SINUBUKAN niya ulit ipikit ang kaniyang mata at muling inalala ang mga sandali na magkasama sila ng kaniyang aguelo.
“Hindi ka ba makatulog? Matulog ka na Percival at mamaya pa darating ang Ina mo.”
“Pero Lolo, magkweto ka muna bago ako matulog. Hindi mo pa kinwento sa `kin Lolo kung paano sila nakalabas sa bundok na iyon.”
Natawa ang kaniyang aguelo at hinaplos ang kaniyang buhok. Nasa kaniyang astronaut room na siya para matulog sana pero hindi siya makatulog kaya kinukulit niya ang kaniyang Lolo na magkwento muna.
“Oh siya, mangako ka na matutulog ka na `pag katapos ng kwento, apo?”
Excited akong tumango! Hinintay niya magsalita ang kaniyan Lolo na malungkot na hinaplos-haplos ang kaniyang buhok. “Tatlo na lamang sila ang nakalabas, apo.”
“Tatlo? Hindi po ba, Lolo, apat sila? Apat silang magkakaibigan, paano naging tatlo po?”
Napabuntong-hinga naman ito at sinarhan ang bintana ng kaniyang kwarto. “Dahil iyon ang nakatadhana sa kanila, Percival. Apat silang pumasok, tatlo lamang silang makakalabas.”
“Pero bakit nga po?”
“Namatay ang isa sa kanila, apo. Sinakripisyo niya ang kaniyang sarili para sa tatlo niyang kaibigan.”
“Pero bakit po?! Bakit niya sinakripisyo Lolo? Ayaw na ba niyang mabuhay? Bakit Lolo? Hindi ko makuha po.”
“Sinakpripisyo niya ang kaniyang sarili para maligtas niya ang tatlo niyang kaibigan. Para makalabas ang mga ito. Ganiyan ang totoong magkakaibigan, nagtutulungan. Ngayon, matulog ka na Percival at darating na ang Mama mo.”
“Sige po, Lolo! Matutulog na ako. bukas ulit, Lolo ha?”
Ngumiti lang ang kaniyang aguelo at saka niya pinikit ang kaniyang mata.
Parang sinnunto ang puso ni Percival sa nalaman. Napatingin siya kay Reedrick, Magnus at Athena, alin sa mga ito ang mamatay sa gabing ito? Naikuyom niya ang kaniyang kamao. Hindi siya makakapayag! Hindi pwedeng may mamatay sa mga kaibigan niya.
Malayo na sila at malapit na pusod ng Asticus kaya hindi niya hahayaan na may mamatay! Babaguhin niya ang nakikita niya sa kaniyang alaala. Alam niyang totoong mangyayari ang alaalang iyon pero hindi siya makakapayag. Baka may ibang paraan.
Wala rin sinabi ang kaniyang aguelo kung paano natalo ng apat na magkakaibigan ang kampon ni Barthram pero this time, gagamitin niya ang kaniyang kapangyarihan kung kinakailangan. Hindi lang ang sarili niya ang dapat iligtas dito, kundi pati na rin ang buhay ng mga ito. Tadhan na kung tadhana, wala siyang pakialam!
“Insan, okay ka lang?”
Napatingin siya kay Reedrick at nagkunwari siya agad na ngumisi. “Naman! Ako pa ba?” May ideya na siya kung sino ang mawawala sakali sa gabing ito. Kilala niya ang taong sinasabi ng kaniyang aguelo na magsasakrapisyo. Si Reedrick ang taong iyon! pero hindi. Hindi niya papayagan na mawala ang taong ito sa buhay niya. Parte na si Reedrick ng buhay niya at sa isipin na mawala ang nag-iisang pinsan niya kunwari sa totoong mundo ay nagpapakaba sa kaniyang puso.
“May naisip na akong plano, Percival.”
“A-ano… iyon?”
Ngumisi muna si Reed at inakbayan siya. “Bago iyon, gusto ko munang sabihin sa iyo na masaya ako na nakilala kita at nasubaybayan na lumaki kasama ni Aritmoen. Alam mo ba na si Artimoen at si Atmoran ay iisa?” Natawa siya habang ako ay gulat na gulat. Hindi makapaniwala sa narinig. “Ang Lolo mo ang siyang nagligtas sa Jorion dahil mahalaga sa kaniya ang mundong iyon. Gusto niyang makita mo ang lugar na iyon kung sakaling pumasok tayo rito isang araw kung itinadhana man ito ng Asticus. Pinamukha namin na patay si Atmoran sa mundong ito dahil sa mundo ng mga tao siya namuhay ng normal matapos maisilang ang ‘yong Ina. Kung naging lalaki sana si Tita, baka siya ang naging tagapangalaga ngayon ng efuanti pero dahil babae si Tita at ikaw ang anak niyang lalaki kaya sa `yo pinasa at pinapangalaga ni Aritmoen ang efuanti. Hindi niya sinabi kung anong klaseng tao ka derekta, dinadaan niya lang ito sa kwento noon. Dahil nung nagtangka si Aritmoen na ikwento sa `yo ang orihinal na katauhan mo, pinagtatawanan mo siya. Pero ngayon, gusto ko magpasalamat sa `yo Percival dahil kahit alam mong isa akong anghel at immortal, hindi pa ri nagbago ang pakikitungo mo sa `kin. mahal na mahal mo pa rin ako na parang pinsan mo pa rin kahit ang totoo, matanda ako sa `yo ng ilang libong taon.”
Hindi kumibo si Percival. Napatingin lang siya sa mga halimaw at demonyo na hindi mapakali sa kinatatayuan. Parang hinihintay ng mga ito ang pagbilog ng buwan at panay alulong ang mga ito. Kating-kati ng sumugod sa kanila at halatang gutom na gutom na!
“Bakit mo pala sinasabi sa `kin ang lahat ng ito?”
“Dahil hindi ko alam kung mabubuhay pa ako pagkatapos dito, Percival. Marahil ay baka mamatay ako rito. Gusto kong iligtas at iuwi mo ng buhay si Athena at Magnus sa mundo. Mahal na mahal ko kayong tatlo. Lalo na ikaw Percival, mahalaga ka sa `kin dahil sa `kin ka iniwanan ni Aritmoen.”
Nagkunwari siyang natawa. Tama nga ang kaniyang hinala, iiwanan siya ng pinsan niyang gago. Pero hindi, sorry na lang ito dahil isasama niya pa rin ito pabalik sa mundo ng tao. Walang maiiwan dito sa Asticus. Ibabalik pa nila sa sa tamang balanse ang Asticus at tatalunin ang pangit na Barthram na iyon. wala siyang pakialam kung hindi na siya nakakapag-skin care routin niya gabi-gabi.
Pinangako rin niya na pagbalik niya sa totoong mundo, magiging mabuting anak na siya ni Perlita at hindi na pasakit sa ulo. Itatama niya na ang kaniyang mga mali at hindi na siya magiging suwail na anak. Basta lalabas silang buhay ritong apat! Walang maiiwan na patay at walang iiyak sa kanila. Sama-sama silang pumasok sa mundong ito, sama-sama din sila na lalabas na gwapo pa rin at maganda.
Tiningnan niya ang kaniyang kamay, may nararamdaman si Percival na enerhiya mula roon. Tinaas niya ang kaniyang kamay at nakita niya ang mga ugat niyang nagsisilabasan sa kaniyang braso.
Binaba niya agad ito at tinago sa kaniyang likuran, may iba siyang plano at siya lang ang nakakaalam niyon kung ano ito. “Reedrick, alam ko kung ano ang gagawin mo at huwag tangkain ang bagay na iyon.”
“Ang alin?”
Tinawan niya ang lalaki at inakbayan ito. “Alam kong isasakripisyo mo ang sarili mo para sa `min, sinabi na ito ng Lolo ko. Pero iibahin ko ang nakikita kong iyon. Lalabas tayong buhay at hindi ka pwedeng mamatay. Mamahalin ka pa ni Athena.”
Ngumiti naman ito at nagpapasalamat sa kaniya. magsasalita pa sana si Reedrick nang sabay silang napalingon sa isang dereksyon.
“Si Barthram?!”
Parang may kung anong takot ang biglang pumuno sa kaniyang pagkatao. Natatakot siya ngayon pero bakit? Napalunok si Percival pero hindi siya nagpahalata. Nakalutang sa ere si Barthram at nakapalibot dito ang itim na enerhiya.
“Kumusta kayo?”
“Heto pa rin, gwapo pa rin kami.” Lakas loob na sagot ni Magnus at nagawa pang kumagat ulit ng peras.
“Masaya ako na marinig iyan. Ituloy niyo lang iyan mga bata.” Ngumisi si Barthram at naglakad ito sa hangin. Ang mga halimaw at demonyo ay sandaling yumuko sa panginoon ng mga ito pero hindi sila natinag.
Naghanda sila kung ano ang gagawin ng mga kaaway. Klaro naman talaga na susugurin sila ng mga ito at siya ang pinakapakay ni Barthram. Nasa kaniya ang efuanti, at ito ang kailangan nito.
“Bakit mo kami sinusundan?!” Si Reedrick.
“Hindi ba halata, mga bata? Lalo na ikaw isang kalahating anghel na nagpanggap na isang ordinaryong tao dahil suot mo ang isang uri ng salamin at hindi ko agad napansin `yon.” Natatawang saad ni Barthram. “Ang kailangan ko ay ang efuanti! Hindi ko ito natunugan nung una dahil nababalot ito ng kapangyarihan ng anghel na iyan!” tinuro siya nito na galit na galit pero kaagad din na kumalma. “Pero ngayon, hahayaan ko kayong mabubuhay at makalabas sa mundong ito basta ibigay mo sa `kin nang maayos ang itim na kristal.”
Napakuyom ng kamay si Percival. Kaya pala hindi nalaman ni Barthram noon na nasa kaniya ang efuanti at kaya rin pala sa kaniya binigay ng aguelo ang bato dahil kaya niya iton protektahan. Pero bakit at anong nangyari at nalaman nito na hawak niya ang efuanti?
“Paaano mo nalaman na nasa akin ang efuanti?”
“Mabilis lang, Percival. Mabilis lang. Nung natalo niyo ang Lamhua nang gabing iyon, alam ko na isa sa inyo ang may hawak ng efuanti. Hinayaan ko kayong makaalis sa palasyo dahil may iba akong plano at doon ko napatunayan na hawak nga ng nagngangalang Percival ang efuanti.”
Napangisi siya. Ibig sabihin, hindi alam ni Barthram ang kabuuan hugis ng efuanti? Natawa siya sa kaniyang isip. Mabilis lang ang problemang ito at hindi na kailangan may mamatay sa kanilang isa para makalabas sa bundok na ito.
Ibibigay niya ang kailangan nito pero makikipagsunduan siya. Alam niyang sumusunod ito sa kasunduan tulad ng sabi ni Eulalia.
“Ibibigay ko sa `yo ang efuanti pero may isa akong kasunduan.”
“Percival Pierce!” Nagulat si Magnus, Athena, lalo na si Reedrick sa kaniyang sinabi ngayon lang.
“Percival, hindi mo pwedeng ibigay sa kaniya ang efuanti. Isang delubyo ang mangyayari kapag nasa kaniya ang batong ito, Percival. Please, huwag mong gawin iyon.” napuno ng pag-alala ang mukha ni Reedrick. Hindi ito makapaniwala sa kaniyang sinabi pero desidido siya na ibigay ang efuanti. Ito ang kailangan nito, `di ba? Kaya ibibigay niya ang hinihingi ni Barthram para makalabas sila ng walang problema.
“Nabaliw ka na ba Percival? Kapag binigay mo sa kaniya ang itim na efuanti, baka mas lalo tayong hindi makalabas sa mundong ito!” Kulang na lang ay sapakin at kainin siya ni Magnus. Lumaki din ang malaking mata nito. Habang si Athena ay gustong maiyak sa kaniyang sinabi na ibibigay niya ang efuanti.
“Magtiwala kayo sa `kin. kahit ngayon lang.” Sumulyap si Percival sa mga ito at binigyan ng assurance ang tatlo. Hindi siya tanga para ibigay kay Barthram ang kailangan nitog kristal. Natawa siya sa likod ng kaniyang utak nang maalala ang batong kaniyang pinulot na kasingtulad ng efuanti, iyon ang kaniyang ibibigay sa kaaaway na nasa harapan nila. Sana nga ay lumusot sila sa plano niyang iyon.
“Anong kasunduan ang gusto mo bata?” tumalim ang mata ni Barthram. Bumaba ito sa lupa. Namumula ang mata nito pero ngayon ay naging normal. Alam ni Percival na nagustuhan nito ang kaniyang naging desisyon. Kahit naman siya, nagustuhan niya rin.