Chapter 28 - Tatlong Araw

1896 Words
“Ang kasunduan ay makakalabas kami ng buhay sa bundok na ito at paalisin mo `yang mga alagad mo na mga halimaw at demonyo, nagkakaintindihan ba tayo?” Walang takot na saad ni Percival saka nilabas niya ang efuanti sa kaniyang bag. Ang totoong efuanti ay nasa kaniyang kwentas na yari sa balat ng hayop. “Ito ba?” Pinakita niya ito dark lord. Nagliwanag naman ang mata ni Barthram na parang nakakita ng isang napakahalagang bagay. Kung sabagay, mahalaga rito ang efuanti at ibibigay niya iyon. “Ngayon, Ibibigay ko sa `yo ang efuanti at sumunod ka sa kasunduan.” “Paano kung pinatay kita?” “Hindi mo magagawa iyon, Barthram. Alam mo kung bakit? Nasa akin ang efuanti at mahilig ka sa mga kasunduan. Isa pa, kailangan mo ang batong ito hindi ba? Ayaw mo naman siguro na gamitin ko ang kapangyarihan ko at ipadala ito sa ibang mundo at tuluyan mawala sa `yo ang efuanting ito.” Natigilan si Barthram sa kaniyang sinabi at lihim naman siyang napangisi. Efuanti talaga ang pinakamahalagang bagay kay Barthram at kahinaan din nito ang batong ito na nasa kamay niya. “Sige, tatanggapin ko ang kasunduan mo. Ibigay mo sa `kin ngayon ang efuanti!” Naglahad ito ng kamay. Napatingin siya kay Magnus, Athena at Reedrick. Napalunok si Magnus sa takot na baka mabuking siya sa kaniyang plano. Habang tumango naman sa kaniya si Athena na parang sinasabi nito na go niya na agad. “Heto ang efuanti.” Tinaas niya ang bato sa ere. Tuwang-tuwa naman si Barthram at kaaagad nitong inutusan ang isang halimaw para kunin sa kaniya ang batong efuanti. Walang takot na binigay niya ang bato sa halimaw na lumapit sa kaniya. Nakangising binigay niya rito ang pekeng efuanti at kaagad na lumipad papalayo ang halimaw sa kanila. Mabuti naman. Nadadaan sa mabuting usapan ang demonyong nasa harapan niya. Ang lakas pa ng halakhak ni Barthram at kasabay ng malakas na kulog at kidlat, biglang nawala ang mga ito. Great! Sabay-sabay silang napa-high five sa isa’t isa. Buti na lang talaga at may extra siyang bato. “Percival! Sabihin mo sa `kin na nasa `yo ang totoong efuanti! Sabihin mo.” Mabilis siyang sinakal ng kaniyang kaibigan si Magnus. Kaagad niyang pinakita sa mga ito ang efuanti na nasa kwentas niya. Mas lalong naghiyawan ang dalawang kaibigan niya habang si Reedrick ay ang lawak ng ngiti na nakatingin sa kaniya. Nag-thumbs up ito sabay sabi ng ‘Good Job!’ Hindi na sila nagtagal doon sa Bundok ng kamatayan, umalis na sila roon at pagkaapak na pagkaapak pa lang nila sa labas ng Bundok, biglang lumiwanag ang buong paligid at doon nila napansin na maliwanag na. Nawala rin ang bundok. Ang nakikita lang nila ay talon at alam na nila kung ano ang nasa gitna ng talon na ito. Si Eulalia! “Bakit hindi ko siya nakita agad? Para naman mawala itong sakit ng puso ko.” Sabay bungisngis ni Magnus na hindi naman halatang kinilig sa sariling tanong. “Ang dugyot mo talaga lalaki ka, eh.” Inirapan naman ito ni Athena. “Oh, tama na `yan. About Eulalia, ayan si Elsa.” Turo niya sa napakagandang babae na nasa ibabaw ng tubig na naglalakad. Nakalutang lang ito sa hangin at hindi sumasangyad sa tubig ang paa. “Ang tagal mo, ah?” Ngumiti naman si Eulalia pero hindi abot sa mata ang ngiti nito. “Apat na araw na ang nagdaan at ngayon pa lang kayo nakalabas. Binabati ko kayo na nakaya niyong lutusan ang bundok ng kamatayan.” “Apat na araw?!” gulat na tanong niya. Hindi siya makapaniwala. Anong apat na araw, eh, hindi nga umabot ng isang araw ang pamalagi nila sa bundok na iyon! “Oo, apat na araw ko kayong hinintay at nagpapasalamat ako na nandito na kayo. Ang buong akala ko ay napatay kayo ng mga halimaw, o nang sarili niyong multo sa panaginip. ngayon nandito na kayo, magpatuloy na tayo.” Tumingin ito kay Reedrick at ngumiti. “Masaya rin ako na makita ka ngayon na buo ang kapangyarihan.” “Oo, dahil kailangan ni Percival ang tulong ko at proteksyon. Kahit sarili kong buhay kaya kong ibigay sa kaniya.” “Ganiyan mo kamahal si Percival?” rumehistro naman ang inggit sa mata ni Athena. “Hindi iyan ang ibig kong sabihin, Athena baby. Si Percival ay misyon ko at ang misyon iyon ay protektahan at pangalagaan siya sa mundo ng tao. Pero syempre Athena baby, ikaw pa rin ang nag-iisang baby ko at mamahalin sa mundo ng mga tao.” “Ang laswa talaga! Pero sige, sige. Tatanggapin ko ang pagmamahal mo.” Nasusukang saad niya, pero sa huli ay tumawa rin. “Nakalabas tayo ng walang namatay sa `tin kahit isa at malaki ang pasasalamat ko dahil doon.” “Ano ba `yan, magdadramahan pa ba tayo? Continue na tayo sa journey natin at baka malaman ni Barhtram na peke ang binigay ni Percival na efuanti.” Napatingin naman sa kaniya si Eulalia na gulat na gulat at hindi makapaniwa. “Anong efuanti?” “Basta mahabang kwento. Ang mahalaga ngayon, nakabili kami ng oras para makalabas ng safe and sound sa bundok ng kamatayan. Magpatuloy na tayo at baka malaman nga ni Barthram.” Tumango si Eulalia at nauna itong naglakad sa kanila papunta sa East. Hindi na rin sila nagulat nung nawala ang talon dahil alam nilang pag-aari ito ni Eulalia, ang elsa ng the frozen. Iyon nga lang, hindi ice ang kapangyarihan nito kundi tubig. NAPATINGIN si Eulalia sa binatilyong nagngangalang Percival. Matagal niya itong tinitigan at wala sa sariling napangiti siya habang pinagmasdan ang buong mukha nito. Huling kita niya rito ay nung limang taon gulang pa lamang ito at kaagad din siyang nawala pagkatapos niyang ibigay kay Atmoran ang isang bagay na kailangan nito. Ang potion para maging tao ito tuluyan. Naalala pa niya noon na tinitigan siya ni Percival at ngumiti ito sa kaniya. Alam niyang sa mga sandaling iyon, may kapangyarihan si Percival at dito pinamana ni Atmoran ang lahat ng kapangyarihan nito. “Ang lagkit naman ng titig mo kay Percival. Nakakasakit naman ng puso, Eulalia.” Napasulyap siya kay Magnus. Nakatingin ito sa kaniya at tumabi sa kaniya ng upo. Sandali silang nagahinga sa isang tabi kung saan maraming mga malalaking bato. Secured ang buong paligid. Wala siyang nakikitang mga halimaw o kahit anong demons ni Barthram. Siguro dahil malakas ang harang na ginawa niya pero alam ni eulalia na malakas ang kapangyarihan ni Barthram. Hindi niya kayang pantayan ang kapangyarihan nito sakali kaya dapat pa rin nilang maging handa kung ano ang kasunod na mangyayari. “Isa kang ordinaryong tao. Nakikita kong may isang babaeng nagngangalang Araw ang darating sa buhay mo at mamahalin mo siya ng mas higit pa sa pagkakagusto na naramdaman mo laban sa `kin.” Namula naman si Magnus at hindi agad nakasagot. Napakamot ito sa batok at nahihiyang ngumiti sa kaniya. “Paano mo nalaman na gusto kita? Saka sino ang araw na iyon? kailan siya darating? Pasabi naman at medyo naiinip na ako. tao ba siya o halimaw? Pasagot naman.” Hindi siya sumagot. Ngumiti lang siya at muling binalik ang tingin kay Percival na pinagmamasdan ang hawak nitong efuanti. Napahawak siya sa kaniyang puso, parang may kung anong kumislot doon na hindi niya magawang pangalanan kung ano ito. “Gwapo talaga si Percival pero maloko ang kaibigan ko. Advice lang Eulalia, huwag kang mahulog sa kaibigan ko! Naku na talaga. Masasaktan ka lang sa kaniya saka isa pa, ayaw niya sa mga matatanda ang edad. Hehe.” Tumaas naman ang kaniyang kilay ng tingnan si Magnus. Wala siyang sinabi na gusto niya ang kaibigan nito. “O, huwag mo akong tingnan ng ganiyan Eulalia at baka maniwala ako na ikaw `yong araw na sinasabi mo. baka bigla kitang mahalin diyan. Hehe.” Tumaas ang kaniyang kamay para akmang sasapakin ito at mawalan ng kaluluwa sa katawan nang mapasulyap sa kanila si Percival. Kumunot agad ang noo nito at ang sama ng tingin na binigay sa kanila pero agad din nagkibit ng balikat at muling binaling ang tingin sa efuanti na hawak nito. Lihim siyang napabuntong-hinga. Masyado lang siyang na-overwhelmed sa kagwapuhan at mata ni Percival pero hindi niya gusto ang lalaki. limang libong taon na siya at hindi ito ang magpapatibok sa puso niyang anghel. Isa pa, bawal sa kaniya ito. Isa ito sa mahigpit na pinagbabawal ng nasa itaas at alam niya ang kahinatnan nito kapag pinilit niya ang nararamdaman ng puso niya sakali. Bawal ang magmahal. Bawal para sa tulad niya. Napatingin si Eulalia kay Reedrick, gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi nang makita ang pagmamahal na nakita niya sa mata ng kasamahan anghel. Masaya siya para rito at alam niyang handa itong ibigay ang kapangyarihan nito pabalik sa langit para lang makasama ang babaeng tinatangi ng puso nito. Alam ni Eulalia na si Athena ang babaeng para rito at nakikita niya na iyon sa hinaharap. Ang tanging malabo lang ay ang hinaharap ni Percival. Hindi niya ito nakikita. Masyadong malabo ito sa kaniya para ma-predict kung ano ito at dalawa ang ibig-sabihin niyon para kay Eulalia. Dalawa. Dahil ang isa ay pwedeng kamatayan ang naghihintay sa unahan para kay Percival. “Kailan ba tayo aalis?” Bumalik ang kaniyang tingin kay Percival na mainit ang ulo na nagtanong sa kaniya. Ngumiti lang siya at binawi ang kaniyang tingin. Tumingin siya sa isang dereksyon at marahan napabuntong-hinga. Hindi sila pwedeng magtagal ngayon dito. Tama si Percival, kailangan na nilang maglakbay ulit ngayon dahil sa mga oras na ito, hinahanap na ni Barhtram ang pusod ng Asticus. Hindi basta-basta nasisira ang efuanti kapag hindi ito mismo sa pusod ng Asticus kaya kung binigyan ito ni Percival ng pekeng bato, malamang naglakbay na ang buong kampon ni Barthram papunta sa pusod na iyon. Tiningnan niya ang araw. Malapit ng gumabi at kailangan niya ng bumalik sa palasyo kahit ang kasunod niyon ay isangdaan pahirap sa kaniya ni Barthram sa silid na iyon na kung saan siya nakakulong. Para siyang isang kalapati na kahit may kalayaan na sa umaga, umuuwi pa rin kinakagabihan sa kaniyang amo. Pero kahit isa siyang Lamhua sa gabi at pinakamalakas na halimaw, nakakaya siyang saktan ni Barhthram sa itim na kapangyarihan nito. lagi nitong nilalatago ang kaniyang katawan ng apoy at apoy ang kaniyang kahinaan dahil tubig ang kapangyarihan niya. Sa gabi napupuno ng sugat at dugo ang kaniyang katawan pero kinabukasan ay nawawala ang mga iyon dahil ginagamit niya ang kaniyang tubig na kapangyarihan para mawala lahat ng mga sugat na kaniyang natamo. Pero sa ilang taon ng p*******t sa kaniya ni Barthram, sinanay niya ang kaniyang sarili pero may mga sandali pa rin na napapahiyaw na lang siya sa sakit at may mga sugat siyang hindi kayang tanggalin ang marka na iniwan sa kaniyang katawan. “Magsimula na tayo. Malapit na tayo sa pusod ng Asticus pero hindi basta-basta nakakapasok kayo agad doon. Marami pa kayong pagsubok doon at kasama sa pagsubok ay ang mga halimaw na nakaantala doon mismo. Maari ko kayong samahan hanggang may araw pero sa gabi, kayo na lang at alam kong kaya mong protektahan ang sarili niyo.” “Gaano pa ba ka layo sa tantiya mo?” “Tatlong araw. Percival.” Si Reedrick ang sumagot sa naging tanong ni Percival.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD