Chapter 30 - Ilalim ng Tubig

1754 Words
 Gusto niyang bitawan ang kamay ng binatilyo pero ang higpit ng pagkakahawak nito na parang sila lang ang taong nandoon. Nakatititid din ito sa kaniya at nakalarawan sa mata nito ang matinding paghanga sa kaniya. “Ano, dito lang ba tayo sa batong ito?” Nilangkapan niya ng lakas ang kaniyang boses. Tila nagising naman ito sa kahibangan. Bigla itong napakamot sa ulo at ilang sandali pa ay sabay nilang tinungo ang tubig habang si Magnus ay parang namamatay sa kilig at sinapak-sapak si Reedrick sa ulo. “Naku po! Ang manloloko nating si Percival, dumeskarte kay Eulalia!” “Hayaan mo na nga si Percival.” Galit naman na anas ni Athena. “It’s okay, hindi naman siya pipiliin ni Eulalia kung sakali. Isa itong malaking bawal sa langit kapag nagkataon.” Si Reedrick ang sumagot. “Bakit bawal?” Sabay na tanong ni Magnus at Athena. Naguguluhan. “Basta, bawal.” Nagkibit ang ng balikat si Magnus habang si Athena ay nagpasya na lamang maglaro sa tubig. “Pwede mo na akong bitawan.” Anas ni Eulalia kay Percival. Bigla naman parang babaeng nahihiya ang binatilyo at agad na binitawan ang kaniyang kamay. Kaagad itong tumalon sa tubig at nag-eksibisyon pa sa kaniyang harapan. Natawa siya nang mahina at napailing. Kaagad siyang sumunod. Naglakad siya sa ibabaw ng tubig at tiningnan ang bawat nilalakaran niya. Bawat hakbang niya ay kumikinang ang tubig na parang nagsasayawan ito sa kaniyang mga paa. Tinaas niya ang kaniyang kamay at tumingin doon. Marahang kumumpas-kumpas ito sa hangin. “Napakaganda niya talaga, Percival! Napakaganda niya talaga.” “Sana kasingganda ko siya.” “Ikaw ang pinakamaganda para sa `kin, Athena…” “Tumahimik nga kayo! Ang pangit kaya ni Eulalia. Parang matanda. Puting-puti ang buhok.” Hindi niya pinansin ang sinabi ng mga ito. Nanatili siyang nakatingin sa kaniyang kamay at napangiti siya sa bahaghari na nakatunghay sa kanila ngayon. Habang ang puso ni Percival ay parang gustong magwala sa kaniyang rib cage! Tanginang puso niya talaga ito, oo. Muntikan niya ng mahalikan si Eulalia kanina nung nasa batuhan sila. Tangina kasi `tong puso niya, parang tanga eh. Parang tanga na tumitibok para kay Eulalia na kung saan alam niyang bawal para sa kanila iyon. Tapos ang kamay ni Eulalia, shet! Ang kamay ni Eulalia, ang lambot! Parang isang bulak sa sobrang lambot na gusto niyang matulog gamit lang ang kamay nito at gawin niyang unan. Tangina! LT talaga itong puso niya sa sobrang kaba. Paano ba kasi pigilin itong nararamdaman niya para kay Eulalia? Sa tingin pa lang nito, natutunaw na ang kaniyang puso. At itong tanginang kaibigan naman niyang si Magnus, parang gago lang, ah. Balak pa yatang magpa-cute kay Eulalia samantalang gusto niyang basagin ang mukha nito sa naramdaman niyang selos. Napakaganda talaga niya. Gusto ko siyang dalhin sa mundo ng tao at doon kami magpapakasal. Hehe. Bigla rin siyang napabuntong-hinga sa isipin bawal nga dahil magkaiba sila. Pero teka, hindi pala siya tao dahil ang kaniyang aguelo ay si Atmoran! Tama! Pwedeng-pwede sila magmahalan dalawa ng babae. Wala siyang pakialam kung hindi sila pwede basta mamahalin niya ito. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganito sa buong buhay niya. Marami na siyang nakilalang babae pero si Eulalia palang ang nagparamdam ng ganito sa kaniya. parang drugs ang dating nito! ‘Yong pakiramdam na gusto niyang mag-swimming sa desyerto sa kislap pa lang ng mga mata ng babae. Ang sarap pagmasdan ng mga mata nito, para siyang hinihigop. Parang tinatakasan ng lakas ang kaniyang mga tuhod. Gusto niyang manatili sa mundong ito pero hindi pwede dahil ang kaniyang inang si Perlita, babawi pa siya sa Ginang. “Napakaganda niya talaga, Percival! Napakaganda niya talaga.” Gusto niyang sikuhin ang kaibigan. Oo na! maganda nga si Eulalia, nakikita niya. Ito kasi si Magnus, ang lakas makasapak sa kaniya na parang hindi niya nakikita ang kagandahan ni Eulalia. Ang totoo nga niyan, ang saya-saya niya ngayon dahil binigyan sila ng pagkakataon ng babae na maglunoy sa tubig kahit sa kabila ng panganib na nangyari. At least nawala ang stress sa buhay nila kahit ngayon araw lang. Ang sarap nga rin yayain ng date si Eulalia eh, pero siyempre hindi niya na sinabi ito lalo na at mata pa lang ng babae, para na itong kakain ng tao. Consider pa na isa itong halimaw sa kama este sa gabi. Hehe. Humugot siya nang malalim na hininga at binaling ang tingin sa iba. Wala siyang pakialam sa napakagangdang rainbow na ginawa nito, ang mahalaga sa kaniya ay ang pigilin ang kaniyang nararamdaman para rito. Hindi ito nakakabuti para sa kaniya lalo na sa kaniyang puso na kung saan nasa Asticus pa talaga. Kung normal na babae lang sana si Eulalia, walang problema sana ito sa kaniya. “Percival!” Tawag sa kaniya ni Magnus pero hindi niya ito pinansin. Naghanap siya ng ibang space. Doon siya nagpunta sa may parteng malaking bato kung saan natatamaan ng bagsak ng tubig mula sa talon. Humiga siya roon at napatingin sa maganda at maasul na kalangitan. Hay! Kung sana, ganito na lang ang buhay niya hanggang sa mamatay siya. Pero huwag naman sana mamatay agad. Gusto pa niya makasama si Eulalia hanggang sa pagtanda nilang dalawa at pagmasdan ang isang dosenang anak nila na pangalan niyang 1, 2, 3, 4 up to 12! Sandali niyang pinikit ang kaniyang mata. Biglang pumasok sa kaniyang utak ang magandang mukha ni Eulalia kaya napamura siya. Tangina! Pati sa kaniyang pagpikit ay nagpapakita ang mukha nito.           Bumangon siya at pinagmasdan ang mga ito na ngayon ay masayang naghahampasan ng tubig. Sumali rin si Eulalia sa hampasan at languyan ng mga ito sa tubig, kung pagmamasdan, masayang-masaya ang mga ito ngayon at para siyang nobody. “Percival Pierce…” Napaigtad siya nang lumitaw sa kaniyang tabi si Eulalia. Muntikan pa tuloy siyang mahulog sa tubig kung hindi siya nakahawak agad sa gilid ng bato. Nakita niya pa lang ito na naglalaro ito sa tubig kasama sila Magnus, Reedrick at Athena. “Bakit ka nandito?” “Bakit, bawal ba?” balik tanong niya sa babae. “Bawal. Dahil andoon ang mga kasamahan mo, nagkakasiyahan at ikaw lang ang nandito nag-iisa. Anong meron?” Nagkibit siya ng balikat at ngumisi. “Gusto mong malaman?” Tumingin lang sa kaniya si Eulalia na parang hinihintay ang kaniyang sasabihin kung ano ito. Bigla siya tuloy nahiya. Nag-iisip kasi si Percival ng kalokohan na sasabihin kay Eulalia. Tatanggap ba ito ng joke sa kaniya? “Eulalia may joke ako sa iyo.” “Okay, ano ba ang joke mo? Siguraduhin mo na matawa ako sa birong iyan kung hindi, malalagot ka sa `kin.” Natawa si Percival. Kinakabahan na natawa. Paano nga pala kung hindi matawa si Eulalia sa kaniyang biro? Ah, bahala na. matatawa o hindi wala siyang pakialam kung hindi. “Knock-knock!” “Walang pintuan, bakit knock-knock?” “Basta, sumagot ka ng ‘Who’s there’, kapag sinabi kong knock-knock, okay?” Napakunot ito ng noo pero kalaunan ay tumango rin. “Sige…” “Knock knock!” pag-uulit ni Percival. Gusto ng sumabog ng kaniyang puso sa sobrang kilig. “Who’s there?” Tangina `tong puso niya talaga! Para naman tanga kung makatibok ng sobrang bilis sa malambing na boses ni Eulalia. “Teka-teka, nakakaintiindi ka ba ng english?” Napatingin naman sa kaniya si Eulalia at umiling. “Hindi.” Umasim ang kaniyang mukha sa narinig. Wala naman palang sense ang kaniyang knock knock joke. English pa naman ang napili niyang pick up line pero sige na nga, tagalogin na lang niya para maintindihan nito. “Knock knock!” “Who’s there?” “Maha.” Napatitig ito sa kaniya sa paraan hindi nito nakuha ang kaniyang gustong iparating. Oo nga pala, puta! Hindi niya nasabi sa babae na dapat sumagot din ito ng ‘Maha Who.’ “Ay tigilang na nga lang natin ‘tong knock knock na ito. Ang bobo mo sa larong ganito. Bumalik ka na lang doon kina Magnus at maglaro kayo ng bahay-bahayan sa ilalim ng tubig.” “Kung ikaw ang yayain kong makipaglaro sa ilalim ng tubig ng bahay-bahayan?” Napaubo siya sa sinabi ni Eulalia. Marunong din pala itong mag dirty talk si Eulalia, hindi naman halata masyado. “Gusto mo?” “Bakit hindi?” Napatingin si Percival sa kamay ni Eulalia na nakalahad sa kaniyang harapan. Nagdadalawang isip siya na tanggapin ito. Of course, isa siyang binatang pilipina este anghel na ewan? Ah, iyon na iyon. Hindi na siya nag-inarte pa, mabilis niyang inabot ang kamay ni Eulalia at hinawakan nang mahigpit iyon. At ang inisip na nagbibiro lang ito na pupunta sila sa ilalim ng tubig ay nagkatotoo, bigla siya nitong hinila sa ilalim ng tubig. Napasigaw siya na parang bakla sa ginawa ni Eulalia pero tubig ang pumuno sa kaniyang lalamunan. Gusto niyang bumalik sa itaas pero mahigpit ang pagkakahawak ni Eulalia sa kaniyang kamay. Natatawa pa ito at para naman tanga ang kaniyang puso na sunod-sunod sa pagtibok ito. Putek `yan! Kahit nasa ilalim sila, napakaganda pa rin ni Eulalia, sobra! Super ganda na parang gusto niyang halikan ngayon si Eulalia at wala sa sariling napatitig siya sa magandang mukha nito ngayon. Wala sa sariling inabot niya ang mukha ng babae at sinalubong ang labi nito sa ilalim ng tubig. Nagulat si Eulalia sa kaniyang ginawa pero walang pakialam si Percival. Gusto niyang halikan ang babae at ito ang binubulong ng kaniyang puso… “Eulalia…” naibulong niya ang pangalan nito. Inisip ni Percival ay sampalin siya nito sa mukha pero nagulat siya nang tugunin nito ang kaniyang halik na binigay at yumakap ang kamay nito sa kaniyang batok. Habang ang kaniyang kamay sa beywang nito… At sa ilalim ng kumikinang na tubig at nagsasayawan na rainbow sa itaas ay buong-pusong nagpapalitan sila ng halik. Ang halik na pinagsaluhan nila ay parang ectasy ito para kay Percival. Ang sarap! Parang sasabog ang kaniyang puso sa galak. Ganito pala ang pakiramdam kapag tinugon ng taong mahal niya ang kaniyang halik. Niyakap niya ng mahigpit ang beywang ni Eulalia at hindi na inalintana ni Percival kung bakit at kung paano siya nakakahinga sa ilalim ng tubig. Ang mahalaga sa kaniyia ay huwag maputol ang halik na pinagsaluhan nila ng dalagita. Para sa kaniya, si Eulalia ay kasing-edad lang niya at bagay silang magmahalan. Wala na siyang pakialam kung hindi ito tunay na tao. Yayayain niya ang babae na sumama sa kaniya sa mundo ng tao oras na maibalik niya sa tamang lagayan ang efuanti.              
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD