Chapter 32 - Water Gate

1783 Words
MALUNGKOT NA PINAGMASDAN ni Percival ang kaniyang mga kasamahan na ngayon ay natutulog. Nakasandal si Reedrick sa isang bato, habang si Athena at Magnus ay nakahiga sa lupa at unan ay ang braso. Sandali akong nagtaas ng tingin sa langit at napatitig sa kalangitan. Pinagmasdan ko ang matamlay ng kulay niyon na nagpapahiwatig ng kamatayan. Kanina, nung nasa ilalim sila ng tubig ramdam niya ang pagmamahal nito. ang halik nila na binigay sa isa’t isa, may something doon at alam niyang hindi lang siya ang nakaramdam sa halik na iyon ng kakaiba. Kundi pati rin si Eulalia. Hay! Mga babae talaga, ang hirap din intindihin kung ano ang gusto. Hihintayin niya na lang bukas na magkita sila ni Eulalia at wala siyang pakialam kung ano ang sasabihin nito. Sa tinugon nito ang kaniyang halik, kaya ibig sabihin niyon mag-jowa na sila sa ayaw at sa gusto nito. Napangisi siya. Hindi tuloy siya makatulog. Gusto niya na makita ang mukha ng babaeng mahal niya kahit ipagtulakan pa siya nito, lalapit at lalapit pa rin siya. Who knows ‘di ba? Kinabukasan, pagmulat na pagmulat palang niya ng mata, nasa harapan nila si Eulalia. Nakaupo ito sa isang bato at marahang naglalaro ng tubig sa kamay. “Magandang umaga!” “Eulalia…” Gusto sana niyang lapitan at kausapin ito pero kaagad itong sumenyas na huwag siyang magtangka. Wala siyang magawa kundi ang sumunod at mapabuntong-hinga. Masusunod pa rin ang babae dahil mas matanda ito sa kaniya ng ilang libong taon. Baka sampalin siya nito ng salitang mas matanda ito sa kaniya kaya dapat marunong siyang sumunod. “Magsisimula na ba tayo?” Si Magnus ang nagtanong. Naghikab pa ito at muling bumalik ng higa sa lupa. “Oo. Dahil kailangan na natin magsimula.” “Tama si Eulalia. Marami ang umaasa sa `tin, lalo na ang mga Asticians na ngayon ay bihag ni Barthram.” Si Reedrick naman ang nagsalita. “Ano pa ang hinintay natin? Simulan na natin ang paglalakbay,” anas niya. Siya na ang naunang humakbang. Naghihikab na tumayo si Magnus at nag-unat ng kamay, gano’n din si Athena at ilan sandali pa ay nagsimula na silang maglakad. Katulad ng dati, siya ang pinakahuli. Si Eulalia ang una, kasunod si Magnus, tapos si Reedrick at kasunod ay si Athena. Siya ang nasa dulo dahil iyon ang kaniyang gusto. Pasulyap-sulyap din siya sa kaniyang kamay. Nararamdaman niya ang ibang pwersa roon na nagtatago at aaminin ni Percival, masakit ang kaniyang kamay. napapansin niya rin na may mga ugat-ugat na nagsilabasan pero hindi ito masyadong visible kaya natatago niya ito. “Percival!” Mabilis niyang naibaba ang kaniyang kamay at napatingin kay Athena. Seryuso ang mukha ng babae. “Problema mo?” Sumabay ito sa kaniya sa paglalakad. “Bakit pakiramdam ko, nag-iba si Reedrick sa `kin? I mean, `yong pakikitungo niya. Napapansin kong umiilag na siya sa `kin, hindi rin niya ako tinitingnan na. Napapansin ko rin na lumalayo siya, hindi tulad nung una nung… nung…” “Nerd pa siya?” Napangisi siya. Ito kasing kaartehan ni Athena, masyadong highest level. Kesyo pangit sa mga mata nito noon si Reed, panay basted ito. Ngayon naging isang foreigner na si Reed na sumunod sa kaniyang kagwapuhan, habul-habol na ito. Hayys, mga babae nga talaga. Hindi niya minsan maintindihan. “Alam mo kasi Athena, kami nga ni Elsa, eh bawal. Kayo pa kaya ni Reedrick? Bawal kayo malamang dahil isa rin siyang anghel at astician. Tagapangalaga. Huwag ka na umasa na maging kayong dalawa. Move on ka na lang, ha, Athena.” Nalukot ang mukha ni Athena sa kaniyang sinabi at malakas siyang sinipa sa paa. Napaaray naman siya sa ginawa nito at galit na minura ang babae. Pinakyuhan naman siya nito at inirapan. Sinabihan lang naman niya ng totoo, ayaw nitong tumanggap ng critic mula sa kaniya? Babae nga naman talaga, ayaw tumanggap ng pagkakamali. Si Magnus naman agad ang lumapit sa kaniya at nagtatakang nagtanong kung anong nangyari kay Athena at kung bakit galit na galit ito sa kaniya. “Ah, iyon ba? Sinabihan ko kasi siyang hindi sila bagay ni Reed ngayon eh. Masyadong gwapo ang kunwaring pinsan ko tapos siya mukhang tipaklong na hindi na nadeform sa damuhan. Hehe.” Ang lakas ng halakhak ni Magnus sa kaniyang sinabi. Kaya ang nangyari, inasar nila nang inasar si Athena habang naglalakad sila. Halos maiyak na si Athena sa ginawa nila ni Magnus pero hindi na ito kumibo dahil alam ng dalagita na mas lalong mapapaiyak ito kapag sumagot pa ito. “Hinto.” Napahinto sila nang sabihin ni Eulalia ang bagay na iyon. Bakit? Anong nangyari at huminto sila sa isang malawak na kapatagan na tanging black and white settings na naman ang kanilang nakikita. “Bakit tayo huminto, Eulalia? Naiihi ka ba o balak mo na naman magtayo ng favorite falls mo?” nakangising tanong ni Magnus kay Eulalia. “Hindi. Wala akong balak dahil nasa Pusod ng Asticus na tayo.” Napatanga sila sa sinabi ng babae. Sure ba ito at nasa pusod ng Asticus na sila? Wala siyang makita na kahit ano. Wala kahit isa kundi walang humpay na kapatagan at mga batuhan. “Saan dito?” “Kailangan natin hanapin ang pintuan.” “Wow! Cool at may pintuan pa talaga. Invisible ba ang pintuan nila rito?” Kaagad lumapit si Percival kay Magnus at binigyan ito ng sapak sa ulo. Napa-ouch naman ito sa kaniyang sapak na binigay. “Ouch, Percival!” “Pwede ba at tumahimik ka muna at hayaan natin si Eulalia?” “Okay-okay, sorry.” Nagtaas ng kamay si Magnus at dumestansya sa kaniya para makaiwas sa sapak na kaniyang gagawin dito kapag nagsalita pa ito ulit. Ilang sandali pa ay pinagmasdan nila si Eulalia. Nakatingin ito sa isang dereksyon. Humakbang ito ng sampung hakbang papuntang east at nilagay ang kamay sa lupa. Nagulat sila pareho nang may lumabas doon na parang tubig o sa madaling salita, formang tubig. Pagkatapos niyon, nagpunta ito sa west mga isang dipang layo at nilagay sa lupa ang kamay at mula roon katulad nung una, may lumabas na pormang tubig na bilog. Ganoon din sa north at south. Pagkatapos niyon, ay sa gitna naman si Eulalia at may hinugot doon sa ilalim ng lupa. Isa itong susi sa pormang tubig. May nagsilabasan doon na pormang tubig na bilog at may binulong sa langit na parang isang latin. “Lumapit kayong apat sa mga iyon.” Humarap si Eulalia sa kanila at tinuro ang mga tubig na nakalutang sa ere. Apat iyon mula east, west, north at south. Sinunod nila ang sinabi ni Eulalia, lumapit sila sa mga tubig na iyon at hinintay ang sasabihin ni Eulalia kung ano ang kasunod na sasabihin. “Anong sunod namin gagawin?” kapagkuwan ay tanong niya. “Ilagay niyo ang mga kanang kamay niyo sa tubig na iyan at kunin niyo sa loob at may mahawakan kayong susi, kunin niyo ng sabay-sabay. Walang mahuhuli. Dapat sabay-sabay.” Nagsitanguan sila sa instruction ni Eulalia. Nagbilang ang babae simula sa isa hanggang tatlo at sabay-sabay nilang kinuha ang susi na sinasabi nito sa loob ng tubig. At tama nga si Eulalia, may susi nga sa loob niyon. Kulay ginto ito. “Anong gagawin namin sa susi na ito?” Si Magnus ang mabilis na nagtanong na pinagmasdan ang susi na hawak. “Malamang ito ang gagamitin natin para mabuksan ang isang pintuan o lagusan. Minsan bobo ka talaga Magnus. Masyado ng halata ang kabobohan mo.” naiinis na sagot ni Athena. “Ikaw ang bobo! Sabat ka nang sabat. Ang ibig kong sabihin ay saan ang pintuan para mabuksan na natin ang dapat mabuksan.” Napailing na lang si Percival. Nagsimula na naman ang dalawa sa pagbangayan. Nilapitan niya ang mga ito at pinagbigyan ng batok sa isa’t isa para patas. Ang iingay kasi! “Nakita niyo ba?” Nang sabihin ni Eulalia ang bagay na iyon, may lumabas na malaking pader sa kanilang harapan mga sampung dipa ang layo. Mataas ito na halos hanggang langit na ito at hindi nila makita ang dulo ng pader. Yari ito sa makapal na tubig at sa gitna niyon ay isang malaking talon. Parang singtulad ng talon ito ni Eulalia pero mas malaki ito at mas matayog. “Wow!” Sabay-sabay silang napahanga ni Magnus at Athena. Hindi nila akalain na isang tubig din ang pader na nakaharang sa pusod ng Asticus. Napansin din ni Percival ang paglabas na parang isang bilog sa malaking gate. Lima iyon at mukhang alam na ni Percival kung para saan iyon. Kung sa bahay ay may pintuan ay kailangan ng susi, gano’n din sa gate na ito. “Ilagay niyo ang susi sa bawat bilog na nakikita niyo.” Utos ni Eulalia. Sumunod sila sa sinabi ng babae. Nilagay nila ang susi sa bawat bilog nang sabay-sabay. Pagkatapos niyon ay si Eulalia ay ang pinakahuling naglagay ng susi doon sa talon na kung saan nasa gitna ito na malaking gate na yari sa tubig. Ilang sandali pa ay biglang nahati ang malaking talon na nasa gitna at naulit ang pagkamangha nilang tatlo ni Magnus at Athena. Naniniwala na talaga siyang may langit at Diyos. Parang kurtina lang na hinawi sa langit ang malakas na lagaslagas ng talon. “Let’s go!!!” malakas na sigaw ni Magnus. “Ay wait, bago iyan. Picture muna!” Mabilis na kinuha ni Magnus ang kaniyang cellphone at sabay-sabay silang nag-selfie sa tubig na lagusan. Hindi sumali si Eulalia pero dahil makulit si Magnus, hinila nito ang kaniyang bebeloves at pinatabi sa kaniya at kinunan sila ng larawan dalawa. Kikiligin na sana siya nang sabihin ni Magnus na low battery ang cellphone nito at namatay. Ang pangit ka-bonding talaga ni Magnus. Naiiling na lang siya. Ilang sandali pa ay naglakad na sila papunta sa malaking gate na ngayon ay nakabukas na para sa kanila. Nauna si Eulalia sa kanila at tulad ng dati ay nasa huli. Panay tingin siya dinadaan nila. Naglalakad sila ngayon sa isang tubig. Literal na tubig ang dinadanaan nila. Ang ilalim niyon ay may mga coi fish na masayang naglalanguyan. Nakuha pang yumuko ni Magnus at makipaglaruan sa mga isda. Hindi lang iyon, bawat apak nila sa tubig ay naglilikha ito ng maraming kristal at nagsasayawan iyon sa ilalim ng kanilang paa. Nagmistula itong paraiso sa kaniyang mata sa sobrang nakakamangha na tanawin na nakikita nila ngayon. Napaisip tuloy si Percival na tubig ang pusod ng Asticus o baka isang dagat. Parehos tubig ang kaniyang nakikita. “Reed, okay ka lang?” Narinig niyang tanong ni Athena kay Reedrick. Napatingin naman siya sa lalaki. Okay lang naman ang lalaki, wala naman nakakapagtaka rito. “Yeah, okay lang ako.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD