“Eulalia…” Hinaplos niya ang pisngi nito at matagal na tinitigana ang napakagandang mukha ng babae. Ang buhok nito ay parang ginto sa ilalim ng tubig, nagliwanag ito at kitang-kitang niya kung paano nagsasayaw sa kaniyang harapan ang magandang buhok nito.
Ang mga magagandang mata ni Eulalia ay nakakaakit tingnan. Para itong ginto at ang labi, ang labi ni Eulalia na nang-anyaya sa kaniya na halikan niya ito ulit at titigilan niya lang ang labi nito hanggang sa mamaga ang labi nila pareho.
“Hmm?” pati boses ni Eulalia ay parang musika nh langit, ang sarap pakinggan. Para itong musika sa kaniyang pandinig na hindi niya pagsasawahan pakinggan kahit ito pa ang matirang musika sa buong mundo.
“I love you.”
“Ha?”
“Mahal kita… Eulalia…”
“Hindi!”
Mabilis siyang tinulak ng babae papalayo dahilan para tumaas siya sa ibabaw ng tubig at mawala sa kaniyang paningin ang babae. Hindi! Gage! Kakasabi niya lang na mahal niya ito, eh. Tapos babastedin siya nito agad? Para saan iyong halik na pinagsaluhan nila ngayon lang para bastedin nito agad ang kawawa niyang puso na nagmahal lang naman dito ngayon?!
“Eulalia!” Pero wala siyang nakitang Eulalia sa ibabaw ng tubig. Napatingin naman sa kaniya ang kaniya si Magnus at Athena habang si Reedrick ay napapailing na para bang alam na ng pinsan niya ang nangyari sa kanila sa ilalim ng tubig.
Kaagad siyang lumangoy sa ilalim ng tubig pero hindi niya makita ang babae. Nawala ito. Napansin din Percival na nakakahinga siya sa ilalim ng tubig at nakakapagsalita.
Tinawag niya ang pangalan ng babae pero hindi ito lumitaw. Walang Eulalia. Hindi niya na ito nakita kaya lumangoy siya pabalik sa itaas at baka makita niya ang babae sa ibabaw ng tubig.
At hindi nga nagkamali si Percival, nakita niya si Eulalia na ngayon ay nakaupo sa malaking bato at kausap nito si Reedrick. Seryuso ang pinag-usapan ngmga ito dahil na rin sa mukha ni Reedrick na nakaharap sa kaniyang gawi. Nappailing ang lalaki at napatingin sa kaniya at napabuntong-hinga.
“Eulalia!” Muli niyang tawag sa pangalan ng babae.
Tumingin ito sa kaniya pero wala na ang kislap sa mgaganda nitong mata na nagsasabing mahal din siya nito.
Mabilis siyang lumapit sa babae pero sinalubong siya ni Reedrick at hindi na siya nagtaka nung nakaya nitong maglakad sa ibabaw ng tubig. Dahil simula nung napunta sila sa mundong ito, wala ng imposible para kay Percival. Kaya ang mahalin si Eulalia ngayon ay hindi imposible sa kaniya.
“Give her time, Percival. Malalaman mo rin kung bakit. Sa ngayon hayaan mo siyang makipag-usap sa langit.”
Lihim siyang napahugot ng hangin sa sinabi ni Reedrick at napatingin kay Eulalia. Nakatalikod na ito sa kaniya at nakaharap sa malakas n lagaslagas ng tubig mula sa talon. Wala siyang magawa kundi ang tumango at sundin ang sinabi ni Reedrick, kundi ang hayaan muna ito. Ngayon niya lang hahayaan. Hindi pwedeng hindi sila mag-usap pagkatapos.
Ilang segundo siyang gano’n nang biglang nagdilim ang kalangitan.
Fuck! Isang kisap mata lang ay nawala ang tubig, ang napakagandang falls at ang… si Eulalia. Ang natira na lang ay siya, si Magnus, si Reedrick at Athena na kapwa mga basa ang damit.
Ang bilis ng gabi! Napailing-iling siya at napabuntong-hinga. Habang si Reedrick at kumuha ng mga panggatong at gumawa sila ng bonfire para magpatuyo ng damit at katawan.
SAMANTALANG si Reedrick ay naawang napatingin kay Percival, naiintindihan niya ang nararamdaman nito lalo na at kilalang-kilala niya ang lalaki. Matagal silang nagsama ni Percival sa mundo ng tao simula nung maisilang ito, andiyan na siya sa paligid kaya alam niya ang likaw ng bituka ng lalaki.
Ngayon lang niya nakitang seryuso si Percival sa isang babae na hindi naman dapat mahalin. Siya, pwede niyang mahalin si Athena at piliin ang maging mortal. Hindi siya full blooded angel at pwede siyang maging mortal oras na tanggalin niya ang nasa kaniyang mata na kristal.
“Anong nangyari doon kay Eulalia at kay Percival? Nag-away ba sila? Nawala lang sila ng isang oras tapos nung bumalik sila para naman silang hindi magkakilala.” Takang tanong ni Athena.
“I guess, nag-break na silang dalawa.” Natatawang sagot ni Magnus.
“Paanong nag-break? Sila na ba?”
“Hindi gano’n. Sadyang hindi lang sila pwede sa isa’t isa. They can’t be together. It againts the law. Eulalia is a guardian and that makes sense. Nakuha niyo ba?” Siya ang sumagot habang nakatingin sa apoy na nasa gitna nila.
Sinulyapan niya si Percival, tahimik lang ito sa tabi. Nag-iisip. Nakatingin ito sa kamay nito ngayon at hindi niya alam kung bakit pero may ideya na si Reedrick kung ano ito at kung bakit ito nakatingin sa kamay nito ngayon.
“Percival!” tawag niya sa binatilyo.
Tumingin naman ito sa kanila pero walang kislap ang mga mata maliban sa galit. Napailing na lang si Reedrick at naiintindihan niya kung bakit nagagalit ito.
“Anong gagawin mo pagnakabalik na tayo sa mundo?”
“Aayusin ko ang relasyon namin ng Ina kong si Perlita. Marami pa akong babawiin at gagawin sa kaniya. Bakit ba?” paasik na sagot nito na kaniyang ikinatawa.
Tutal nasa isang bonfire naman sila at bukas ay maglalakbay na naman sila papunta sa kanilang papuntahan, mag-uusap muna sila na parang normal na mga teenagers na mahilig sa pagbibisekleta.
“Anong pinakamasayang memories mo sa pagbibisekleta?” muling hirit niya.
Tinatamad na sumagot si Percival sa kaniyang naging tanong. “Ang mapasok sa mundong ito at ang makasama kayo tatlo. Nakadalawang tanong ka na ah!”
“Eh, sa gusto ko magtanong eh dahil nababagot ako.” ganting sagot niya.
Natawa naman si Magnus, “Ako! ako naman ang sasagot. Ako ang pinakamasayang alalala ko sa pagbibisekleta ay ang pumunta tayo sa Santague Mountain at mahulog kasama kayo sa Asticus. Isipin niyo iyon, akala ko talaga nasa impyerno tayo dahil sino ba ang may gusto sa mundong ito na itim at puti kundi si Percival lang, hindi ba? Tama ba ako?”
“Ang dami mo naman satsat eh, ang haba na ng sagot mo.” Napairap naman si Athena at binato ng maliit na bato kay Magnus. Maarteng napa-ouch naman si Magnus at binato pabalik si Athena ng mansanas. Mabilis naman na sinalo ito ni Athena at natatawang kinain.
“Ako, ang masayang alaala ko ay ang makasama kayo sa mundong ito at sa mundo ng tao sa pagbibisekleta. Kahit hindi ako sinasama ni Percival minsan, pero masaya pa rin ako na lagi ko kayong kasama.” Siya ang nagsalita at natatawang inayos ang mga kahoy sa bonfire.
Mas lalong lumakas ang apoy at hindi na siya nilamig. Hindi talaga siya mahilig sa tubig at lamig lalo na at sa apoy siya mas komportable.
“Ang sabihin mo, masaya ka kasi andiyan kamo si Athena.” Ang laki ng ngisi ni Percival nang sabihin ang bagay na iyon. Bumalik na ulit ang mukha nito na makulit at mapang-asar lagi sa kaniya.
Napatingin siya kay Athena, kaagad na namula ang magkabilang pisngi nito at hindi na umimik. Hinayaan lang nito ang binatong biro ni Percival at nagpakilig ito sa puso niya. s**t! Gusto niyang matawa at lapitan si Athena pero nag-iba na ang sitwasyon ngayon.
“Sort of, naging mas masaya ako nung nakakasama ko lagi si Athena my baby.”
Ang lakas ng hiyawan ni Magnus at Percival sa kaniyang naging sagot. Nagtalon-talon pa ang mga ito at naghampasan na parang bakla.
“Ay sana all na talaga kami ni Percival nito! Sana all!”
“Magsitahimik nga kayo… P-para kayong mga tanga.” Pero nagpipigil ng ngiti si Athena. Nahihiya pa rin itong tumingin sa kaniya at napansin niya ito simula nung nasa bundok sila ng kamatayan.