Chapter 33 - Efuanti

1566 Words
“Napapansin kong hindi ka masyadong fan ng tubig. Tama ba?” sunod na tanong ni Athena. Tumango lang si Reedrick at nahihiyang ngumiti. Hindi na ito muling nagsalita pa. nagkibit na lamang siya ng balikat at hindi na pinakinggan ang pinag-uusapan ng mga ito. Nagkasya na lamang si Percival sa pagmamasid sa mga malalaking coi fish na masayang lumalangoy sa ilalim ng tubig. “Tangina! Percival, ilan pa ang bar ng cellphone mo?” Kinuha niya ang iPhone sa bag at inabot ito kay Magnus na hyper na hyper na lumapit sa kaniya. Parehas lang naman sila ng kaniyang kaibigan, sadyang hindi pa niya oras na maging baliw. Nauna lang sandali si Magnus maging baliw sa kaniya ngayon. “Okay pa ito, nasa 23 percent. Ako muna gumamit nito, ha, Percival? Smile ka nga.” Napilitan naman siyang ngumiti nang iharap nito sa kaniya ang camera. Bwesit talaga ‘tong si Magnus. Hindi pa siya nakagwapo pose nang iharap nito sa kaniya ang camera. Hinayaan na lang niya ang kaibigan sa kabaliwan nito ngayon. Nakatingin siya ngayon kay Eulalia na tahimik na naglalakad sa unahan. Hindi man lang ito lumilingon sa kaniya para kahit papaano mag eye contact silang dalawa ba at maiparating dito na seryuso siya at hindi nagbibiro! “Hinto.” Natigilan sila nang sabihin ni Eulalia ito. Ano na naman ba? Hihinto na naman sila. Tumingin siya sa unahan at pinagmasdan kung ano ang nakikita nito. Isa itong malaking spiral na hagdanan at kulay ginto ang bawat hawakan. Sa itaas ay mga nagkikislapan diyamante at iba’t ibang klaseng mga kristal! “Ang ganda!” Sabay kuha ng larawan ni Magnus. “Nandito na tayo.” Saad ni Eulalia sa kanila. “Okay, ano ang gagawin natin ngayon? saan ang pusod ng Asticus para maibalik na natin itong kristal?” “Nasa dulo ng hagdanan na iyan. Nasa gitna ng palasyong diyamante.” “Tayo na. Para bumalik na sa normal ang lahat at para makabalik na rin kami.” Bumuntong-hinga si Eulalia at humarap sa kanila. “Ngayon pa lang, gusto kong magpasalamat sa inyo… Pero hindi pa rito nagtatapos ang lahat. Bago tayo makakapasok sa loob kung saan nakalagay ang balanse ng Asticus, may isang malaking halimaw na nakabantay roon. Mas malaki sa halimaw ko na porma. Isang halimaw ang nakabantay roon na kahit ako, hindi ko ito macontrol maliban sa maibalik ang efuanti sa tamang lagayan niya.” “H-halimaw?” nagulat silang tatlo. Walang sinabi si Reedrick sa halimaw! “Anong klaseng halimaw? Mas malaki ba sa iyo iyon?” Siya ang nagtanong sa babae. Tumingin naman ito sa kaniya at tumango. “Mas malaki at mas malakas sa `kin na halimaw. Wala itong pinipili at kung sino ang magtatangkang lumapit sa pusod ng Asticus, pinapatay nito.” Nakaramdam siya ng takot sa nalaman. Pero hindi naman pwede na umatras pa sila ngayon nandito na sila para maibalik ang balanse ng Asticus. Bahala na! “I’m in. Para matapos na ito at makabalik na tayo sa dati nating buhay.” Kaagad naman na sumangayon si Athena at Magnus. “Sige, tayo na.” Naunang humakbang si Eulalia sa hagdanan nang maramdaman ni Percival ang isang maalinsangan na hangin na humampas sa kaniyang balat. Si Barthram! Sabay silang napalingon sa kanilang likuran at kitang-kita nila ang paparating na si Barthram at ang mga alagad nito! “Takbo!” Malakas na sigaw ni Magnus at gano’n ang kanilang ginawa. Mabilis silang tumabo papunta sa malaking hagdanan. Puta! Gusto niyang magmura. Sino ba naman kasi ang may sabi kay Eulalia na dapat hagdanan itong tatakbuhan nila ngayon? “Habulin sila!” nangangalaiting sigaw ni Barthram sa mga alagad nitong demonyo at halimaw. Habang si Percival ay pinilit niya ang kaniyang kamay na may lumabas doon na kapangyarihan o mahika sa palad niya pero wala. Gusto niyang tulungan si Eulalia at Reedrick na humarap sa mga halimaw gamit ang kapangyarihan ng dalawa para hindi makalapit sa kaniya. “Tangina! Ako ba ang punterya nila?” “Ikaw nga Percival Pierce! Mauna kang tumakbo sa itaas.” Mabilis na sagot sa kaniya ni Reedrick. Nagsisibagsakan sa ibaba ang ibang halimaw at demons na gumagapang at lumilipad dahil apoy ang tinatama ni Reedrick sa mga ito. Habang yelo ang ginamit ni Eulalia. “s**t!” napamura siya. Ilang beses niyang winakli ang kaniyang kamaysa hangin pero walang lumalabas doon. Heto na nga at hinahabol siya ni Barthram pero hindi ito basta-basta nakakalapit sa kaniya dahil binabato ito ng kapangyarihan ni Eulalia at Reedrick. “Naloko mo ako bata! Naloko mo ako at malaking kabayaran ang gagawin mo ngayon sa `kin.” umigkas ang kamay nito at hindi naharangan ng kapangyarihan ni Eulalia at Reedrick ang tumamang itim na kapangyarihan sa kaniya. Kung hindi nakaiwas si Percival, nahagip ng itim na kapangyarihan ni Barthram ang kaniyang paa. Napatingin siya sa binagsakan ng kapangyarihan nito, naging itim ang bahagi ng hagdanan na tinamaan. Tangina! Naiinis siyang umakyat sa isang baitang. Bakit kasi nasa hagdanan sila ngayon? Ang hirap naman lumugar at tumakbo para makapagtago agad. “Percival! Okay ka lang?” mabilis na tanong ni Athena at Magnus, nakalarawan sa mukha ng mga ito ang malaking takot para sa sariling buhay. Tama, may dalawa siyang kaibigan na dapat niyang protektahan. Isama pa si Reedrick at Eulalia, na nahihirapan sa pagpoprotekta sa kanila. Siya nga dapat ang poprotekta sa mga ito pero heto siya pa ang pinoprotektahan. Tangina talaga! Habang si Eulalia at dalawang kamay na ang kaniyang ginamit. Ginawa niyang yelo ang mga halimaw at sa loob ng yelo, natutunaw ang mga ito sa loob dahil may isang uri ito ng chemical na magpapatunaw ng kahit sino kahit demonyo. Sumikdo ang kaniyang puso nang makitang muntikan matamaan si Percival kung hindi ito nakaiwas agad. Kailangan nilang matalo si Barthram ngayon pero paano nga pala? Kahit kapangyarihan nila ni Reedrick ay hindi sapat para matalo nila ang dark lord na ito. Malakas si Barthram! Dahil kung hindi ito malakas, dapat natalo na nila ito noon nung buhay pa si Atmoran. Hindi nila kayang talunin ang makapangyarihan ng panginoon na ito. Iyon ang totoo! Matatalo lang nila ito kung maibalik ni Percival ang efuanti sa tamang lagayan nito. iyon lang ang tanging paraan! “Percival! Kami na ang bahala ni Reedrick kay Barhtram! Pilitin mong tumakbo sa itaas at hanapin ang lagayan ng efuanti! Iyan lang ang pwedeng makakapagpatigil kay Barthram at nang mga alagad niya.” “Sige!” Hinarap nila ulit ni Reedrick si Barthram at ang mga alagad nito pero hindi nila kaya. Nauubos ang lakas niya pati ang kaniyang tubig, kinokontrol nito ang tubig niya sa isang kamay nito na parang wala lang. “Tingin niyo ay kaya niyo akong tigilan? Ibigay niyo sa akin ang efuanti at baka hahayaan ko kayong mabuhay.” “Hindi namin ibibigay sa `yo ang itim na kristal!” malakas na sigaw ni Reedrick at inatake ng kapangyarihan nito si Barthram pero tulad ng nangyari, nasangga ng kaaway nila ang kapangyarihan nito. Habang ang mga halimaw at demons ay nasa likuran ni Barthram na parang naghihintay ng utos ng panginoon nito. Matatalo sila! Ito ang nakikita niya para sa kanila ngayon. kung maibalik agad ni Percival ang efuanti, baka sakaling maligtas ang buhay nila ngayon. Pero 50/50 ang chance na iyon dahil may isa pang Krigari na halimaw ang nakabantay roon sa paligid ng efuanti at ang sino ang magtatangkang lumapit ay tiyak na kaparusahan ang mangyayari. “Reed!” napatingin siya kay Reedrick na napaluhod sa sakit. ginugupo ito sa itim na kapangyarihan ni Barhtram. Samantalang si Percival ay natigilan sa nakita. Ang kaibigan niyang si Reedrick ay napaluhod sa sakit na naramdaman. Bigla siyang napatigil sa pagtakbo. Hindi pwede na wala siyang gagawin ngayon kung gusto niyang mabuhay ang kaniyang mga kaibigan. Dapat niyang seryusuhin ang kapangyarihan kung meron man siya. “Tangina! Lumabas ka. Lumabas ka!” winagayway niya sa ere ang kaniyang kamay pero tulad nung una, wala pa rin lumalabas doon kahit isang guhit na kapangyarihan. Hindi naman pwede na ang itim na efuanti ang kaniyang gagamitin para lang matalo ang mga alagad ni Barthram. “Argh!” “Eulalia!” Tangina! Gusto niyang magwala nang tumaas sa ere ang katawan ni Eulalia gamit ang itim na kapangyarihan ni Barthram. Hindi lang iyon, pati rin si Reedrick, Magnus at Athena. Namimilipit sa sakit ang mga ito na parang may nakatali sa katawan na isang itim na lubid. Napapasigaw ang mga ito lalo na si Magnus at Athena dahil ordinaryong tao lang ang dalawa. Tanging siya lang ang hindi hawak ni Barthram ngayon. “P-percival! Hayaan mo na kami… Ibalik mo sa lagayan ang efuanti!” nahihirapang sigaw ni Eulalia. “Hindi!” Hindi niya magawang tumalikod at iwanan ang mga ito na parang basahan lang para sundin ang sinabi ni Eulalia. Alam ni Percival na kapag gawin niya iyon, mamatay rin ang mga ito. “Ngayon bata! Ibigay mo sa akin ang totoong efuanti. Ang tunay na itim na kristal. Kung nung una ay nalinlang mo ang panginoon na tulad ko, sa pangalawang pagkakataon hindi ko hahayaan na malinlang mo pa ako bata. Kaya ibigay mo sa akin ang efuanti! Ngayon na!” dumagundong ang boses ni Barthram sa bawat sulok. Nagkulay itim ang buong mata nito at lumutang sa ere habang kinokontrol ng itim na kapangyarihan nito ang buhay ng mga kaibigan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD