Nagulat naman si Magnus at Athena pero hindi nagreklamo na ang mga ito. Marahil ay inasahan na ng mga ito na sasabihin niya ang bagay na iyon sa huli.
“Ang layo pa pala!” Napakamot na lang sa ulo si Percival at napabuntong-hinga. “Sige, sige, kakayanin namin `yang tatlong araw na iyan basta maibalik lang natin na ligtas ang efuanti para makabalik na din kami sa totoong mundo. Marami pa akong sasabihin sa `king inang si Perlita.”
“Kung ako ang masusunod, ito ang mas ligtas na lugar para magpahinga kayo hanggang bukas. Maraming nakapaligid na mga bato at para makapag-isip tayo ng strategy kung paano kayo makakapasok sa b****a ng pusod ng Asticus.”
“Ibig mong sabihin, mahirap pasukin ang entrance?”
“Oo. Hindi basta-basta napapasok agad ito lalo na at maraming nakahilerang mga halimaw o demons ang nandoon. Kaya kailangan natin mag-isip ng magandang plano at hindi lang basta-bastang sugod lang ang gagawin.”
“She’s right, Percival.” Mabilis na dugtong ni Magnus.
Sandali naman nag-isip si Percival at tumingin sa langit saka ito napabuntong-hinga at umupo ulit sa malaking tipak ng bato. “Sige, pwede rin na dumito muna tayo at magpalipas ng gabi. Pagplanuhan natin lahat kung paano at ikaw Eulalia ng Frozen, sabihin mo sa `min ano ang gagawin, okay?”
Tumango siya. Lahat sasabihin niya, wala siyang ililihim sa mga ito dahil hindi niya ito gawain. Umupo siya sa malaking tipak na bato at gumawa roon na maliit na tabay kung saan pwedeng uminom ang mga ito. Alam niyang nauuhaw na ang mga ito pero nahihiya lang magsabi.
“Uminom kayo.” Anas niya matapos lumabas sa malaking tipak ng bato ang tubig at umagos iyon patungo sa maliit na tabay na halos kasingtaas lang hanggang tuhod. “Alam kong nauuhaw na kayo kaya punuin niyo ang tiyan nitong tubig. Huwag kayong mag-alala at malinis ang tubig na ito—” Hindi pa niya natapos ang kaniyang sasabihin, nauna ng uminom si Magnus sa tubig gamit ang kamay nito.
“Ang sarap ng tubig! Parang lasang tubig din.” Ngumisi ito nang tumingin sa mga kasamahan.
Kaagad din sumunod si Athena at Percival at gano’n din ang reaksyon ng dalawa.
“Alam mo Elsa, pwede kang magtayo ng water refilling station dito sa inyo. Isang galon 35 pesos gano’n lang saka hindi ka lugi sa kitaan ng water refilling business mo. May sarili kang kwentador at tubigan, e. ano sa tingin mo, ha, Elsa the Frozen?”
Ngumiti lang siya at hindi na pinansin ang sinabi ni Percival. Alam niyang maloko talaga ang binatilyo at wala itong kaseryu-seryuso sa buhay. Puro lang ito biro na minsan ay hindi na rin maganda pero siguro, ganito talaga ang mga kabataan sa mundo ng mga tao. Alam ni Eulalia na malinis at mapagmahal ang puso ni Percival sa kabila ng magaspang nitong ugali at bibig.
“Ang tubig na iyan ay iyan mismo ang tubig sa langit.”
Namilog ang mata ng mga ito maliban kay Reedrick.
Ilang sandali pa ay tapos na ang mga ito sa pag-inom at tumigil din ang tubig mula sa bato. Tumingin siya sa itaas ng langit at nagdasal sa salitang latin na siya at si Reedrick lamang ang nakakaintindi. Nang imulat niya ang kaniyang mata, napangiti siya at humurap sa malawak na field kung saan walang masyadong mga bato. May ilang oras pa bago kumalat ang dilim sa langit at kapaligiran.
Mabilis niyang tinaas ang kaniyang kamay sa ere at dahan-dahan lumabas ang sarili niyang talon. Mula sa mga halaman, mga bulaklak at pagbagsak ng asul na tubig sa ibaba. Marahan siyang humugot ng hangin at nang hinarap ni Eulalia si Magnus, Athena at Percival ay namilog ang mata ng mga ito.
Hindi lang kasi basta-basta tubig ang nasa harapan nilang lahat, kundi mga paru-paro na masayang nagliliparan at ang tubig ay nangingintab na parang kristal kapag nasisinagan ng araw.
“Totoo ba ang nakikita ko Magnus?”
“Nalilito nga rin ako Athena.”
“Totoo iyan. Mga gage. Ano na! lets go, swim!” Mabilis na sigaw ni Percival at binigay ang bag nito kay Reedrick at walang sabi na tumalon sa tubig.
Lihim siyang natawa. Masaya siya kapag nakikitang masaya ang binatilyo at tumatawa ito pero hindi niya pwedeng ipakita rito na masaya siya at nagugustuhan niya si Percival dahil malaking bawal.
“Ang sarap ng tubigggg!!!”
“Wahh! Wait us, Percival!” Mabilis na binaba rin ni Magnus ang bag nito at kaagad na tumakbo sa isang bato at mula roon ay tumalon ito pababa.
Isang malakas na lagapak sa tubig ang nangyari. Nagtawanan naman si Athena at Reedrick. Napansin niyang namula ang mukha ni Athena nang sulyapan nito si Reedrick na tumatawa at nakatingin kay Percival at Magnus na masayang nagtatampisaw sa tubig.
“Ayaw niyong maligong dalawa at magsaya kahit ngayon araw lang?” Lumapit siya sa mga ito.
“Gusto mo ba, Athena?” baling ni Reedrick sa dalagita.
Kaagad na namula ang magkabilang pisngi ni Athena at nagbaling ng ibang tingin. Hindi nito kayang tingnan ang mga mata ni Reedrick at alam ni Eulalia kung bakit. May gusto si Athena kay Reedrick at nahihiya ito sa sarili na aminin ang bagay na iyon dahil sa mga masasakit na pinagsasabi nito noon sa lalaki.
Napailing na lang si Eulalia. Ang napapansin niya sa mga tao ay mahilig ang mga ito na manghusga ng kapwa tao sa panlabas na anyo. Isa rin sa napapansin niya sa mga tao, matitigas ang mga puso ng mga ito at ulo at kapag nagkakamali, hindi natututo sa maling nagawa.
“Ikaw? Maliligo ka ba?”
“Oo naman. Sabi nga ni Eulalia, isang araw lang ito. Who knows what’s waiting for us tomorrow? Hindi rin natin alam kung makakalabas ba tayo ng buhay. So why not enjoy the water with me?”
Napakagat na lang ng labi si Athena at tumango. “S-sige…”
Lihim siyang napangiti at tumalikod na sa mga ito. Mamaya pa siya maliligo. Pagmamasdan lang niya ang mga ito na masayang naliligo at nagtatawanan. Tama si Reedrick, hindi nila alam kung ano ang nasa dulo. Dahil ang totoo, hindi niya rin nakikita kung ano ang nasa hinaharap. Malabo ito at hindi niya nakikita kung ano at sa kahit ganitong paraan, mapasaya niya ang magkakaibigan at mapakalma ang mga nag-aalalang puso ng mga ito.
Umupo siya sa malaking tipak ng bato at may isang paru-paro ang lumapit sa kaniya. Hinayaan niya itong pumatong sa kaniyang kamay at pinagmasdan ang paru-parong kulay puti na nangingislap ang pakpak.
“Eulalia!”
Napatingin siya kay Percival. Ito ang tumawag sa kaniyang pangalan na ngayon ay kumakaway na para lumapit siya sa mga ito pero hindi pa niya gustong magtampisaw sa tubig. Para sa mga ito talaga ang talon ngayon kahit gustong-gusto niyang magbabad ngayon at maligo.
“Halika rito, sabayan mo kami.”
Napangiti siya. Masaya siya na makitang nagkakasayahan si Magnus, Percival, Athena at Reedrick ngayon. Malalim at malaking talon ang kaniyang ginawa na kulay asul ang tubig. Katam-tamang lamig ng tubig at napapalibutan sila ng mga naggagandahang mga halaman at mga bulaklak.
“Salamat.”
“Ang killjoy talaga ng babaeng iyan.”
Narinig pa niyang dugtong ni Percival pero hindi niya ito pinansin. Muli niyang hinarap ang paru-paro sa kaniyang kamay. Nagmistula siyang isang dyosa ng talon sa kaniyang ginawang pag-upo lalo na at mahaba ang suot niyang damit na kulay puti.
Napailing siya nang kausapin siya ng paru-paro sa kaniyang kamay. Sinabayan niya ito ng iling. Malabo ang sinasabi ng paru-paro na si Percival ang para sa kaniya. Hindi pahihintulutan ng langit iyon lalo na at oras na maibalik ang efuanti sa pusod ng Asticus, babalik na rin si Percival sa mundo nito dahil naghihintay ang Ina nitong nagngangalang Perlita.
“Eulalia…”
Gulat na gulat siyang napatingin sa kaniyang tabi, at nakita roon si Percival! Hindi niya napansin ang paglapit nito sa kaniya at mas lalong hindi niya namalayan. “Paano…” Saka lang niya naalala na baka ginamit ni Percival ang kapangyarihan nito kaya nakalapit ito sa kaniya ngayon na hindi niya napapansin. Humugot siya ng hangin at kaagad na binawi ang kaniyang tingin sa binatilyo. Lalo na at ang kaniyang puso ay parang mga kabayo ito na nagsiunahan sa pagtibok. Pinakalma niya muna saglit ang kaniyang sarili at muling humarap dito.
“Napakaganda mo…”
Biglang huminto ang t***k ng kaniyang puso at napatitig sa magagandang mata ni Percival. Lihim siyang napabuntong-hinga at binawi ang kaniyang tingin sa lalaki. Marami na ang nagsabi sa kaniya na siya ang pinakamaganda sa lahat ng Asticus at hindi siya naniniwala roon. Pero ngayon, parang gusto maniwala ni Eulalia.
“Maligo ka na roon Percival Peirce kung ayaw mong tatanggalin ko ang talon na nasa harapan mo. Tatlong oras na lang at babalik na ang katawan ko sa palasyo.”
“Pero bakit ba ang cold mo sa `kin, ha, Eulalia? Sumabay ka naman sa `min kahit ngayon lang.” Umupo ito sa kaniyang tabi, mga dalawang dangkal lang ang layo at nararamdaman ni Eulalia ang init na nagmumula sa katawan ng binatilyo.
“Ano ba ang mangyayari kung sakaling sumabay ako sa inyo ngayon na nagkakasiyahan?”
Sandaling natawa si Percival sa kaniyang naging tanong. “Dahil masaya ang kasama kaming maligo.” Bumaba si Percival sa lupa at tinaas ang kamay nito para anyayahan siya. “Halika na!”
Napapatitig siya sa kamay ni Percival. Gusto niyang basahin kung ano ang nasa isip nito pero hindi niya makuha kung ano ang tinatakbo sa isipan ng binatilyo. Malabo.
“Titigan mo na lang ba ang kamay ko Elsa? Aba naman, nakakangalay!”
Natawa si Eulalia nang tawagin na naman siya nitong Elsa. Hindi niya kilala si Elsa pero sige, tatanggapin niya ang kamay nito para sumama sa tubig at sabayan ang mga ito na magkasiyahan kahit ngayon lang. After all, tubig ang isa sa source ng kaniyang kapangyarihan at pagiging immortality. Kung wala ang tubig, matagal na siyang patay ngayon at naging abo. Kaya walang araw na hindi siya nagbababad sa tubig. Isa ito sa paraan niya para magsihilom ang kaniyang mga sugat.
Tinanggap niya ang kamay ni Percival na nakalahad at tila may kung anong bulto-bultong kuryente ang nanalaytay roon papunta sa kaniyang buong sistema at sumentro sa kaniyang puso. Ang lakas ng impact niyon na buong pagkatao niya ay sandaling nayanig dahil sa lakas ng dating ni Percival!