Asticians ay gagawin kong halimaw at demonyo. Hindi lang iyan, lahat ay gagawin ko rin alipin na habang-buhay akong sasambahin. Pagkatapos niyon, kapag ako ay nagsawa na sa mundong ito, bubuksan ko ang lagusan mula sa mundong ito papunta sa mundong pinagmulan mo: ang mundo ng mga tao at doon ako maghahasik ng panibagong lagim. Ang nagpapatigil lang sa akin na gawin ang bagay na iyon ay sapagkat wala sa akin ang efuanti, ang huling bato.” Napakuyom ng kamao si Percival sa narinig. Hindi niya papayagan ang plano nitong pagpunta sa mundo ng mga tao at doon maghasik ng lagim! Nang kasamaan! Hinding-hindi niya ito pahihintulutan mangyari dahil ngayon pa lang, pipigilan niya ito. Konting tiis na lang. Hinihintay niyang lumabas ang Krigari. Mas mabuti ng sa kaaway at kaaway ang maglalabanan ngayon. “Bakit mundo ng tao?” “Dahil ang mundo niyo ay walang kwenta. Matagal ko na sana itong dapat sinira at nilagay sa aking itim na kapangyarihan bata. Ang mundo ng mga tao ay isang walang kwentang takbuhan ng mga anghel na katulad ni Atmoran! Panahon nga naman at tadhana, bumalik din mismo sa akin ang batong itim at sa ayaw at sa gusto mo bata, ibibigay mo sa akin ito. Kailangan mo itong ibigay kung ayaw mong makita ang totoong anyo ko kapag ako ang nagagalit.” “Paano mo nasasabing walang kwenta ang mundong pinanggalingan ko? Napuntahan mo na ba ito?” “Hindi pero doon ang aking destinasyon pagkatapos kong sirain itong Asticus.” Lihim siyang napangisi. Sige, magsalita lang ito nang magsalita hanggang sa maubos ang laway nito. Nasa dulo na siya ng hagdanan at ngayon pa lang, dama na ni Percival ang kakaibang init ng paligid. Naghalo ito. Init at lamig na hindi niya alam kung ano ang unang maramdaman. Basta ang alam niya ay nagsitayuan ang kaniyang mga balahibo! Mayamaya pa ay isang nakakabinging hiyaw ang narinig niya. Uminog din ang paligid dahilan para matumba si Percival at nahulog ang ilan sa mga halimaw at demons sa tubig. Nagulat siya nang makitang nangisay ang mga halimaw at demonyo nang bumagsak ang ilan sa tubig. Puta! Kung naisip niya ito kanina, pinaghuhulog na lang niya ang ilan sa mga ito pero paano nga ba naman niya gagawin din iyon, eh, wala siyang kapangyarihan. Kung meron man, ayaw naman lumabas. “Ang Krigari!!!” Malakas na sigaw ni Eulalia at Reedrick ang narinig ni Percival kaya napalingon siya sa sinasabi nitong halimaw. Ganoon na lang ang paglaki ng mata niya nang makitang hindi basta-bastang halimaw ang kaniyang nakikita ngayon! Kung gaano katakot ang naramdaman nila noon sa Lamhua, mas iba ngayon. mas malaking halimaw ito at halos heganti itong tingnan. Para itong dragon! Teka puta, isa ngang dragon?! Napaatras siya. Tangina! Napatingin siya kay Barthram, nakita niya sa mata nito ang galak at saya nang lumitaw ang Krigari. Para itong nakakita ng isang kaaway na nararapat sa kapangyarihan nito. “Ngayon ko lang ulit nakita ang Krigari na ito. Ang halimaw na nagbabantay sa pusod ng Asticus pero katulad ng kay Eulalia, papatayin ko rin ito. Mga alagad ko! Sugurin niyo ang Krigari!” Mabilis siyang tumakbo papunta sa isang tabi habang sumugod naman ang mga alagad at demonyo ni Barthram sa Krigari na isang itim na dragon na ngayon ay naging dalawa ang ulo. Hindi lang dalawa, ang dalawang ulo nito ay naging apat, naging anim at hanggang sampu! Tanginaaaa! Gusto niyang magmura! Paano iyon? Akala niya talaga napakabilis matapos nitong misyon niya sa mundong ito. Pero kahit papaano, hindi siya nag-aalala sa buhay ng kaniyang mga kaibigan at kay Eulalia. Nasa ere ang mga ito at nakagapos sa itim na kapangyarihan. Sapat na para hindi siya kabahan na madamay ang mga ito sa galit ng isang Krigari. Napaupo siya sa isang tabi habang pinagmamasdan ang mga halimaw at demons na walang kahirap-hirap na pinagpapatay ng Krigari. Kung hindi pa niya naisip ang buhay ng mga kaibigan niya at nang babaeng mahal niya, hindi niya maalala ang efuanti na kailangan niyang ibalik sa lagayan nito. “Percival! Ang pusod ng Asticus ay nasa gitna mismo ng katawan ng Krigari. Doon, doon mo ilagay ang efuanti.” “Ano?!” Hindi niya mapigilan mapanganga sa sobrang gulat. Anong katangahan ang pinagsasabi ni Eulalia! Tangina talaga! Hindi niya talaga akalain na mas mahirap pa pala harapin itong Krigari kesa kay Barthram. Puta! Pero kahit gusto niyang magmura nang paulit-ulit, hind niya magawa. Tiningnan niya nang maigi ang Krigari na halimaw. Nakita nga niya ang katawan nito ay may isang malaking bilog sa gitna. Napatingin siya sa efuanti na hawak niya, tama, mukhang doon dapat niya ilagay ang bato. Pero paano niya gagawin iyon? Isang hakbang niya lang papalapit dito ay tanggal ulo na siya. mantakin ba niyang naging sampu ang ulo nito at hindi lang basta-bastang itim na dragon ang nasa harapan niya. Tangina! Ang lakas ng kapangyarihan nito, nararamdaman niya. Muli, humiyaw ang dragon nang kagatin ng isang halimaw ang ulo nito. pero bago pa tuluyan makagat ang isang ulo, pinagtutulugan na ang kawawang halimaw ng iba pang dragon at kinain iyon. “Hindi ko akalain na ganito kalakas ang kapangyarihan ng Krigari na ito.” Muling humalakhak si Barthram. Halatang nakalimutan na nasa kaniya ang efuanti na kailangan nito. masyado itong natuwa sa malaking halimaw na nasa harapan nito. “Gusto ko ang halimaw na ito!” gumuhit ng kidlat at kulog sa langit nang sabihin ito ni Barthram. “Sumugod kayo ulit!” Muli nitong inutusana ang mga alagad nito at nagkaniya-kaniya ang mga ito sa pagsugod sa Krigari pero tulad nung una, walang binatbat ang mga ito. Para lang mga langgan ang mga ito na inapakan ng Krigari. Hindi lang iyon, pinagbubunot ng dragon ang mga ulo ng mga ito at pinagkakain ang mga katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD